TOM 11 - Orblicali
Seraphim's POV
Humahangos akong lumilipad hanggang sa abutan ko siya.
"Sino ka?!" sigaw kong tanong at hinablot ang kanyang kapa.
"W-wala akong ginagawang masama!" pamilyar na boses ang sumagot sa akin.
"Cattalena?" parehas kaming nagulat nang magtama ang aming mga paningin.
Binitiwan ko siya at humarap na mabuti sa akin.
"Princess Seraphim...." wala ang tapang sa kanyang boses, di gaya noong huli naming paghaharap.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Umiwas siya ng tingin sa akin bago sumagot.
"Naglilibot lang ako. Hindi naman siguro iyon masama." tugon niya.
"Phim!" nilingon ko si Revv na tumungo sa amin.
"Let's bring her to the office." saad ko. "Follow me. Revv, bantayan mo siya mula sa likuran." dagdag ko at lumagpas kay Cattalena.
Sumunod sila Seymour matapos ang ilang minuto. Walang nahabol sila Seymour habang si Cattalena ay iisa ang isinagot sa amin.
Kahit ilang beses pa namin siyang tinanong, wala raw siyang kilala Lilith, at napadpad lamang siya sa may tree house dahil sa paglilibot at pagkamangha.
Hindi man ako naniniwala, hindi maaaring matuon ang atensyon ko sa bagay na walang patutunguhan.
Tinapos namin ang gabi pagkadating ng Infinitius, inatasan nila kaming matulog na at sila na raw ang bahala sa bagong estudyante ng La Telmene.
Kinabukasan ay maaga kaming nag-umpisang mag ayos, nag ensayo pa ulit sa daloy ng seremonya at naghandang mabuti hanggang sa lumubog ang araw.
"Are you nervous?" narinig kong tanong ni Revv sa kayang pinakabatang kapatid.
"Of course not! This will be the greatest night for us." sagot ni Sil.
"Euh is right! Ikaw ata ang kinakabahan Kuya." sabay na panunukso nila Cirolei at Chandria.
Tumawa ako ng malakas at sinamaan ng tingin ni Revv.
I guess being too worried won't do good. But I am not letting my guard down still, not even for a millisecond.
Ang buong Arkaios ay handa na para sa seremonya, pero mas handa kami, sa kung ano mang mangyayaring hindi maganda.
Lilith cannot do what she wants. Hindi ako papayag. Not when my great grandparents and grandparents told me that it is my duty, to continue their legacy, and they are believing in me.
I know, pinapanood nila kami ngayon, they are at peace, and I am happy for them.
Kahit pa sobrang hirap tanggapin ng pagkawala nila, kahit pa sinisisi ko ang aking sarili, sa pagiging mahina ng aking katawan noon, natutunan kong tanggapin na may hangganan ang lahat.
And blaming myself for my entire life will only prove how worst am I as an Elementian.
Gonna devote myself in fulfilling my clan's promise, so that my beloved ones' deaths wouldn't be in vain.
"Let's go princess." nagulat ako sa paglahad ng kamay sa akin ni Revv.
Tinanggap ko iyon at tumungo palabas.
Bumungad sa amin ang hiyawan, mula sa mga taga gitnang rehiyon, hanggang sa iba't iba sa pamamagitan ng mga malalaking orb na nagsisilbing connection nila upang mapanood ang Orblicali na gaganapin sa Poli Mana.
Iba't ibang kulay ng tubig ang dumadaloy sa lumilipad na palasyo ngayon, simbolo ng iba't ibang uri ng elemento na meron sa aming planeta.
Ang mga Elementus ay lumilipad at ang iba sa baba ay tumutugtog.
Mas lumakas ang hiyawan ng lumabas na isa isa ang aming mga magulang at ng Infinitius, na sinundan ng iba pang kapatid ni Revv.
"And now let's welcome our very own Pandarens!" saad ni Lady Aletheia at napuno ang langit ng iba't ibang kulay mula sa fireworks na pinaulan.
"Tonight we shall witness Arkaios' one greatest night..." panimula ni Lady Aletheia.
Isa isang naglakad ang mga Phosvoc papunta sa tapat ng kanilang kaparehang Pandaren.
"Revv Kindle...." sa tapat ni Pandaren Gerra.
"Namiya Eri...." sa tapat ni Pandaren Salacia.
"Breeze Rei...." sa tapat ni Pandaren Aura.
"Piero Ills...." sa tapat ni Pandaren Drayus.
"Cirolei Ereb...." sa tapat ni Pandaren Drakilus.
"Chandria Aeh...." sa tapat ni Pandaren Aneslin.
"And lastly, Silvana Euh...." sa tapat ni Pandaren Izia.
Mas lumakas ang sigawan at hiyawan, muling napuno ang langit ng makukulay na fireworks.
Nakita kong niyakap ni Tito Silver ang humahagulhol na si Tita Hueri, habang sa kabilang dako ay maingat na nagmamatyag ang aking ina.
Kahit pa hindi kami magkasundo, at may matinding lamat ang aming samahan, hindi mawawala ang pagkamangha ko sa kanyang kapangyarihan at kakayahang makipaglaban.
It would have been great if she only trusts me, by then, I could have spent time with her practicing and following her path in being one great Elementian.
I doubt if my relationship with her will be ever fixed. Maybe at my graveyard?
I laughed with the thought at bumalik sa pagbabantay.
I can't sense any massive dark aura except mine, Queen Champagne's and Pandaren Drakilus, but that won't mean a peaceful ending for this night.
Mula sa mga birthmarks ng Pandarens ay lumitaw ang Orbleis na naglalaman ng mas matinding kapangyarihan.
Bet anyone would go after those.
Nakakamangha ang itsura ng mga iyon, mas malaki ng di hamak sa mga marbles at ang loob ay tila auras na pumapaikot ng walang tigil.
Isa isang itinapat ng mga Pandaren ang Orblei sa birthmarks ng Phosvocs.
"After receiving the Orbleis, you will feel a very strong amount of power that your physical body cannot sustain at first. That's why the Orbliguards are here to help. Baka mayroong himatayin sa inyo o biglang hindi makakilos, o mawalan ng kontrol sa kapangyarihan, worry less, we will ensure the victory of Orblicali. Naniniwala kami sa inyong kakayahan." iyon ang sinabi ng aking ama bago magsimula ang gabing ito.
It was quite reassuring. But I am still worried, lalo na kila Ciro, Chan at Sil, sobrang bata pa nila para sa ganitong responsibilidad at kapangyarihan.
Isa isang lumiwanag ang birthmarks nila Revv, at pumalahaw sila ng sigaw, hudyat na tinatanggap na ng kanilang mga katawan ang Orbleis, habang ang kanilang mga Praimastins ay unti unting babalutin ng Orbleis pagkatapos ng ritwal.
"Sein yo orbliye elemento pos re...." sabay sabay na saad ng mga Pandaren at mas lalong lumakas ang sigaw ng magkakapatid.
Isang nakakasilaw na liwanag, mula sa pwesto nila Silvana ang lumitaw.
"Maaaaaaaa!" narinig ko ang boses ni Sil at agad akong tumakbo papunta sa kanyang direksyon kahit pa nabubulag ako sa liwanag
Don't tell me Lilith really dared to meddle in?!
"Silvana!" nawala sa isang iglap ang nakakasilaw na liwanag.
My body froze, I can't even take another step forward. Silvana's body exploded right before our eyes, of everyone's sight!
Hindi siya naging abo, gaya ng karaniwang kinahahantungan ng lahat, ang kulay rosas niyang dugo ay umagos, habang ang kanyang katawan ay naging maliliit na piraso.
The Pixie Orblei fell and stood in the center, near her head which left us with nothing but tears and questions.
BINABASA MO ANG
The Last Pandaren
FantastikElementians (Feyare) Series #4 /pan-da-ren/ darkness' maiden tale of the fallen unforseen tomorrow greed and sorrow The Last Pandaren: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2016) LANGUAGE: TagLish Status: On Going