Chapter 20: Gandang Lalake

376 5 0
                                    

Chapter 20: Gandang Lalake

“Artista amputa.” Sabi ko, “Ano ka, bakla?”

Tinira ni Million ang cue ball papunta sa ocho na kanina pa naming hindi mapahulog. Imbis, ay ang cue ball mismo ang nahulog. Lintik na bilyar, napakasimple pero ang hirap laruin. Yun ang unang beses ako nag-bilyar.

“Hindi nga.” Sagot naman n’ya, “Seroyoso ako.”

Pinosisyon ko ang cue ball sa distansyang komportable ako. Dahan dahan akong bumwelo at tinira ng malakas. Tumama sa ang cue ball sa otso at tumama ang otso sa kinse. Hulog. Panalo ako. Bayad ni Million ang pangatlong bucket ng beer dito sa “Boogey” Bar dito sa Bae.

Dalawang bwan ang nakalipas pag-uwi ni Million dito sa Pilipinas. Hindi ko s’ya nakilala. Dalawang taon ang nakalipas. Bente na ako, Disi-ocho na s’ya. Tumangkad, pumiti, humaba ang buhok, gumwapo. Alam ko, bading pakinggan pero seryoso, nag-improve ang itsura ng dating uhugin at batukbatukang si Million.

Sakay kami sa kotse ni Heav. Bigtime na si Heav, nabenta ang lumang bahay ni Tita sa kamangha-manghang presyo. Pero dahil may part time job na ako bilang lyricist, hindi ko na kinailangan masyado ito kaya napagdesisyonan kong pag-hatian namin ito ni Aling Hevs. Nakakuha ng magandang model si Heav nung una. Pangalawang kotse n’ya na ‘to. Yung una n’yang binili ay pinag-benta n’ya rin at naka-tubo pa s’ya. Yun ang ginamit n’yang pambili nitong kotse n’ya ngayon. Isuzu Crosswind. Yung limited edition. Oo, hindi s’ya brand new pero ang angas parin. Malinis. Mabango. At chikas ang driver.

Nung nasa kotse kami ay panay ang dakdak ni Million tungkol sa America. Kung gano daw kahirap mag-english, kung gano daw kalaki ang tao, kung gano daw kaganda ang mga babae, kung gano daw...hmn, ewan ko na, basta madami. Isang kilong kwento. Pagkatapos ‘non ay nag-simula na s’yang mangamusta sa amin.

“Ano pare?” sabi ni Million, “Balita sa nyo, ha? Hoy Heaven! Bigitme kana a.”

“Ikaw nga d’yan bigtime e.” Sabi ni Heaven habang bumusina sa tatawid sanang mag-syota. “American Citizen!”

Napatawa ako at sumangayon sa sinabi ni Heav, ni Heaven.

Sa pag-babalik ni Million, namiss ko lang si Sam at si Kamiseta. Ngayon ko nalang ulit sila naisip. Si Maya. Hindi rin s’ya nawawala sa isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang mangulila ng isang lalake sa tatlong babae sa iisang oras. Mapait. Mas mapait pa sa beer na inilibre ni Million samin ni Heav nung pag-uwi n’ya, araw pag-katapos ng uwi n’ya, buwan pag-uwi n’ya at sa tuwing mananalo ako sa aming bilyar.

“Bakit pa artista pinili mo?” sabi ko, “Tangina ang baduy neto e.”

“Wala lang. Madami babae ‘don e.”

“Madaming babae sa Makati, gusto mo isama kita?”

Tumingin si Heaven sa akin at umiling, sabay inom ng beer.

“Ayan oh pala,” sabi ko ng nakangiti, “Si Heaven. Palumpalo.”

Pinandilatan ako ng dalaga pero tumawa rin sa huli. Pero tinanong nga ni Million kung meron daw bang pag-asa s’ya sa dalaga.

“Wala.”  Tapat na sagot ni Heav.

“Puta, bakit wala? Pogim-pogi na nga ako o!”

“Dati ka pa naman gwapo e.”

Napa-dura ako ng beer at pinigilang humalakhak.

“Seryoso ako,” pahabol ni Heaven, “mas gwapo ka pa nga dati e.”

Hindi na ako umimik at nilunod nalang ang sarili sa alcohol.

Natapos ‘don ang inuman. Tumayo kaming tatlo. Inabot ni Million ang bayad kay Aling Tsang, ang bading na may ari ng Boogey Bar at tinahak ang daan palabas, o exit sa wikang ingles.

Kwento ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon