Chapter 3 - Cream of the Crop
Seraphim's POV
Nakarating kami ni Revv sa open fields ng magkasalikop ang mga kamay. Buong oras ng paglalakad namin patungo dito ay nakapikit lamang ako at sumusunod sa kanyang mga yapak, pilit na pinapatagos sa magkabilang tenga ang mga naririnig kong bulong bulungan.
"I'm used to this." sambit ko ng mapansing hinigpitan nya kanyang pagkakahawak.
Ang aking paningin ay napadpad kay Cy na ngayon ay naglalakad patungo sa amin habang nakakuyom ang mga kamay.
"Cy an--" naputol ang aking sasabihin ng kami ay kanyang lagpasan.
Nagkatinginan kami ni Revv ngunit umiling siya sakin, tila ba nababasa ang aking gunita sa pagsunod sa aking kaibigan.
Isang malakas na pagyanig ng lupa ang sunod kong naramdaman, at nadinig ng lahat ang malakas na pag angil ni Cy mula sa kalayuan na ngayon ay nakakulong na sa isang malaking cube na gawa sa lupa.
"Pakawalan mo ako Piero Ilss!" sigaw niya ngunit basang basa ko ang pagkaseryoso sa mukha ni Roro.
Ano ba ang nangyayari?
Nalaglag ang aking panga ng mahati sa gitna ang cube na ginawa ni Roro at lumitaw mula sa ilalim si Erzo na sumalo kay Lucy.
Napakunot ang aking noo.
Akala ko ay nasa bakasyon pa ang isang ito, bakit bigla siyang nandito?
"Cierzo Raleigh!" utas ni Lucy at niyakap ang lalake.
Pumunta sa kabilang direksyon ng field si Piero na sinundan ng kapatid niyang si Bree na nag-ugat upang magsimula na naman ang pagchichismisan ng iba.
Mula sa pagkakahawak ni Revv sa akin ay kumalas ako at nilabas ang aking boe and arrow na gawa sa tubig na nahahaluan ng maliliit na itim na kristales.
Ibaling nyo sa akin ang inyong atensyon mga hangal.
Ang matatalim na tingin ng iba ay sumunod sa akin, patungo kay Lady Astrean na nakangiti sa akin, isang mapait na ngisi ang aking iginanti.
"Choose your enemy for today Princess Seraphim." halata ang pagkagiliw sa kanyang tono kaya't napailing ako.
Hindi pa rin siya nagbabago.
"Nami." mahinang sambit ko.
"Bakit ako Phim?! Madayaaaaaa!" pag-angal nito kasabay ang pagyakap sa akin.
"Partidahan mo ako, nandito si Seymour." umikot ang aking paningin dahil sa kanyang sinabi.
Isang ipit na palahaw ang lumabas sa aking bibig ng magsimulang gumapang sa akin ang malamig na kadenang nagmumula sa mga kamay ng lumilipad na si Nami.
Ang kanyang mapagbirong ekspresyon kanina ay napalitan ng isang nakakapangamba.
"I'm glad you came down here Prince Seymour." dinig kong sabi ni Lady Astrean at bigla nalamang humigpit ang kadena na pumupulupot sa akin.
"Drop the Prince, Lady Astrean." magalang niyang sambit at napailing akong muli.
Kung naririto si Nami para mapukaw ang atensyon ng aking pinsan, nandito ako para tigilan ng karamihan ang pag-uusap patungkol kay Lucy, at siguro para na rin ipakitang mali ang iniisip nila sakin, mali ang hula.
Mula sa bow na nakasabit sa likod ko ay gumapang ang mga Ebony Stones na aking nilikha patungo sa kadena ni Nami.
Isang manipis na water shield ang aking palihim na pinayakap sa aking katawan habang nagsimulang magsilakihan ang Ebony Stones na aking kinokontrol.

BINABASA MO ANG
The Last Pandaren
FantasyElementians (Feyare) Series #4 /pan-da-ren/ darkness' maiden tale of the fallen unforseen tomorrow greed and sorrow The Last Pandaren: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2016) LANGUAGE: TagLish Status: On Going