#26: Childhood BFF's

56 5 1
                                    

Maxine's PoV

Naguluhan ako sa nangyari kahapon so I decided to go out and chill today.

Pumunta akong SM at doon ako mag lalunch.

Sumakay na akong jeep at nag-bayad na ako kay manong drayber.

"Because you don't deserve to be JUST A FRIEND!"

Patuloy na nag eecho sa isipan ko. Yun na nga lang ang lugar ko sa buhay ni DJ. HINDI KO PA DESERVE.

Bilang Maxine Davies masakit para sa akin iyon. Syempre, gusto. No. Mahal ko na si DJ and that freakin' hurt!

*ring ring*

DJ Figueroa is calling you

Answer Decline

Should I answer it?

No.

Dinecline ko ang tawag n'ya. Hindi pa ako ready sa mga sasabihin n'ya.

I'm so sh*t right now.

Nang makarating ako sa SM. Bumaba na ako ng jeep at tumawid.

"Hoy Babae! Magpapakamatay ka ba?!?!?" sigaw sa akin ng lalaking nasa loob ng kotse n'ya.

"So-sorry po." pagpapasensya ko sa lalaki.

Lutang na lutang ako habang naglalakad. Juicecolored ano pong nangyayari sa akin?

Nagugutom na ako leche kaya pala.

Pumasok ako ng mall at dumiretso sa pinaka kaunting fastfood dito sa mall. Ayokong pumila noh!

Pumunta akong Karate Kid at umorder na ng kakainin.

Habang hinihintay ko ang kakainin ko ay may naalala ko bigla sa fastfood na ito.

Naalala ko pa nung Grade 6 kame.

Si Mesos at Andrea ang kasama ko palagi sa galaan. Lagi kaming nakain dito noon.

Hays... Nasaan na kaya yung Dalawa kong kaibigan dati?

"Ma'am here's your meal. Enjoy :)" masayang sinabi ni ateng waitress sa akin. Ngumiti nalang ako bilang sagot sakanya.

Habang kumakain ako ay tumitingin-tingin lang ako sa paligid. Andaming memories ng fastfood na ito.

Naalala ko pa nung nag papahidan pa kami ng ketchup sa mukha ni Mesos eh. Hays.

Crush ko si Mesos nung grade 6 pero ang crush nya ay si Andrea. Sabi sainyo eh lagi nalang akong napapaasa. Pero atleast bestfriends kami ni Mesos eh si DJ? Wala eh kahit friends. Tsk.

Tapos na akong kumain at lumabas na akong karate kid.

Habang palabas ako ng karate kid ay may bumangga sa akin.

"I'm sorry!" sabay namin nasabi sa isa't isa.

"OMG! Mesos?!" masaya kong sinabi kay Mesos.

"Maxine?! Tingnan mo nga naman! My Elementary Friend! So kamusta ka naman?" tuloy-tuloy n'yang sinabi ito ng masaya.

"Eto, pinapaasa pa rin. Charing! Si Andrea ba? May connection ka pa ba sakanya?" pagtatanong ko kay Mesos.

"Oo, crush ko parin s'ya Max. Actually, nililigawan ko na nga eh." medyo nahiya si Mesos nung sinabi n'ya yon.

"Ayieeeeee! Destiny talaga!" pangaasar ko kay Mesos. Ang cute talaga n'ya pag namumula!!

"Ikaw ba, Max? Sinong lovelife mo? Sure akong meron noh!" pagloloko n'ya sa akin.

"Complicated kasi Mesos eh. Hindi ko alam kung anong meron kami. Kahit friend hindi n'ya ako maturing." malungkot kong sinabi kay Mesos.

"Awwwwww. Pero I'm sure! Magiging kayo sa huli. Ay! Gotta go, Max! It's nice meeting you again! See you around!" sunod sunod n'yang sinabi.

"Pero I'm sure magiging kayo sa huli."

Yeah, Mesos. I'll make sure na magiging kami talaga sa huli.



UNTIL THAT DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon