Chapter 17: Pangalawang Ibon

288 6 0
                                    

Chapter 17: Pangalawang Ibon

Nag-kita kami sa Giligans ni Maya isang linggo matapos ang kaarawan ni Heav. Napansin n’ya ang malungkot kong mukha at tinanong n’ya kung bakit daw ako sadface. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung bakit ganun nalang ang tiwala ko kay Maya upang sabihin ng tapat ang mga nararamdaman ko. Sinabi ko sa kanya ng buong katotohanan ang mga nararamdaman ko, kahit di ko siguro kung ano ang mga ito. Nung una ay tawa s’ya ng tawa, sipsip ng beer at hit-hit ng sigarilyo. Pinapanuod kong unti-unting kainin ng baga ang stick na hawak ni Maya. Puno na naman ang lamesa ng upos ng Marlboro na pula. Nung tumigil s’ya ng kakatawa ay bigla s’yang tumingin sa akin, hinawakan ang kamay ko at sinabing:

“H’wag kang mag-alala, Ibarra, kung ayaw ka man n’ya ay nandito lang ako.”

Dalawang segundo ay sumabog na rin ang tawa ako, kasabay ng kanya. Tumaas ang balahibo ko sa lahat ng parte ng katawan nung mga sandaling binanggit n’ya yung mga nakakakilabot na salita sa akin. Mga 36 din siguro ang tawa ko ‘non. Pag-katapos ‘non ay pinatay n’ya yung hawak n’yang yosi. Tumayo s’ya at nag-bayad ng inorder naming isang bucket na super-dry. Sinesyasan n’ya ako na sumunod sa kanya at sinunod ko naman ang senyas n’ya.

Nag-lakad kami papunta sa sakayan ng jeep. Tinanong ko s’ya kung san kami patungo pero hindi n’ya ako sinagot, imbis sumakay s’ya ng jeep, ako naman ay sumunod. Hindi ko alam kung anong tawag sa lugar na ‘yon pero sa Pasay kami bumaba. Nakita ko ang isang kilong mga tambay na kahit may araw pa lang ay ilang case na ng beer ang nag-kalat. Nag-lakad kami ng mga ilang minuto at nakarating kami sa isang lumang bahay, maliit, parteng semento-parteng kahoy. Kumuha si Maya ng susi sa kanyang bulsa at binuksan ito. Pumasok kami at nakita ko ang malinis at maayos na loob ng bahay na hindi ka-a-ya – aya sa labas.

“Maliit ba?” biglang tanong ni Maya.

“Oo, pero di naman mahalaga ‘yon.”

“Dito ako dati nakatira.”

“Wow.” Sabi ko. “Ang alamat na si Bob Ong ay nakatira lang sa ganitong kaliit na-, teka, di ba sabi mo dati mayaman kayo at napunta sayo ang lahat ng pera ng yumao mong magulang?”

“Wala akong natatandaang sinabing mayaman kami,” sabi ni Maya, “pati wala ako natatandaang inamin ko na ako si Bob Ong.”

“Graduate ka ng Fine Arts na marunong mag-boxing, parkour at gymnastics, dun palang sa mga ‘yon kita na na mayaman ka,” sabi ko, “at ikaw nga talaga si Bob Ong.”

“Aba....” sabi n’ya, “Oo, mayaman yung pangalawa kong pamilya at akong nga si Ong.”

“Pangalawang pamilya?”

“I guess, pwede na natin ituring na sila talaga ang pamilya ko.”

“Ha?” sabi ko, “Teka, wala akong matintindihan.”

“Haaay,” sabi n’ya. “Tara sa kwarto ko, ku-kwentuhan kita don.”

Pumasok kami sa kwarto ni Maya, tulad ng sabi n’ya. May papag na may kutson sa ibabaw, may isang maliit na medyo sira sirang aparador, may lumang salamin na nakasabit malapit sa pintuan at isang maliit na lamesa na medyo pinapak narin ng anay; Pero lahat ng mga, lahat, ito’y malinis. Umupo kaming dalawa sa kama, mag-katabi pero hindi ang aming mga balat.

“San ba magandang mag-simula?” sabi ni Maya

“Ikaw bahala.”

“Hmmm...”

“Ganan ba mag-simula ng pag-susulat ng libro ang alamat na si Ong?”

“Teka pala, bakit parang hindi ka nagulat na ako si Bob Ong?”

Kwento ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon