Chapter 16: Kaarawan

408 6 0
                                    

Chapter 16: Kaarawan

Isa sa mga araw ng isang linggo, bigla nalang napa-sigaw si Vampire. Dali-dali akong bumaba sa kwarto ko at tinignan kung ano bang nang-yari sa kanya. Hindi naman nagising si Zombie sa sigaw n’ya, pero ako gulantang na gulantang. Naka-tayo s’ya at yung braso n’ya ay bahagyang nasa likuran, nag-lalakihang mga mata na para bang multo ang nakita. Nag-nining ning yung mga mata n’ya at naka-tingin sa akin ng para bang birthday n’ya; Pero hindi s’ya yung may birthday, ang may birthday ay yung gusto n’yang kaibiganin. Tinanong ko kung paano n’ya nalaman at sinabi n’yang sa Friendsbook, facester, ewan ko, basta may sinabi s’yang isang salita na hindi kaya ng imahinasyon ko. Wala na akong alam sa mga ganung bagay e, sa totoo lang, bogoks ako sa internet. Youtube lang alam ko, yung may mga libreng vide- basta, alam n’yo na naman yun e. Anyway, so ayun nga, sa susunod na dalawang linggo ay kaarawan na ng gusto n’yang kaibiganin, at yun daw yung perpektong oras pa makipag-kaibigan s’ya, at bibigyan n’ya ito ng regalo.

Niyaya n’ya ako sa mall kinabukasan upang mag-hanap ng pwedeng regalo, sabi ko ay masyado pang maaga pero hindi s’ya nakinig, sumunod naman ako. Pumunta kami sa Greenbelt, Glorrieta, SM Makati at inabot narin ng Megamall. Wala daw s’yang maisip na i-regalo dahil hindi n’ya pa daw masyadong kilala masyado yung bibigyan. Pinilit ko ulit s’yang kumbinsihin na kilalanin n’ya muna pero sinabi n’ya na gusto n’ya daw ay maging special yung pag-papakilala n’ya.Wala na akong magawa kaya sumunod na lang ako ng sumunod. Hanggang sa hapon na at naka-upo na naman kami sa foodcourt. Nakanga-lumbaba s’ya at mukhang malunggkot at disappointed talaga. Naka-18 s’yang buntong hininga buong araw, sinasabi ko lang. Nung  tinanong n’ya ako kung ano gusto kong matanggap sa birthday ko ay sabi ko agad ay console na pwede makapag-laro ng Street Fighter. Sabi naman n’ya ay masyado namang mahal yun, sumang-ayon naman ako. Tumayo na s’ya at sumuko sa pag-hahanap, uuwi na daw kami.

Pag-sakay namin ng bus ay may nakita kaming nag-lalako ng macapuno, ube at langka, yung mga tipong ganon. Bumili ako ng isang balot. Inalok ko si Vampire pero hindi s’ya tumanggap, kahit ano sa tatlo, ayaw n’ya daw. Matamis s’ya at sinabi ko yun kay Vampire. Napa-hiyaw s’ya ng “EUREKA!” sa bus, at nag-kunwari-kunwarian akong tulog para hindi ako mapahiya sa sigaw ni Vampire.

Pag-uwi namin ay agad n’yang binuksan ang laptop n’ya at nag-research about cakes. “Wow” sabi ko, tinanong ko s’ya kung ngayon nya lang talaga ‘yan naisip at kung yun yung rason kung bakit s’ya napa-hiyaw sa bus. Parehong oo sagot n’ya sa dalawa kong tanong. Na-pagod ako kaya umakyat na lang ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Tumawag ako kay Heav at nangamusta, sa kanya at kay Jasmin. Okay lang naman daw sila pero minsan daw ay hindi n’ya nakikita si Jasmin sa simbahan, sabi ko naman ay okay lang dahil minsan ay hindi ko rin yun naabutan dun, nag-pasalamat ako at ibinaba na ang telepono. Inisip ko ulit si Kamiseta at si Sam, pati rin si Maya. Sinuri kong maigi ang pag-kakaibaa nilang tatlo para sa akin. Si Kamiseta: Maganda, matalino at yun lang ang alam ko sa kanya. Si Sam: Masarap kasama, masarap kausap at mabuting tao, matulungin at masarap kasama. Ngayon kung si Sam ay masarap kasama, si Maya naman yung tipong masarap sa kama, maporma, matalino, masarap din s’ya kasama dahil madami s’yang alam.

Hindi ko nakikita si Maya sa nag-daang mga araw, ang nakikita ko lang ay ang pag-pupuyat ni Vampire upang makagawa ng masarap na cake. Hindi ko nga alam kung ilang beses na s’ya pumalya e, pero hindi ko alam na pumapalya pala si Vampire sa pag-luluto, ang sarap n’ya kasi mag-luto ng mga ulam namin tuwing kakain kami.

Bago ang araw na pinaka-hihintay ni Vampire ay na-perpekto n’ya na daw yung chocolate cake na ginagawa n’ya. Chocolate mouse ata o chocolate spouse, hindi ko alam. Nag-linis na s’ya at tumulog ng mahimbing.

Kinabukasan ay pumasok na s’ya ng school dala-dala ang kanyang chocolate house sa isang pulang kahon na may ribbong nakatali. Pinapawisan s’ya sa makulim-lim na bwan ng hulyo at nangi-nginig na ang mga tuhod, halos. Tinanong ko s’ya kung okay lang ba s’ya at sumagot s’ya ng oo.

Kwento ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon