TOM 9

202 10 6
                                        

TOM 9 - A Night Before

Seraphim's POV

Hindi ko alam kung nasaan ako pero maliliit na ilaw mula sa kalayuan ang bumungad sa aking paggising.

"How are you feeling?" hindi ko pinahalata ang aking gulat nang marinig ang boses ni Revv.

Nilingon ko siya at binigyan ng makahulugang tingin.

"Why are you even helping me?" felt like this is the right moment to confront him with his motives.

Naramdaman ko ang pagtabi niya sakin, muli kong ibinalik ang aking paningin sa mga ilaw sa labas ng tila isang tree housr na aming pinuntahan.

"Maybe because I don't really believe in what the Rare Four predicted, about you of course." Aside from Cy, my great and grandparents and Lady Aletheia, tanging kay Revv ko lamang narinig ang mga katagang ito.

"Believe it or not. Even your father is doubtful about it, but chose to stay quiet and watch over you secretly." dagdag niya.

"So you're saying dad asked you to protect me? Or even to look after me?" hindi ko na napigilang magtanong.

"I'll be lying if I'll be saying no. Pero bago pa man niya ako kausapin tungkol sayo, napagdesisyunan ko ng manatili sa tabi mo." sagot niya.

Napatigil ako. His word, those have moved me. Parang gusto kong umiyak bigla sa harapan niya, yung walang humpay.

"Why?" tumayo siya at nag-offer ng kamay sa akin.

"Saka ko na sasagutin yan." kumunot ang aking noo at tinapik ang kamay niya.

Ngunit hindi siya nagpatinag at sapilitang hinawakan ang aking kamay.

"You'll thank me after this." ngumiti siya ng bahagya.

Himala, minsan lang niya gawin iyon.

Lumabas kami sa tree house at napagtanto kong nasa hilagang bahagi kami ng La Telmene, malayo ngunit sapat pa para matanaw ang lungsod na kinatatayuan nito.

Lumipad kami, hanggang sa marating namin ang kaitaasang mayroon ang Flofe.

"Wow." sobrang lapit ata namin sa dalawang buwan ng Arkaios, ang Auln at Nalu.

Nakakamangha.

"Sa sobrang abala mong magpalakas at patunayan ang sarili mo sa ibang tao, nalimutan mo na atang ienjoy yung buhay mo." hinatak niya pa ako paitaas.

Hindi na ako nagsalita pa. Nawala na sa aking paki kung alam niya iyong inaral kong technique. Nawala na sa aking ulirat yung galit na naramdaman ko bago kami umalis ng Poli Mana.

Tama siya. Buhay ko ito, if I would let others take over the control of it, wala ng saysay ang paghinga ko. Siguro nga hindi ko naman talaga kailangang patunayan ang sarili ko sa iba. Sapat na siguro yung mabuhay ako sa paraang tama, sa paraang gusto ko, at hindi base sa dikta ng ibang tao.

Ngumiti ako ng malaki at kumalas sa pagkakahawak ni Revv.

Hinayaan niya akong lumipad, at hinayaan ko ang sarili kong maging malaya sandali. Malaya sa mga matang mapanghusga, sa pangamba ng pagkakamali, sa tali ng hula sa akin.

I will be really thanking Revv Kindle Phosvoc for this.

Tumungo ako sa kinatatayuan niya, nakangiti siyang muli ngunit di gaya kanina, mas matagal niya iyong ginawa.

Nawala lamang iyon ng paulanan ko siya ng ilang Water Spear.

I cracked up.

"What are you doing princess?" tanong niya at sumeryoso ang mukha.

The Last PandarenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon