TOM 5

399 17 11
                                        

Chapter 5 - Spy or Not

Seraphim's POV

Gamit ang pasimpleng paggamit ng aking water blade, nagpahuli ako sa paglalakad habang ang aking mga kasamang taga labas ay manghang mangha sa kanilang mga nakikita, ginupit ko ang aking buhok upang hindi agad makilala ng ibang estudyanteng naririto.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Pan at agad akong tumango.

Great thing I have this accuracy, coming from my parents.

"Saang klase kayo nabibilang?" tanong ko na ikinatigil nila, lalo noong mga nakababata kila Pann.

Umubo si Cattalena ng marahan at nagtago sa likuran niya ang mga iyon.

Sinasabi ko na nga ba, may kakaiba sa grupong ito.

"Ang totoo niyan...." ani Pan.

"Hindi talaga namin alam kung saan kami. Nawala iyong bag namin na naglalaman ng mga papeles ukol sa eskwelahan at mga klase namin kanina habang naglalakbay kami patungo rito." pagputol ni Cattalena at nagkatinginan pa sila ni Pan bago ko naramdaman ang pagyakap sa akin ng mga bata.

"Pwede naman po nating alamin iyon mamaya hindi ba? Unang araw palang naman po, baka pupwedeng maglibot muna tayo?" pakiusap ng isang Sylph.

Bumuntong hininga ako. Kung gusto kong makakalap ng impormasyon mula sa kanila, o sa kung sino ba talaga sila, kailangan kong sumakay sa kanilang nais.

"Di nyo naman sinabi agad. Tara doon tayo mag umpisa sa Oval!" paanyaya ko na agad tinalimahan nila.

Kakaiba, walang mga matang nakatutok sa akin habang kami ay naglalakad. Walang mga bumubulong at palihim akong pinagtatawanan. Kakaiba.

Ang saya siguro kung ganito lang ako, walang iniintidi at pinangangalagaang pangalan. Walang alinlangan sa buhay, magkamali man o hindi. Walang manghahamak sa sakin at sa mga aking gagawing desisyon sa buhay, walang magdidikta sa akin, at sa aking kapalaran.

"Asan na ba kasi si Phim?" narinig ko ang pamilyar na boses ni Cy.

Malas. Kapag nakita niya ako at nakilala, paniguradong patay na.

Daglian akong tumabi kay Pan at kinuha ang kanyang sumbrero.

"Pahiram muna hah?" suot ko niyon sabay ngiti sa kanya.

Tumango lamang siya habang si Cattalena ay lumingon sa amin.

Lumagpas si Lucy sa amin at lumiko paiwas sa papasalubong na si Piero sa kanya.

Akala ko ba ayos na silang dalawa? Ang labo talaga ng mga ito.

Naniniwala pa kasi sa pag-ibig na yan.

"Ate! Dito nagaganap yung mga paglalaban ng mga estudyante hindi ba???" tanong noong isang Salamander at tumango ako.

"Nagamit rin po ba ito noong Syldine at Gnomander?" tanong noong isang Wisp.

Isang matipid na ngiti ang aking isinukli sa kanya.

"They travelled across our planet, their battlefield is Arkaios itself." sagot ko.

And mine is inside me, between my family, and poison runs with my blood, something that's slowly killing me, without them knowing.

"Ate Kyera, pupwede po ba namin silang makita??? Pati na rin po iyong may Meteor at Ice!" masiglang saad nung Gnomander.

"It will take a hard path for you to see them, though they are already seeing you right now." saad ko.

Kahit pigilan ko, that sounded really sad, and I can't deny it. Namimiss ko sila, sobra.

"Are they..." pinutol ko ang pagsasalita ni Pan gamit ang pagtaas ng aking kamay.

I once again nodded.

"Because of Princess Seraphim..." dagdag ko.

"And of Seymour Raego." narinig kong pagsabat ni Cattalena.

Never kong sinali si Mour sa usapang iyon. Inako ko lahat, walang naalala si Mour, kasalanan ko naman talaga. Ako lang ang dapat sisihin at makaramdam ng guilt.

"Tara na sa Flofe! Sigurado akong gutom kayo dahil sa pagod at byahe." pag-iiba ko ng usapan.

"I'll be glad to have a fight with you first." anang ni Cattalena at itinuro ang Open Field.

"Cat..." pagtawag ni Pan.

"We can do that later. Iyan ba ang ipinunta mo rito?" tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay.

Spy ba siya? Kaya ba sila nandito upang sukatin ang aming kapangyarihan at kakayahan?

Nasa timog na bahagi ng Arkaios sila Lilith, sa isang torw na ginawa para sa kanilang mga taksil. Hindi nakakapagtaka na nakagawa sila ng paraan upang makapangalap ng mga tauhan o utusan para manggulo. Masyado silang tuso, mapanlinlang.

"But if you will insist." sagot kong may halong pagbabanta sa tono.

Of course I won't show her my full potentials, not even one of my closests friends know my capabilities, not even Lucerne.

Ngumisi si Cattalena na sinuklian ko rin ng pagngisi.

Sa maliit na paggalawa ng aking mga daliri, isang water dagger na nakakabitan ng chain ang gumapang paakyat sa kanyang batok.

"Welcome to La Telmene." I greeted her.

"Not bad for an Elemental." pamumuri niya at bigla na lamang may lumabas na kulay luntiang bulaklak sa aking harapan at naglabas iyon ng usok na kakasulasok ang amoy.

Agad kong tinakpan ang aking ilong ngunit mukhang huli na ako.

Nawalan ako ng balanse at napaluhod.

Hindi ito maganda.

Lumapit siya sa akin at bumagsak sa lupa ang aking sandata saka iyon nawala.

Malas!

Sinubukan kong tumayo ngunit nahilo lamang ako at nagsimulang umubo.

Dugo.

Iyon ang nalasahan ko sa aking bibig. Gamit ang isa ko pang kamay tinakpan ko ang aking labi.

Hindi nila maaaring makita ang kulay ng aking dugo. Malalaman nila kung sino ako. Mapapahamak ko lang lalo ang mga naririto.

Kasalanan ko na naman.

Napakahina ko.

Masyado ko silang minaliit.

"Tama na Cat." suway ni Pan sa kanya.

Nilingon ko ang lalakeng iyon, nag-aasam ng tulong.

"Bakit? Ito ang pinunta natin dito hindi ba? Para sa kapatid mo." sagot ni Cattalena at hinawakan ang aking buhok ng marahas.

"Oo para sa kapatid ko. Pero hindi sa ganitong pamamaraan!" pag-angil ni Pan at winaksi nito ang kamay ni Cattalena mula sa pagkakahawak sa akin.

"Pasensya ka na Kyera. Ganyan talaga siya kapag kapatid ko na ang pinag-uusapan." itinayo ako ni Pan at inabutan ng isang maliit na boteng may lamang likidong walang kulay.

"Inumin mo. Hindi yan lason, magtiwala ka sa akin." inabot ko iyon gamit ang aking nanginginig na kamay.

"Phim!" pagkatapos kong mainom iyon ay natanaw ko si Mour na humahangos patungo sa amin.

Itinulak niya si Pan at sinuntok sa mukha saka ko naramdamang may sumalo sa akin mula sa likuran.

"Revv..."

The Last PandarenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon