TOM 2

643 37 26
                                    

Chapter 2 - Seven Siblings

Seraphim's POV

Dahil sa respeto ko kay Lady Aletheia ay mahigit isang oras atang nakakuyom ang aking mga kamay habang pinipilit ang aking sarili na magfocus sa kanyang itinuturo. Iyon ay hindi dahil sa sobrang pagkabored kundi dahil sa pagtitimpi.

Maya't maya kong naririnig ang mga bulungan sa aking paligid.

"I can hear them too. Calm your teeth Phim." inirapan ko si Cy at naramdam ang pagkakabaong mabuti ng aking mga daliri sa aking palad.

Myself should be used with such corrupted environment but they're pushing me to my limits, every single day.

I hate it.

I hate this world.

Kung sana ay pwede lang akong manatili sa kabilang mundo ay matagal ko ng ginawa. Hindi naman mapapansin na iba rin ako sa kanila ngunit mismong si Ate Synerin na ang nagsabing hindi pupwede ang nais ko.

"That's why her Mom is more fond of President Seymour. Sobrang bait at masunurin, total opposite niya." napapikit ako.

Alam ko, alam kong mas gusto ni Queen Seren si Mour! Kailangan pa bang isampal sa akin yon? Kailangan bang mabuhay ako sa ganitong kalagayan?!

Pagod na ako.

"If I know, the Queen and King are secretly wishing for her disappearance. Sino ba kasing gugusto sa isang basura na pinalamutian ng mga dyamant---."

Isang malakas na sampal ang nakapagpatigil sa babaeng nasa aking kanan.

Pagkagulat, iyon ang rumehistro sa mukha nilang lahat maliban kay Cy at Lady Aletheia ba pangamba at pagkaawa ang aking nababasa.

I just lost my cool.

Damn it.

"Sumusobra ka na hah! Inaano kita?" nagtaka siyang sugurin ako ngunit mismong si Cy na ang humarang sa kanya.

"Miss Phanta, I need you at the office. The rest will stay and wait for my sister to come here for some announcements." naunang lumabas si Lady Aletheia bago sumunod ang impakta kong kaklase na nakahawak sa kanyang mukha.

Umirap na lamang ako at napangiti ng mapait.

Mabuti na lamang at natahimik silang lahat dahil sa aking ginawa, kung hindi ay baka nagiba ko na itong silid namin dahil sa galit.

Bumukas ang pintuan at nakita ko ang masiglang pagpasok ni Lady Astrean kasunod ang pitong Elementians.

Now I know something will happen soon. Kaya pala wala rin si Nami sa aking likuran ngayon. Abala na siguro sila. Magaganap na ang isa sa mga araw na pinakahihintay ng lahat.

Nagbalik sa normal ang aking mga kaklase, nagsimula na ulit silang mag ingay lalo pa at nakita nila ang tatlong lalakeng hinihangaan ng halos lahat.

"As a preparation for the upcoming big night, we are here to give your class a challenge." panimula ni Lady Astrean at mas lalong lumakas ang hiyawan.

"An exclusive invitation will be given out to those who will win over the Phosvoc Siblings in a three minute duellos!" napatakip ako sa aking tenga dahil sa reaksyon ng halos lahat.

"But of course, before that, let me introduce them to you." nakangiti niyang sambit ngunit may isang nagtaas ng kamay mula sa amin.

Ano na namang pakulo nito?

"Pero Lady, kilalang kilala po namin sila!" sabat ng isa na sinang ayunan ng lahat, maliban sa akin at kay Cy.

Napaismid ako sa litanyang iyon.

The Last PandarenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon