Chapter 11: Tinahing Bulaklak

337 7 1
                                    

Chapter 11: Tinahing Bulaklak

Nagising na lang ako sa ospital. Ayoko talaga sa ospital. Nakita ko yung oras, 7:20. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong oras na ba kasi walang bintana dun sa kwarto ko. Di ako pwede tumakas. Nakita kong naka-pang ospital na naman ako, yung suot. Wala rin ako nung oxygen or dextrose.  Dahil sa kakaisip ko, di ko napansin na nasa tabi ko pala si Sam. Naka-patong yung pisngi n’ya sa magkapatong nyang braso. Ginising ko s’ya at nagising naman s’ya.

“Umaga ba o gabi ngayon?” sabi ko.

“Gabi. Halos dalawang araw ka nakatulog.”

“Oh? Baket ba ako andito sa ospital?”

“Anong baket?” sabi nya. “Nung ano.”

“Ha?”

“Yung magka-yakap kaya tayo.” Sabi n’ya na nahihiya, at bigla rin akong nahiya. “Ayun, bigla ka nalang nawalan ng malay. Malay ko ba kung anong gagawin ko kaya tumawag ako agad sa ospital.”

Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko. Nahiya ako. Nalimutan ko kasi na nagyakapan nga pala kami dun na parang mga tanga.

“S’ya tara na.” sabi ko.

“Di pa pwede, sabi ng doctor at least daw 3 days ka dito. Nakakadalawang araw kana so bukas pwede kana lumabas. Tiisin mo na.”

“Ano daw bang nangyari sa akin?”

“Stress masyado. Masyado mong ginulpi yung katawan mo nung nakaraang Linggo kaya ayan tuloy.”

“Yun lang pala e. Okay na ako ngayon, tara na.”

“Di nga pwede. Makinig ka nga.”

Di na ako umimik at tumunganga nalang. Gusto ko mag-yosi. Naadik na ako sa yosi. Hindi naman s’ya masarap e, talaga lang nakaka-kalma. Kahit ano yung hihihithit ko sa totoo lang, wala akong paborito. Kahit anong available. Di ko naman kasi talaga gusto yung lasa. Wala namang lasa e. Ewan ko ba. 

“Ilang linggo nalang halos no?” biglang imik ni Sam.

“Ang?”

“Graduation na.” Sabi nya. “Ambilis, wala pa halos dalawang linggo tayong nagkakilala ng lubos tapos Graduation na agad.”

“Eh ganon talaga.”

“Ayoko pa e.”

“Ng ano?”

“Mag-Graduation.”

“Edi wag ka umattend.”

“Eh hindi naman ganon ibig kong sabihin e.”

“Alam ko.”

“Eh bakit mo pa sinabi?”

“Wala lang.”

Di na sumagot si Sam. Nakatingin lang s’ya sa kamay ko tapos kinukutkot yung sarili n’yang kamay. Parang sa isang sandali, napagkamalan ko s’yang si Kamiseta. Para kasing sinuot n’ya rin yung mapupungay na mata ni Kamiseta, sa isang sandali. Kalungkutan lang ang bumabalot sa aming dalawa. Hindi ko masabi kung ano, di na ako masyadong gulat sa pagkamatay ni Tita at nakatatak parin sa akin yung mga sinabi n’ya dun sa sulat. Pero madami paring bumabalot sa utak ko, di ko parin naiisipan ng paraan yung kaso ni Kamiseta. Ang nakakapagtaka ay walang balita kay Red Horse, o sa tatay ni Kamiseta. Parang hindi man lang s’ya hinahanap. Mga sitwasyong ganto, hindi mo alam kung anong iisipin. Minsan ganon talaga, minsan bibigyan ka ng utak mo ng mga iisipin pero hindi mo naman maisip ng maayos. Kung bakit, hindi ko alam.

“Pwede ba tayong sumayaw?” biglang alok ni Sam.

“Ha?!” nagulat talaga ako.

“Sayaw.” Sabi nya. “Kung pwede lang. Kaya mo naman gumalaw diba?”

Kwento ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon