#28: Handstring

69 6 2
                                    

Maxine's PoV

Univeristy Week ngayon so 1 week kaming walang lessons. Celebrate na iz me. joke.

Vball namin today. Blue team which is my team versus Green team.

Kalaban namin sila Ria at ang iba pang varsity.

Kateam ko sila Kuya Yuan,Chelsea,Bella,Marcus at Elise which is hindi ko naman masyado kaclose.

"Attention, Blue team and Green team Volleyball players please proceed to our Quadrangle. Thank you and Good luck!" ani ni Sir Ronald.

Pumunta na ako sa Quadrangle at dinala ang tubigan at tuwalya ko.

Nilagay ko ang tubigan at tuwalya ko sa bench at nag simulang mag-stretching.

Sabay ang game namin ni DJ ngayon kaya hindi ko siya masyado makikita ngayon. Hayst.

Kumuha ako ng bola at nilaro laro muna ito. Nag dig 'n pass kami ng team mates ko, nagpractice ng service, spike etc.

5 minutes nalang bago mag-simula ang game.

Nagdasal na muna kami ng mga team mates ko bago mag game.

"Lord, sana po gabayan n'yo po kami sa aming laro sa volleyball ngayong araw. Lord, sana po manalo kami sa larong ito if ever man na matalo po kami sana po walang masaktan or mainjured po. Amen. Guys, kaya nating to! Let's enjoy this game! Manalo or matalo.. Uhh shempre mas better ang manalo sana maging humble parin tayo and don't forget to smile! 1,2,3 Blue team!" pagpapalakas loob ko sa team mates ko.

Pumito na ang referee at sign ito na tapos na ang 5 minutes at laban na namin.

"Captain balls' please proceed to me." tawag ng ref.

"Toss coin tayo ah. Blue, heads or tails?" tanong ng ref.

"Tails po." ani ko.

"Heads po." sabi ng capt. sa green team.

Binato n'ya ang coin at..

Heads...

Sa Green ang bola.

Unang mag seserve ang captain nila (of course.)

Inispike ito ng captain at pumunta ito sa direksyon ko.

Agad kong dinig-over at nasalo ito ni Ria, dinig over n'ya sa court namin at naglanding sa..

LINYA!

"Sh*t Line ball!" inis na sabi ni Kuya Yuan.

***

Tapos na ang 1st set.

And guess what!

15-5

GREEN IS 15 POINTS WHILE BLUE TEAM IS 5 POINTS.

Wow. Just wow!

Nakakapaginit ng ulo ang points namin! Grrrrr!

"Guys! What's happening?? Habulin ang bola hanggang makakaya! Okay? Bawi tayo next set! 1,2,3 Blue Team!" ani ko.

Pumasok na ako sa loob ng volleyball court. Ako ang unang magseserve ngayon. Dahil hindi pa ako masyadong sure sa mga spike ko ay yung classic na serve lang ang ginawa ko. Inover ko ang bola sa kabila then bengga! Hindi nila nasalo!

2nd serve ko na ito, inover ko na ito pag ka pito pala ng ref. then...

Wahhhh! Hindi nanaman nila na salo!

***

Wahhh! malapit na matapos ang game and nakahabol kami!

28-25

28 points kami! Tapos serve namin!

"Go Kuya Yuan!" sigaw ko sakanya habang nagreready mag-spike.

Pumito na ang referee at inispike na ni Kuya Yuan ang bola... Wahhh! Pumasok then hindi nila nasalo! 1 point nalang!

"Go Kuyaaaa Yuaaann wahhhh!" sigaw kong muli kay Kuya Yuan. Jusko lorddddd.

Inispike ito ni Kuya Yuan and...

"WAH KOYA YUAN HUHU BA'T SUMABLAY HUHU" inis na sigaw ko kay Kuya Yuan. Wahhh! Sayang!

Si Ria ang mag seserve. Iniver nya ang bola at sa gitna tumapat.

Walang pang kumukuha kaya napa-slide ako sa gitna at inover ko ito at..

Wahh! Hindi nila na salo! Panalo na kamiiii!!!

***

"Congrats Max!" pag-bati sa akin ni Lein, pinsan ni DJ.

"Salamat! Grabe! Ang intense ng laban!" ani ko.

"Yowwww!" bati ni DJ.

"Hi Insan! Nanalo ba kayo?" pagbati ni Lein kay DJ.

"Champion kami. How bowww youu, Max?" pagtatanong niya.

"Wala pang championship, bukas pero sa 1st game panalo kami." ani ko.

"Guyssss! Handstring tayo!" pang gugulat sa amin ni Josh, kaklase ko. Handstring? Wth is that?

"Huh? Anong handstring?" sabay na tanong namin ni DJ.

"Basta tara!!!!" yaya ni Josh sa aming tatlo.

Pumunta kami sa isang stoll at ayon bumili ng handstring si Josh.

"Miss, Sir may I have your hands?" pagtatanong nung babae. Inabit ko nalang ang kamay ko at ganoon din ang ginawa ni DJ. Ano kayang gagawin?

Kumuha ng cable tie si ate at..

KINABLE TIE KAMI NI DJ?!

"Ate, ganto po ba talaga to?" akmang tanong namin sa babae.

"Opo." sagot n'ya.

Bali magkasama kami ni DJ at si Josh at Lein naman ang magkasama.

Wahh! Ang higpit nung cable tieeee!!

"Tara na DJ, pagupit na natin." yaya ko sakanya.

"Wag na muna, enjoyin nalang muna natin." sagot niya.

Hindi ko to maeenjoy! May kasama ba naman akong Ungas! Bushet! Nakakainis talaga 'tong si Josh!

20 minutes kaming nakacable tie, 7 minutes palang ang nakakalipas. Ughhhh! Gusto ko nang matanggal ito!

"Hold my hand, para hindi masaktan yang kamay mo." seryosong paguutos ni DJ.

"What?! Are you crazy?! Alam-" naputol ako sa sinabi ko dahil hinawakan ni DJ ang kamay ko. Waterfalls na ang kamay ko pero hindi s'ya bumitaw.

Oo nga, tama s'ya nabawasan ang sakit sa cable tie noong hinawakan n'ya.

Matapos ang 20 minutes ay pinatanggal na namin.

Pinicturan kami sa polaroid at binigay ang picture.

"I had a great time. See you around, my girl." ani ni DJ. Napatigil ako sa sinabi n'ya.

My girl? Nananaginip ba ako?

Ang 20 minutes na yon ang bumuo ng araw ko.

Napansin ko mayroong nakasulat sa picture naming dalawa ni DJ.

-Handstring-
2/15/17

"Best day... ever.." sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa magagandang ulap sa itaas.

UNTIL THAT DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon