Nabibwisit talaga ako dyan sa Mr.Figueroa na yan! Sinali ba naman ako sa pag candidate ng mga officers! SECRETARY PA! Arghhh! Nakakainis! Ano bang trip nya sakin? Nabangga ko lang naman sya eh. Ganti kaya nya un? Saka saan nya nakuha number ko? Argh! Malas talaga yang lalaking yan sa buhay ko!
"Max!!! Ilabas mo muna si Minnie! Sabado naman e." utos sa akin ni Ria.
Nilabas ko si Minnie,yung aso namin na Chihuahua. Cute cute kaya ng asong to!
Pumunta muna ako sa may playground at umupo ako sa swing.
"Minnie,mananalo kaya ako dun sa Candidacy na sasalihan ko? Ay mali, SINALI lang pala ako. Nakakainis talaga yung nang sali sakin dun. May sira sa pag iisip." inis na sabi ko kay Minnie. Nababaliw na ata ako. Pati aso kinakausap ko -.-"
"Hi Miss? Pwede ba makiupo?" tanong sakin nung lalaki na may hawak na pusa naman.
"A-ah-ahm. Su-sure! Pwe-Pwede!" utal ko napasabi dun sa lalaki.
"By the way, I'm David." pag papakilala sakin nung "David" daw. Nyemas ang gwapo neto! Jackpot ang ateng nyo!
"Maxine. Maxine Davies. Max nalang" pagpapakilala ko kay David.
"Oh! So ikaw yung tatakbong secretary ni Kuya Daniel?" tanong nya sakin. Huh? Sino si Kuya "Daniel"? Wait. Don't tell me.
"Oh I forgot to mention na. Mag kapatid kami ni Kuya Daniel. I'm David Figueroa." sabi nya sakin.
"KAPATID KA NG UNGAS NA YON?!" inis na tanong ko sakanya. Ibang iba si David kay Mr.IdontreallyknowhisnamebutImnotinterested! Kung ano ang kinabait ni David yun naman ang kinasama ni Mr.IdontreallyknowhisnamebutImnotInterested!
"Easy Max! Oo kapatid ako nun. Di ba obvius sa mukha? ;)" sabi nya with matching wink wink pa. Palapa ko sya sa aso ko eh.
"Nice to meet you,David. Pero I have to go na. Baka hinahanap na kasi ako ng mga kaibigan ko. Bye!!" pagkasabi ko nun kay David. Tumakbo na agad akong pabalik ng bahay.
"Pambihira Ms.Maxine Davies! 10:30am na oh! Anyare? San ka nag susuot?" sermon sakin ni Kath. Hala,10 na pala. Ampogi kasi SANA nung kausap ko kanina. Kaso kapatid pala ni ungas. Pero teka nga lang. DITO SILA NAKATIRA?! SA VILLAGE NA TO?!
"KATH.RIA. DITO BA NAKATIRA ANG MGA FIGUEROA?!" mainis inis kong tanong sa kanilang dalawa.
"Yeah. Kalilipat lang nila kahapon." mahinahon na sagot sakin ni Ria. Kahit kailan talaga antyaga nito samin ni Kath kahit kailan.
Napaka malas talaga ng buhay ko.
Kahit
KAILAN!
"Geh mag gagala muna AKO. Oo AKO LANG. Magpapalamig lang." sabi ko kila Kath at Ria.
Naligo na ako at nagbihis ng Blue na blouse at skinny jeans na black with matching my stringbag na Baymax. Nagtsinelas nalang ako.
Sumakay na ako sa kotse ko. Oo may kotse ako. At pumunta na akong mall.
Nandito na ako sa mall. Nagpark na at pumasok na sa loob.
As expected. Madaming tao dahil Sabado.
Pumunta muna akong NBS dahil wala na akong gamit para school.
Pagkalabas ko ng NBS. May humila sakin na lalaki na di ko alam kung sino. Nandito kame sa may tapat ng CR. Di ko alam gagawin ko huhu.
Omg. Baka hoholdapin ako nito.
"Omg! Nasan na kaya si Fafa Daniel? Fafa Daniel! Where are you?" sigaw ng mga pabebe girls este ng mga babaeng adik na adik sa isang lalaking nag ngangalang "Daniel" daw.
"Pakawalan mo na ako uy!" bulong kong sinabi dun sa lalaki na hawak hawak parin ako hanggang ngayon.
"Salamat naman! Pinakawalan mo na ako! Sino ka ba para kuhanin nalang ako at hawakan ng mahigpit?!" inis na inis kong tanong dun sa lalaki.
"I'm Daniel Figueroa and NO.ONE.CAN.STOP.ME doing anything I want to you Ms.Maxine Davies." WHAT?!
"Umpisa palang natin 'to Mr.Daniel Figueroa. Once you mess with a Davies. Hindi mo magugustuhan." ayan lamang ang nasabi ko sakanya at umalis na ako sa harap ng pagmumukha nya.
Hindi nya talaga magugustuhan pag ako na ang lumaban. Hindi pa tayo tapos
MR.DANIEL FIGUEROA
BINABASA MO ANG
UNTIL THAT DAY
Teen FictionSimple. Astig. Maangas. Matalino. Maganda. Ayan si Maxine Davies. Nasa kanya na lahat ang traits ng hanap ng isang lalaki. Pero dahil bitter at walang alam tungkol sa love. Wala syang crush at mas lalo na ang boyfriend. Pero isang araw nag bago ang...