Chapter 8: Patay
Nagsimula yung araw na katulad lang din ng kahapon. Wala na yung dalawa sa salas. Hanggang ngayon, iniisip ko parin na nandun sila. Pag-harap ko sa salamin ay nakita ko parin yung mga bangas ko. May black-eye parin ako at sugat sugat parin ang mukha ko. Di ko parin mai-mulat ng ayos yung kanan kong mata. Ngayon ko lang naramdaman ng mabuti yung sakit, ang wirdo. Napag-tanto ko nga na kalokohan nga yung ginawa ko.Pero sa mga oras na ganon, hindi ka na makakapag-isip at bigla bigla ka nalang gagawa ng aksyon. Di naman ako nag-sisisi sa ginawa ko. Masarap nga e, kahit papano. Nakailang bira din ako sa kabayong yun. Hindi ako sang-ayon sa Animal Cruelty pero sa pagkakataong yun, tingin ko naman e nararapat sa kanya yun, kulang pa nga e. Nag-almusal na ako at kumain. Kumain ako ng madami. Hindi ko alam, parang gusto ko lang kumain ng madami talaga.
Pagkatapos ko kumain, niligpit ko na yung pinagkainan ko at binasa ko ulit yung letter tungkol sa Community Service. Iniisip ko pa lang na magwawalis ako ng kalye sa loob ng isang linggo ay tinatamad na ako, dag-dagan mo pa nitong mga pasa’t sugat ko na makikita ng mga tao. Nakakahiya talaga. Dahil sa katamaran ko, napagpasyahan kong hintayin nalang si Sam mamayang hapon. Sino ba naman ang sisipaging pumunta ng baranggay o kung san man na ganto itsura mo. Umupo ako sa salas, alas ocho palang ng umaga. Madami pa akong oras para gugulin dahil mga alas kwatro pa o alas singko makakapunta dito si Sam.
Ginawa ko, tumayo nalang ako at kinuha yung walis at dustpan. Mag-lilinis nalang ako ng bahay kesa mamatay sa boredom. Hindi ko alam kung san ako magsisimulang maglinis kaya inuna ko yung kwarto ko. Kahit ganto akong tao, tamad at mareklamo, malinis naman kwarto ko. Magabok ng onti oo, pero hindi makalat. Nakasalansan yung mga libro ko ng ayos sa may lamesa, yung lapis at mga iba ko pang panulat at pang-guhit ay nandun sa may baso, yung bag ko nakasabit, yung damit ko ay nasa drower. Nakaugalian ko na maglinis ng kwarto kasi lagi ako pinapagalitan ng Tita ko pag makalat. Inipod ko yung kama at mesa para mawalisan yung ilalim. Alam nyo iniisip ko, iniisip ko may litrato dito ng pamilya ko dati na madidiskurbre ko at magka-kabit-kabit yung mga putol putol kong memory sa kanila. Pero wala e, wala akong nakita. Gabok, goma at ginto. Oo, ginto. Ginto na mga alahas ni Kamiseta. Hindi ko alam kung bakit nandito ‘tong mga to. Tinago ko lang dun sa kahon nung mesa ko yung mga alahas nya. Akala ko dala dala nya na to pag-punta namin kila Sam. Sunod ko namang nilinisan yung kusina namin. Wala naman masyadong lilinisin kasi naghimpil na ako kanina. Pero ang ginawa ko, hinimpilan ko ulit lahat ng plato, kutsara’t tinidor at mga baso. Wala lang. Wala lang talaga. Nag-tataka ako kasi dalawa lang kami ni Tita pero andami naming mga kagamitang pangkainan. Ngayon ko lang yun napansin. Di rin naman kami masyado nagkakabisita dito sa bahay. Pero hinugasan ko parin lahat. Una yung mga baso, sunod yung mga tinidor at habang naghuhugas ako ng kutsara, natandaan ko na kumain nga pala dito si Kamiseta at si Sam. Pero hindi ko didilaan o hihimudin yung kutsara tulad nung isang lalake sa isang libro, kadire. Pagkatapos ng kutsara ay pinggan naman. Naalala ko yung joke na tungkol sa pinggan. Yung ipapaipit sayo yung ilong mo at kailangan mong sabihin ang pinggan na tuwid. Pero dahil nga ipit yung ilong mo, di mo masasabi ng tuwid yung letrang “n”. Ang joke dun ay ang sasabihin mo ay plato dapat, dahil walang “n” sa salitang plato, masasabi mo ito ng tuwid. Napangiti ako mag-isa habang naghuhugas. Tapos, tapos na. Wala nang mga hugasin. Kinuha ko ulit yung walis at dustpan at pumunta naman ako sa salas. Sa salas, wala ding masyadong lilinisin. Nakasalansan naman ng maayos yung mga gamit. Winalis ko nalang yung sahig at dun nagtapos yung paglilinis ko.Alas nuwebe na rin. Isang oras narin.
Pinawisan ako sa ginawa kong paglilinis. Kaya kumuha ako ng tuwalaya at nag-hubad ng damit. Maliligo muna ako. Tabo mode lang kame, buhos buhos. Habang nagbubuhos ako ay nararamdaman ko na nakirot kirot ng onti yung mga sugat. Mas kumirot yung mga sugat nung sinabunan ko na. Nakakainis, parang may mga maliliit na tao na tinutusok tusok ng maliliit nilang espada ang sugat ko. Nakakainis talaga. Naiinis na ako talaga kaya binilisan ko na maligo. Hilod, sabon, buhos, shampoo, buhos, tapos. Tapos nung kinuskos ko na yung mukha ko, nadali ko na naman yung sugat! Tangina! Medyo nagbuka ulit yung mga sugat kaya dumugo.A napakasakit e! Dali dali akong nagsuot ng panloob, shorts at damit. Tapos kinuha ko agad yung bulak at betadine. Hindi ko pa naaayos yung mukha ko ay may kumakatok na sa pinto. Binuksan ko naman ng may dugo dugo pa ako sa mukha na nakakalat, kasi nag-papanic ako. Masakit kasi ng sobra. Tapos pagkabukas ko ng pinto, nakarinig nalang ako ng sigaw at bigla nalang ako nasampal. Nag-dilim ng ilang onti ang paningin ko at medyo namumuti muti hangga’t sa wakas bumalik nako sa mundong ibabaw. Si Sam, sinampal ako.
BINABASA MO ANG
Kwento ng Tao
Fiksi RemajaAno ba ang mga dapat pag-daanan ng isang binatilyo upang maging matanda? Nasa edad nga ba ang katandaan? Nasa utak lang ba talga ang kabataan? Madaming tanong ang gustong masagot ng isang binatilyong madaming pangalan pero hinahanap parin ang kanyan...