TOM 4

388 20 3
                                    

Chapter 4 - Newbies

Seraphim's POV

Hinawi ko ng marahan ang kanyang sandata saka ko siya muling hinarap.

"I am not interested with these Queen Champagne." sambit ko ngunit pag-iling ang kanyang naisagot.

Nanaig ang katahimikan hanggang sa pagaspas at pagdaloy ng tubig ang aking narinig.

Pamilyar, sobrang pamilyar.

"Are you saying no my dear?" napabuntong hinigan na lamang ako ng marinig ang boses ng aking ama.

"King Azure..." pagbati ng iba.

Umakbay siya sa akin at may ibinulong.

"Finish this one and you'll have your request come true." namilog ang aking mga mata.

Iyon ang bagay na matagal ko ng hinihingi sa kanya, sa kanila. At kung ito na nga ang paraan para makamit ko iyon, hindi naman siguro ako mahihirapang magtiis ng ilang linggo kasama sila. Well maliban sigiro sa mga Ebboni.

Raising my left hand, a sign of surrendering, a loud cheer from Revv came out.

"Gago ka." bulong ko ng tinabihan niya ako.

"Akong bahala sayo." paninigurado niya na aking ikinatuwa.

Queen Champagne on the other hand is eyeing on me. Probably asking how my dad made me agree to join this shit but I am not telling her. I am not letting her to meddle in. Not today, not even tomorrow.

I can't really wait to get out of their lives permanently, to live on my own, and be in a place where I truly belong. Where someone loves me for real.

"Special classes will start next week, so be ready. And everyone will be staying at Poli Mana, where the Rare Four will be watching over you." napakunot ang aking noo.

What the heck?

"And what's the purpose of that?" without any hesitation, I asked.

"Take your lunch first and we will have a meeting to discuss everything in private." just with that she left with my father.

Inis man sa karadagdagang narinig, hindi na ako maaring umatras. I already said yes to the King, I can't disappoint him, atleast not him.

Napagpasyahan kong manguha na lang ng mga prutas mula sa likuran bahagi ng academy kaysa sa makipagsiksikan sa Cafeteria at Flofe.

Makikita ko lang ulit ang mga Ebboni doon. Kailangan ko ng sulitin ang mga araw na maari ko pa silang iwasan.

Surely the next weeks will be Hellica's place for me. Sucks to be true.

Mabuti na lamang at matatamis ang Melgo na naririto, bagay na namana ko at nakahiligang kainin gaya ng grandparents ko at greatgrand parents.

Natigil ako sa pagnguya ng maalala ko na naman sila, I miss them, so much.

How I wish they're here with me, things must have been alot easier.

"Dito dito! Ito na iyon!" naulinigan ko sa kalayuan kaya naman nagtago ako sa itaas ng isang puno habang pinagmamasdan ang isang grupo ng Elementals na tila kaedaran ko rin.

Mga taga labas?

O baka naman???

"Ang ganda dito!" bulalas ng isa.

"Oo nga! Gusto ko talagang makapag-aral dito." sabat ng isa habang nakatitig sa pinaka main building ng La Telmene.

"Hindi ba dito nagtrain lahat ng nasa bloodline ng Syldine at Gnomander?" napatitig ako sa kanila ng husto ng mabanggit nila ang aking great grandparents.

"Paano ba kasing gagawin natin?" tanong ng isa.

"Magmamakaawa tayo na tanggapin nila tayo dito. Wala tayong mapapala sa isang bahay ampunan na kulang sa pondo." napakunot ang aking noo sa narinig.

Buong buhay ko puro kwento ng pakikilaban ang aking naririnig, iyong hirap ng aming pamilya, ang aming tungkulin, ngunit ni minsan hindi ko narinig ang pasakit ng iba namin kasama, ang mga normal na Elementians.

Sa sobrang pagkamangha nila ay hindi nila namamalayang sinusundan ko na pala habang nakasakay sa isang water disc na nakadistansya ng bahagya sa kanilang grupo.

"Mahahalata nilang tayo ay taga labas." pangamba ng isa at daglian siyang nakakuha ng mahinang pagbatok mula sa kanyang kasamang babae na sa tingin ko ay tumatayong leader nila.

"Look what I've got." saad niya at naglabas ng mga unipormeng kawangis ng sa mga taga La Telmene.

This group is amusing me in ways I can't explain. Parang ang saya saya nila, wala silang guardians o kahit sinong magrerestrict sa mga ginagawa nila.

Parang masaya maging kabahagi nila. Parang masayang makawala sa isang bagay na nagiging sanhi upang hindi ko ma enjoy ang buhay ko.

Hindi naman sigurong maging malaya pansamantala?

Napangisi ako sa ideyang pumasok sa aking isipan at dalian kong inalis ang aking name badge na nakakabit sa aking uniporme.

Mula sa ere ay bumaba ako sa halamanan na kanilang madadaan at doon ay aking iniwan ang cloak na nagsisimbulong galing ako sa royal blood line.

Ginulo gulo ko ang aking buhok at nagfocus na mas palakasin ang aking Undine aura kaysa sa pagiging Shade, mas kontrolado ko iyon.

"Anak ka ng Chena!" napasigaw ang isang kasama nila na di hamak ay mas bata sa akin ng bigla akong lumabas at nagpakita sa kanila.

"Patay na..." nagkunwari akong hindi narinig ang pangambang iyon.

"Bago lang din ba kayo?" patay malisya kong tanong.

Bago pa man sila makasagot at nagsikuhan sila sa isa't-isa na hindi ko pinansin.

"Kararating lang namin dito, at oo bago lang kami." sagot ng isang lalakeng mas matangkad ng di hamak kaysa sa akin. Base sa kanyang mga matang may pagkarosas, isa siyang Pixie.

"Pan nga pala. Short for Panjo." pakilala niya sabay abot ng isang piraso kulay bughaw na bulaklak.

This guy knows how to win a stranger's heart.

Hindi in a romantic way, pero iyong pakikipaglagayan ng loob, maalam siya doon.

I don't know what this group wants from us, from La Telmene. But I will keep an eye on them while exploring their lives, their world, a world where I can be normal somehow, where I can be a nobody, carefree, without a heavy crown on my head, without the responsibilities, without the foretold future, wihout the prophecies.

"Kyera, Kyera Calliak." taranta kong pagpapakilala at pagtanggap sa kanyang bulaklak.

"Ate? Pwede mo ba kami itour dito?? Atsaka gusto ko na malaman nasaan ang aking classroom." paglapit sa akin ng isa at nagsinuran na ang mga mas nakababata.

"Magsiayos nga kayo." masungit na pagsuway noong babaeng mukhang Pixie rin, iyong tila leader nila.

Biglang sungit naman nito. Mood swings?

"Cattalena..." pagtawag ni Pan at yumuko na lamang ang babae.

May something ba sila o ano?

Kung patibong man ito ng grupo nila Lilith, iyong nakalaban noon ng Light's Regiment, sinisiguro kong hindi sila magtatagumpay.

I'll give this group a day, paglubog ng araw, isusumbong ko na sila sa Infinitius.

"Sige tara! Akong bahala sa inyo." masaya kong paanyaya at pinangunahan sila.

Isang araw lang, ibalato na sana sa akin ito ng Pandarens, utang na loob.

The Last PandarenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon