Chapter 6 - Life I'd Like to Live
Seraphim's POV
Mainit, iyon ang naramdaman ko ng magmulat ng mga matang tila kagagaling lamang sa pag-iyak.
Nanaginip siguro ako ngunit hindi ko matandaan kung ano.
Isang pagtikhim ang gumulat sa akin at nakita ko si Revv sa di kalayuan.
Hindi ko man aminin sa kanya, alam nyang isa rin siya sa aking mga sinasandalan, ngunit hindi niya alam ang aking pagdududa sa kanyang mga intensyon, na baka inutusan lamang siya upang samahan ako at pagpasensyahan. Kapalit? Ang trono bilang isang Pandaren, iyon ang aking hinala.
"Why were you out there and befriending strangers?" seryosong tanong nya na inismiran ko.
"They seemed less harmful than anyone else here." sagot ko saka sumubok tumayo ngunit nagdilim lamang ang aking paningin sa ginawang iyon.
"That girl Pixie is more dangerous than you have thought, be careful." saka siya tumayo at umalis habang nakarehistro ang galit sa kanyang mukha.
Itinapat ko sa aking bibig ang nanginginig kong mga kamay at nagfocus upang linisin ang aking dugo, alisin ang lasong binigay sa akin ni Cattalena kanina.
"Oh my holy Pandarens Phim!" hangos ni Lucerne papunta sa akin.
"That sick btch will pay." anang niya na nagpailing sa akin.
"It was just a duellos afterall. Stop overreacting." inirapan niya ako na aking ikinatawa.
"The Infinitius are talking to them now. Mukhang mga taga labas." pagbabalita niyang inaasahan ko naman.
"Baka espi---"
"They're not spies. I can see through it." natapos ko ang self cleansing at saka tumayo upang puntahan sila Pan.
They have me, they have me on their backs. I want to know them more, to be one of them, to have the freedom that they own, to live the life they have.
"Pero sinaktan ka nila!" Lucerne tried to stop me.
"I told you, friendly match lang yon. It's my failt if my body's too weak for Cattalena's poison." nginitian ko siya at tuluyang lumabas ng silid.
Si Revv na nakasandal sa may pader ay hindi ako tiningnan, ang mga estudyanteng nasa hallway ay nagsimulang magbulung bulungan muli.
If people outside La Telmene are guys like Pan and his friends, I'd like to have them here instead of these elites that don't even know what respect is.
Tumayo si Seymour ng mamataan niya ako papalapit sa opisina ng Infinitius.
"Okay ka na ba? You should rest more." hinawakan niya ang aking kamay dahilan para mapatigil ako at matitigan niya ng maayos.
"Thanks for the fake concern but I am finer than your acting Mour." sagot kong nagpaigting sa kanyang panga ng bahagya saka niya ako pinakawalan.
Not my problem if my coldness can actually burn his skin, his words, himself.
"What happened to your hair dear Seraphim!" bungad sa akin ni Lady Cleatha pagkapasok ko sa silid.
Natuon ang atensyon nila Pan sa akin, halatang naguguluhan.
Gusto ko siyang tanungin kung anong nangyari sa kanila habang wala akong malay, bakit siya nagpasuntok kay Seymour, bakit hinayaan niyang lagyan siya ng pasa ng aking pinsan.
"Are you feeling better now princess?" tanong ni Lord Yohhan.
Napanganga ang ng batang kasama nila Pan at Cattalena ng marinig na tinawag akong prinsesa ng isa sa Infinitius. Nagsimula silang mag-usap usap gamit ang mahihina at maliliit nilang boses. Ngunit lahat ng iyon ay aking naririnig, at pinalalagpas na lamang dahil kasalanan ko rin naman iyon, ang maglihim sa kanila.
"Why are guys looking with confusion?" tanong ni Lady Lachise.
"They didn't know who I was earlier." pagsagot ko.
"The reason you didn't have your cloak, and a sudden cut of hair?" pagsabat ni Lord Lorcan at tumango ako.
"So please, let them go back to their home. Wala silang ginawang masama sa akin." pagbaling ko sa Infinitius.
"Pero taga labas sila, pumasok sila dito ng walang pahintulot nino man." sagot ni Lady Aletheia.
"Then I'll be giving them the permission." anang ko, might as well use some privilege here as a royal blood.
"So shall we call the King and Queen and talk about this matter in front of them?" tanong ni Lord Kogan.
Ikinuyom ko ang aking mga kamay, alam na alam nila paano ako pipigilan sa mga hakbang ko.
Did they also forsee this day? Lahat nalang kinokontrol nila just because they can see the future. Akala mo kung sino silang makapangyarihan na kayang diktahan ang kung sino man dahil sa kanilang mga abilidad.
Nakakainis. Nakakainis ng sobra sobra.
"Is it true that you didn't know she's Seraphim Naira?" tanong ni Lord Ronan.
"She introduced her name as Kyera." si Cattalena ang sumagot at tumingin sa aking gawi. Tila ba handa na siya sugurin ako. Hindi na nakakapagtaka kung iniisip niyang pinaikot ko sila at sinumbong sa Infinitius.
"Maniwala man po kayo o hindi. Sinabi niya ring bago lamang siya dito sa La Telmene. Hindi po talaga namin alam na isa siyang royal blood." sagot ni Pan na sinang-ayunan ng mga bata.
"Nagsinungaling po siya sa amin." sabay sabay na sagot ng nila.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya sa aking ginawa sa kanila.
"Any explanation?" baling sa akin ni Lady Astrean.
Kapag sinabi ko ang aking dahilan, tiyak na kamumuhian ako nila Pan, sa aking paghihinala sa kanila, sa panghuhusga ko sa kanilang taga labas.
Umiling ako bilang tugon.
"We will contact the orphanage where you kids came from. For tonight, Prince Seymour will lead you to your rooms." saad ni Lady Aletheia.
"We will continue discussing things tomorrow. Please feel at ease, but also behave well until then." pahabol niya bago pumasok ng silid si Mour upang sunduin sila.
Pagdaan sa akin nila Pan ay tumungo lamang ako, ni hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata dahil sa guilt na aking nararamdaman.
Kahit sinong makilala ko ay talagang nagagawan ko ng kamalian.
Buntong hininga ang aking pinakawalan ng tuluyan silang makaalis at dinaluhan ako ng Infinitius.
"You thought Lilith sent them here." hindi iyon tanong, alam na alam talaga nila paano bumasa, hindi lamang ng hinaharap, kundi pati na rin ng isang tao, ang iniisip at kinikilos nito.
"But trust me, they are not." sagot ko bago tuluyang umalis na rin.
Paniguradong aabot ang balitang ito sa aking mga magulang.
Kailangan ko ring lumapit kay Sil upang makahingi ng potion na magpapabalik sa dating haba ng aking buhok agad agad.
King Azure wouldn't like my short hair.
BINABASA MO ANG
The Last Pandaren
FantasyElementians (Feyare) Series #4 /pan-da-ren/ darkness' maiden tale of the fallen unforseen tomorrow greed and sorrow The Last Pandaren: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2016) LANGUAGE: TagLish Status: On Going