TOM 12

205 3 0
                                        

TOM 12 - Questions without Answers

Seraphim's POV

What happened?

Iyon ang tanong ng lahat matapos naming makita ang nangyari kay Silvana.

Abala ang aming mga magulang, Infinitius sa pag asikaso sa labi ni Sil.

Unang gabi pa lamang sa kanyang lamay at dagsa na ang mga bumibisita, ang iba ay galing pa sa malalayong rehiyon.

What really happened?

Walang naitala sa mga libro na magiging ganon ang kahihinatnan ng isang Elementian kung hindi kakayanin ng kanyang katawan ang Orblei mula sa isang Pandaren.

What's with Sil?

Malalim ang iniisip ko pero nawala iyon nang mapansin ko si Pann kasunod ang kanyang mga kaibigan, pati na si Cattalena na naglalakad patungo sa kabaong ni Sil.

Nakatigil lamang sila ron, matagal silang nakatitig kay Silvana na halos hindi na makilala ang mukha at katawan matapos iyong magpira piraso.

Matapos ang ilang saglit ay umalis si Pann at iniwan ang kanyang mga kasama.

Naging magkaibigan ba sila sa saglit na paglipat nila Pann dito?

I know Sil, she might look shy at first pero eventually, she'll befriend any Pixie she will meet or see. Plus Pann's group is like a walking sunshine, maingay sila at lively, Sil likes to play with that kind of people.

She must have made friends with them before this nightmare happened

Lalapitan ko sana si Cattalena na sumunod kay Pann nang makaramdam ako ng malamig ba kamay sa aking balikat.

"Cy! Don't scare me for Arkaios' sake!" sinubukan kong hinaan ang boses ko kahit nagulat ako sa ginawa niya.

"Revv's looking for you." sagot niya at agad akong sumunod sa kanya.

Revv, it's time for me to be by his side.

Dumating kami sa isang silid na tila maliit na library sa loob ng Poli Mana.

Lahat sila ay tahimik at nakatingin sa kawalan. Para sa mga nakatanggap ng malakas na kapangyarihan, they look just fine, no injuries or any internal problems.

Wala lamang dito ay ang kambal na Phosvoc. Probably they are still resting. And I've heard they are the most traumatized on what happened to Sil. Magkakatabi lamang kasi sila noong seremonya ng Orblicali.

"I need your help." hinawakan ni Revv ang aking kamay.

"In anything, I will be with you." sagot ko.

Narinig ko ang mahinang paghagikhik ni Cy pero hindi ko na iyon pinansin.

"Here's the thing." panimula ni Piero.

"With Lilith's escape, surely she has something to do with what happened to Sil." nakita kong kumuyom ang kanyang kamay. I can even sense the raise from his aura.

"As the elders are busy with Silvana's body....." si Revv ang nagpatuloy.

"We will be a team to find and capture Lilith, and her group." dagdag nito.

"Are you sure we can handle them?" nangingiyak na tanong ni Nami.

"We will handle them." maotoridad na sagot ni Seymour.

Kahit pa ayaw ko, alam kong malaki ang maitutulong ni Seymour sa binabalak ng mga Phosvoc.

"Pero kung aalis tayo, sinong maiiwan para magbantay dito?" tanong ko.

The Last PandarenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon