Chapter 8 - Light and Dark
Seraphim's POV
I didn't stay and ended up sparring with the Phosvocs as part of my punishment while Camilla remained pitiful for hours that day.
"Malalim iniisip mo ah?" bungad ni Cy na naglalakad patungo sa akin kasama si Revv.
"What did you do to Camilla? Even Nami can't break your Water Cube." I smirked at the Salamander in front of me as an answer.
Of course, I can't let them know that I can enhance my water ability using my Shade side. Tho the combination is pretty familiar for duellos and tag games, only Elementals and Elementians can do moves complementing each element, not my technique where I get one force from another to strengthen the first.
Narinig kong pumalatak si Revv at umirap lamang ako.
I know that he's under my Dad, he's sticking with me to watch me and not because he wants to accompany me.
"We can go outside today right?" binalingan ko ng pagtatanong si Cy at tumango siya.
Finally! I can get some fresher air. One week to go before the Orblicali and to Hellica's name, I am so suffocated to stay here in Poli Mana.
"Where are you going?" tanong muli ni Revv.
"Anywhere as long as you guys are not there." I hear Cy's laugh and gave Revv a sweet smile.
Hindi na siya sumagot kaya tumayo ako at ipinusod ang aking buhok. I still need to get informations about Pan. Nawalan na ako ng balita sa kanila matapos akong dalhin dito sa Poli Mana.
"Not until we fight." nagulat ako nang marining ang boses ni Seymour.
Tama ba ang dinig ko? He wants a duello with me?
Ngumisi ako at humarap sa kanya.
"My pleasure to make you kneel in front of me." matapang kong sagot sa kanyang hamon.
Nakita kong nagliwanag ang isang kamay ni Seymour at lumabas mula doon ang apoy na kawangis ng isang espada, nakadikit iyon mula sa likod ng kanyang kamay.
Ah, he got some new skills too. This is fancy.
Pumalakpak ako bilang tugon sa kanyang ginawa at dahan dahang humakbang papunta sa kanya habang gumagapang paakyat sa kanyang katawan ang hindi maaninag na water braids mula sa aking manipulasyon.
Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha nang maramdaman niya ang malamig kong aura na biglang yumakap ng mahigpit sa kanyang buong katawan dahilan upang mautal siya sa kanyang pananalita.
"Y-you're doing really great Phim." saad niya ngunit nawala ang aking pagkatuwa dahil humiwalay sa kanyang kamay ang kanyang mumunting fire sword at naging dagger iyon, mas matalas.
Alam ko ang gagawin niya kaya pinatibay ko ang aking water braids gamit ang aking dark aura.
"Don't dare." banta ko. Hindi niya ako kaya, hindi na niya ako malalamangan.
Umiling siya at nagulat ako dahil nahati niya ang aking ginawa!
"What on Arkaios did you do?!" bulalas ko at napaupo dahil mabilis siyang nakalapit sa akin.
Hindi ko nakita ang lahat pero tila lumipad siya ng bahagya para makapunta sa aking harapan nang ganoon kabilis.
"Comeback to us already." bulong niya sa akin at marahang hinaplos ang aking ulo.
Gaya iyon ng ginagawa niya sa tuwing iiyak ako noon.
Napaatras siya sa malakas na sampal na ibinigay ko sa kanya.
"Ayoko nga di ba?" sigaw ko at napansing may aura ng apoy sa kanyang paanan.
Hindi iyon ang karaniwang kulay ng kanyang fire aura, kakaiba iyon. May special training ba siya? It can be, thinking how the kings and queens adore him, in addtion to the Infinitius and other Elementals and Elementians.
It will be my doom if he knows the enhancement and doing that technique too!
Nagngingitngit ang aking kalooban but I can't confront him with everyone watching us already. Hindi pupwedeng may ibang makaalam ng ginagawa ko dahil paniguradong iba iba na naman ang iisipin nila. Or worst baka paghinalaan pa nila akong kinakausap nila Lilith, dahil sa buong Arkaios, mas marami silang nalalaman tungkol sa mga Elenials dahil sa mga proyektong tinangkang gawin noon ng kanilang bloodline.
Hindi sila maniniwalang self study ang ginagawa ko. Na bigla ko na lamang napansing kaya kong palakasin ang aking water aura gamit ang pagiging Shade ko.
It took me years to master the enhancement, kung kailan ko dapat ihalo ang aking dark aura sa aking pagiging Undine.
Hindi na ako inatake ni Seymour at sa halip ay tumingin lamang siya sa akin.
Bakit ba pinipilit nila ako?
We can't bring the old times back. Hindi na nila maaalis sa aking isip ang hinaharap na nakita ng Rare Four noon. Hindi na nila mapapawala ang sakit nang marinig ko ang lahat, pati na rin ang pagdududa ng mismong mga magulang ko sa akin. Kung paano nila ako ikinulong sa isang pangitain o propesiya kung kanilang tawagin.
"Then I guess we don't have any other choice." nagsalitang muli ang aking pinsan at humakbang muli patungo sa akin.
"Don't you ever go near me Mour." pagbabanta ko at naglabas ng isang Black Dagger mula sa aking kamay.
"You are aware of the things I am capable of doing so." walang alinlangan kong saad sa kanya at narinig ko ang tili ni Cy nang itutok ko ang dagger sa aking noo.
Naroroon ang aking marka bilang isang Elementian, and once an Elementian make damage to their body part where the birthmark lies, it will be a suicide.
I mean, I can do it. Wala namang mawawala sa akin since nakuha na nila lahat ng pangarap ko at pag-asa sa buhay simula nang maniwala sila at magtiwala sa pangitain ng Rare Four.
"She will cause the destruction."
"The black one in your bloodline."
"Ayon ang lumabas sa pangitain ko. We should watch her and guide her. Para hindi siya maligaw ng landas. I've seen a figure taking her away."
Naalala ko na naman ang mga iyon. Pero anything can happen! Decision ko pa rin kung pipiliin kong maging salot sa pamilya namin.
But of course I won't do such. Mahal ko ang Arkaios, mahal ko ang great grandparents ko at grandparents pati.
Why would they think that the Rare Four's dreams or premonitions are always correct?
"Please Phim, tama na." boses iyon ni Revv, nakatitig siya sa akin at lumapit sa akin. Ramdam ko ang panginginig at malapit na pagbagsak ng aking katawan.
Mabuti at wala dito ang mga magulang ko, hindi ko alam kung ano na ang nagawa ko kung nandito sila.
Nanlalamig ako at paiyak na. Ang mainit na kamay ni Revv na umagaw sa aking dagger ay pinakalma ako ng bahagya.
Binuhat niya ako.
"We will change it, you're the darkness' princess but it won't have you, rather you will have it." bulong niya sa akin at naramdaman ko ang pag-alis namin sa Poli Mana.
BINABASA MO ANG
The Last Pandaren
FantasíaElementians (Feyare) Series #4 /pan-da-ren/ darkness' maiden tale of the fallen unforseen tomorrow greed and sorrow The Last Pandaren: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2016) LANGUAGE: TagLish Status: On Going