Chapter 22: Kamusta ka, Kamiseta?
“Twinkle,twinkle, little star...
How I wonder what you are...
Up above the world so high...
Like a diamond in the sky...
Twinkle, twinkle, little star...
How I wonder what you are....”
Sa totoo lang, madami na akong napakinggang kanta. Mula sa acoustic hanggang techno, kahit ano, kahit sinong kumanta, basta maganda pinapakinggan ko. Ni-isang minuto sa buong buhay ko, hindi ko naisip na ang pambatang kanta na ‘yon ang babangungot sakin.
“How I wonder what you are....”
Inulit ni Kamiseta ang huling linya ng “Twinkle Twinkle Little Star”, ang isa sa mga kantang natutunan ng mga batang wala pang alam sa mundo.
Pumatak ang luha ni Kamiseta habang nakatitig s’ya sa akin, nakangiti ang labi ngunit punong puno ng kalungkutan ang mga mata. Hinawakan n’ya ako sa pisngi malapit sa tenga at unti-unti ay dumudulas ito pababa, sumabit ang hinliliit ni Kamiseta sa labi ko at tuluyang bumagsak ang kamay n’ya sa kanyang hita. Tumayo s’ya at tumingin sa bintana, hindi na muling lumingon sa akin.
Disyembre nung dumating yung package ni Sam para sa amin, at Pebrero naman dumating ang sulat ng Lola ni Kamiseta sa bahay nila Million. Pinadala ito sa dati naming school nung highschool kami, tapos pinadala ng school sa bahay nila Sam, tapos tinawagan naman ni Mela si Heaven kaya nakuha namin ang liham. Medyo mataba yung sobre kaya inisip namin kung ano ito, at agad nasagot ang katanungan namin.
Sa loob ng sobre ay nakalakip ang isang papel na may naka-sulat, limang litrato, at isa pang papel na puti na ngayon ay may guhit.
Una naming tinignan ang litrato, ang limang litrato. Ako, si Sam, si Kamiseta at si Million na naka-togang asul at ang isa pa ay ang class picture namin nung highschool na lahat ng kaklase namin ay may itim na tuldok ng pentel pen sa mukha maliban sa aming apat.
Kasunod naming binuklat ang liham, binasa namin ito ng tahimik, kaming dalawa ni Heaven.
“Sa mga kaibigan ni Kamiseta,
Kailangan kayo ng Apo ko ngayon, kung maari ay pumunta kayo dito. Hindi ko kayo kilala buko sa kwento ng aking apo pero sana naman ay tugunan n’yo ang aking hiling. Kailangan kayo ng apo ko, kailangan kayo ni Kamiseta. Wala akong maibibigay na pamasahe ngunit sana ay pumunta kayo dito sa lalong madaling panahon. Kailangang kailangan n’ya kayo. Parang awa n’yo na
Nakalakap kasama ng liham na ito ang mapa papunta dito sa aming bahay. Sana ay makapunta kayo n sa lalong madaling panahon, Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.”
Kasunod nito ay ang pirma at pangalan na nag-sasabing lola s’ya ni Kamiseta. Nagka-tinginan kami ni Heav, parehong naguguluhan pero pareho ring nag-pasya na puntahan si Kamiseta sa Cotabato. Hindi namin naisama si Million dahil masyado itong abala sa pag-a-audition at pag-extra extra. Kahit gano kalamig sa eroplano ay hindi ko parin mapigilang mag-pawis na parang pok-pok na pinasok sa kumbento.
Malayo-layo rin ang aming byahe at sa totoo lang, wala akong ma-alala tungkol dito. Buong oras ay nakatutok lang ang utak ko kay Kamiseta. Hindi ko nga alam kung nakakain na ako at di ko rin alam kung may naramdaman ba’kong iba bukod sa kaba nung mga panahon yon. Pero natun-ton rin naman namin ang maliit na bahay ng lola ni Kamiseta.
Gabi na nang madatnan namin ang matanda na may hawak na dede at pinapa-inom ito sa hawak hawak ring sanggol. Pina-upo n’ya kami sa isang mahabang upuan na yari sa kawayan. Mga ilang minuto ay naka-tulog na ang sanggol, inilagay ito ng matanda sa kuna at inugoy-ugoy ito. Kasabay ng ugoy ay tumingin ako sa kaliwa’t kanan, hinahanap si Kamiseta.
BINABASA MO ANG
Kwento ng Tao
Novela JuvenilAno ba ang mga dapat pag-daanan ng isang binatilyo upang maging matanda? Nasa edad nga ba ang katandaan? Nasa utak lang ba talga ang kabataan? Madaming tanong ang gustong masagot ng isang binatilyong madaming pangalan pero hinahanap parin ang kanyan...