#47: Fixed.

36 3 5
                                    

Author's Note:

Continuation lang po ito nung last chapter :*

***

"Maxine, Daniel..." Tawag sa amin ni Dad.

"Po?" sabay naming sambit.

"I am really sorry.. Nadamay pa kayo sa problema ng pamilya natin.. Nag-overthink lang ako ng masyado. I am sorry dahil umabot pa sa ganto.." nakahawak si Dad sa kamay naming dalawa. Lumapit si Tita sa amin.

"I am sorry, Maxine kasi I lied to you.. Hindi ko sinabi sayo ang totoo noong una palang... Dapat hindi na ako tumupad sa plano ng Dad mo at para hindi na umabot sa ganitong punto.." Nakita ko na mayroong luha na tumulo sa gilid ng mga mata ni Tita. Ngayon naman ay lumapit si Mom.

"Anak.. I'm sorry dahil hindi ko sinabi sayo.. Edi sana wala nang gantong mangyayari diba? I'm sorry."

Pagkatapos nilang mag-sorry sa amin ay inayos ko ang sarili ko at nagsimulang magsalita.

"Mom,Dad and Tita.. I'm sorry din dahil sa pagsuway namin sa inyo. I know ginawa niyo ito para sa amin rin. I'm sorry po dahil hindi po namin nacontrol ang feelings namin. Dad, alam ko pong nagalit ako sa inyo dahil sa desisyon na ginawa niyo noon. Tita, sorry din kasi nagalit ako sa inyo kasi ikaw yung pinalit ni Dad kay Mom. Mom, sorry po dahil hindi ako naging matatag noon kaya't nagawa namin ito. Lahat din naman ng taong kinakausap ko ngayon ay may nagagawang mali. Naintindihan ko po kayong lahat sa mga ginawa at desisyong ginawa niyo po. Gusto ko po sanang sabihin na salamat din po dahil hanggang sa huli ay tayo parin ang magkakasama, tayo parin yung pamilya katulad noong una.. Yung mga nangyari po noon sana kalimutan na po natin.. Ahmmm.. Pinapatawad po namin kayong lahat at sana ganoon rin po kayo sa amin ni DJ..." halos maiyak sila Mom at Tita sa sinabi ko.

"GROUP HUG!" Sigaw ni Queenie na may hawak pang tissue hahahahaha!

Nag-group hug kami at tumawa pagkatapos noon.

"Everything is fixed.." sambit ni DJ.

"I'm so glad na kahit magaway-away ang kung sino man sa ating pamilya ay kasama parin natin sa huli." lumaki ang ngiti ko sa sinabi ko.

"Ganoon kasi tayo kaunderstanding eh!" sambit ni DJ at natawa nalang kami pareho.

~~~

Pagkatapos ng nangyari sa "kasal-kasalan" na nangyari noon ay back to normal na. Masaya kami ni DJ. Maayos ang pamilya namin.

Nasa bahay namin kami nila Kath.

"So girls! Anong plano natin sa bakasyon?" Tumalon si Kath sa kama ko at tumabi sa amin ni Ria.

"Ikaw ba? Saan mo gusto?" Tanong ni Ria kay Kath.

"Boracccccc!" Sigaw ni Kath. Aish?! Hindi parin nadidigest yung nilunok niyang megaphone? HAHAHAHAHAHA!

"Anlayo naman eh.. Di keri ng budget natin.." Sambit ko. Oy! Ako kaya ang taga-budget dito tapos ang gastos nung dalawa kapag umalis kami! Kaya no to Borac ako! Maliban nalang kung sagot ni Dad ang pera namin.

"Oh eh saan?" sambit ni Kath.

"KOREEEEEEEEEEEEEEEEEEAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" Sigaw ng pamilyar na boses na biglang sumigaw sa loob ng kwarto namin.

SI DJ?!?!?!?!

"Yieeeeee! Sige sige!" Sambit ni Kath na pumalapalakpak pa
-__-

"Pera mong ungas ka ha!" Sambit ko at tinuro ko pa siya.

"Sagot ng Dad mo, Max.. Ano excited na ba kayong makita si Bo Gum?" Sambit ni DJ. Si Bo Gum ay isang leading man sa pinapanood kong kdrama na "Love in the Moonlight" na kinaaadikan ko naman.

"JUNGKOOK PAPARATING NA KAMI DIYANNNNN! KOREA HERE WE COMEEEEE!!!" Sigaw naming tatlo and yes! Bias NAMIN si Jungkook! HAHAHAHAHA!

UNTIL THAT DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon