TOM 1

1.1K 44 7
                                        

Chapter 1 - The Odd One

Seraphim's POV

Wrongly foretold future, they must have known that I am the different one in our bloodline. They should have realized that not like my parents, grandparents and great grandparents, my story isn't written in any book or star, only my name is.

My life is a war between the whole world and me. Standing in my belief that they can never predict what I will be, what I would do and where I should end up. Only myself knows my inner and whole being, thus I'm the only one who can tell what my story will be.

I am not anyone's marionette. I am the only mistress of my fate, of my own self.

"You're late Ms. Seraphim." naulinigan ko ang isang napakapamilyar at nakakairitang boses.

Mula sa mataas na pader, ilang kilometro ang layo sa likurang bahagi ng La Telmene ay tumalon ako.

Wala bang araw na hindi ko siya makikita?! Bakit ba kasi naging pinsan ko pa siya?

"Halata naman di ba? Kaya nga dito ako dumaan kasi sarado na ang main gate. Talagang inabangan mo pa ako dito hah? So sweet of you my dear cousin." hinawi ko ang aking buhok at nilagpasan siya.

Umagang umaga siya makikita ko? Sabagay anong aasahan ko? Siya lang naman ang Student Council President, at hindi ako.

"Phim ano ba? Hindi ka ba talaga aayos? You really changed! You're getting worse day by day!" marahas niyang hinawakan ang aking braso at pilit na pinaharap sa kanya.

Tinitigan ko siya ng masama bago ako nagsalita.

"Bitiwan mo ako Mour, or should I say, President Seymour Fierylus?" matigas kong saad.

Isang buntong hininga pinakawalan niya saka kumalas sa akin. Iniwasan ko ang pagtitig ng kanyang mga mata, mga matang puno ng lungkot.

"Things will never be the same Mour. Tingin mo ba talaga magiging kagaya tayo ng ating mga magulang? Huwag ka ng umasa. Kasi kapag dididkit ako ng didikit sayo, magiging anino mo lang ako habang buhay." malamig kong sambit bago siya tuluyang nilampasan.

Sa bungad ng building ay naroroon ang dalawang Elementus na naatasang magbantay, sa mga tatakas na estudyante, o mangangahas mangambala ng klase.

Pagkakita nila sa akin ay nagtinginan sila saka iniharang ang kanilang mga espada.

Napataas ako ng aking kilay at agad na umilag makaraang sugurin nipa ako ng walang pag aagam agam.

"An---." hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng muli silang umatake.

Gamit ang aking dalawang kamay, nagpaulan ako ng mga dark water balls sa kanila.

Tatlo ang tumama sa mas matandang Elementus na naging sanhi ng paninigas niya at paghihirap sa paggalawa habang unti unting nababalot ng yelo ang kanyang katawan.

Ito ang isa sa mga bagay na inaral kong mag isa, ang mas epektibong pagsasama ng dalawang elemento. Dahil ayokong dumepende sa mga magulang ko, ako lamang ang dumikubre sa mga technique na ginagamit ko, ako mismo ang nagsanay sa sarili ko.

Elenial, iyon ang tawag sa akin, sa amin ni Mour, sa lahi naming nagmula sa Syldine at Gnomander. Kahit pa ipadaan kami sa proseso ng Drainicosse, na pinasimulan noon ng nasirang grupo ng Cardinals, hindi maalis alis ang mas mahinang elemento sa aming katawan.

Sa pagkakalingat ko dahil sa panandaliang pag-iisip ay hindi ko napansin ang paglapit ng mas batang Elementus. Lumagpak ang aking likuran sa damuhan ng subukan kong umilag at maglabas ng Water Dagger. Agad niyang itinutok sa aking leeg ang dulo ng kanyang espada gamit ang nanginginig niyang mga kamay.

The Last PandarenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon