#36: Heartbreaking separation..

59 7 5
                                    

Warning: Ang chapter na ito ay maaring nakakaiyak kaya't ilagay na ang tissue sa inyong tabi habang nagbabasa. Salamat po, ayoko pong mag kasipon kayo dahil dito. Huwiiieeee~

By the way, thank you for 1k+ reads! Please always don't forget to VOTE and leave a COMMENT! I would really love and appreciate it! Lovelots!

-MISS A-

***

DJ's PoV

Kotse.

Maxine and I are on the way to Mr.Davies' House. Sa bawat paglapit namin sa bahay na iyon ay iyon rin ang pagdagdag ng bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Should I be? Should I be afraid of him? Of course, tatay siya ng kasecret relationship mo. Common sense. Hindi ko alam. Pero sa tingin ko ay oo ang sagot sa tanong na iyon. Tahimik lang kaming dalawa ni Maxine sa biyahe. Walang expression ang kaniyang mukha. Tila blanko lamang ang kaniyang expression ng kaniyang mukha. Kaya hindi mo makikita kung mayroon siyang iniisip na kakaiba.

Ang katahimikan kanina pa naming dinadanas ay binasag niya sa isang pangungusap.

"Malapit na ba tayo?" tanong niya at nanatiling blanko ang kaniyang expression. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kaniya. Napapadalas ang pagiging blanko ng expression niya. Hindi na katulad ng dating lagi siyang nakangiti sa bawat oras o segundo akong titingin sa kaniyang magandang mukha. Nagmumukhang mataray at suplada siya sa expression na ginagawa niya pa lagi. Hindi ako sanay.

Sa wakas, nakarating na kami sa bahay ni Mr.Davies.

Lalong bumilis ang tibok ng puso kaya binilisan ko nang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ko ng pintuan ng kotse si Maxine upang siya ay makababa na rin.

"Ready ka na ba?" pagtatanong nito na halata sa kaniyang mga mata na siya ay kinakabahan.

"Hindi pero let's just hope for the best." sambit ko at saka ngumiti. Sa aking pag ngiti ay siya ay ngumiti rin at nang dahilan na lalong lumaki ang aking mga ngiti.

Nagdoorbell na si Maxine sa bahay ng kaniyang tatay niya dati...

Agad naman kaming pinagbuksan ng katulong rito. Pinapasok na rin kami agad. Lalong lumakas ang tibok ng aking puso sa paglapit namin sa sala.

*sighs*

Kinakabahan ako.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

Laking gulat ko na hinawakan ni Maxine ang aking kamay ng mahigpit.

"Kumalma ka lang. Walang mangyayari masama okay? Kakausapin lang tayo ni Dad." sambit nito at umupo na sa sofa.

"Sana..." bulong ko.

"Oh.. Nandito na pala kayo.. I'm glad that you still made here. Take your seat,hijo. I need to talk to both of you." sambit ni Mr.Davies at nasa likod niya si Mark. Tila umusok ang ilong ko ng makita siya. Pero hindi ito ang oras upang magalit. Okay.. Kalma.. Focus tayo,Daniel. Focus.

"Please leave, Mr.Lee" utos ni Mr.Davies. Nagulat ako ng biglang lumagong at lumalim ang boses ni Mr. Davies. Napalunok ako ng husto sa sobrang takot.

"O-opo, Mr.Davies." pagsunod ni Mark. Tss.

"So hijo, if I'm not mistaken.. You're Daniel Joachim right?" pagsisimula ng usapan ni Mr.Davies. Okay, DANIEL. STAY CALM.

"O-opo, Mr.Davies." magalang kong sagot kay Mr.Davies at saka dinugtungan ko ng ngiti.

"Hmmm.. Presentable. Maginoo. Gwapo. Mabait. Matalino but... NO." seryosong sambit ni Mr.Davies tila ikinagulat naming dalawa ni Maxine.

UNTIL THAT DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon