#45: Fake.... WHAT?!

43 4 3
                                    

Author's Note:
Patapos na po ang UTD and maraming maraming salamat po sa pagsuporta niyo sa story ko! Love y'all!

Maxine's PoV

Itong araw na ito ang araw ng kasal ni Tita at Dad. Kahit medyo labag pa sa kalooban ko na magpapakasal pa rin sila kahit na maging kami na talaga ni DJ. Hindi ba parang mali pa rim iyon? Si DJ ay magiging step-brother ko kapag nakapag pakasal na silang dalawa ni Dad at hinid iyon tama.

Anyway, lahat ng inbitado sa kasal ay nagreready na. Ang mga groomsmen ay nag-aayos na. Andito ako kay Mom ngayon.

"Mom, I'm sorry.. hindi ko po nagawan ng paraan-"

"Hushhh.. It's okay, Maxine. Ang importante lang sakin ay nakikotang masaya ang Dad mo." niyakap ko si Mom. Naguguilty ako kasi feeling ko ako ang may kasalanan nito lahat.

Nagpaalam ako kay Mom na mag-gagala-gala lang ako saglit. Andaming tao dito.

Mayroon akong babaeng nakita sa di kalayuan..

SI QUEENIE?!

Nakita ko na papunta siya sa direksyon ko at nakatingin siya sa akin. Iniwas ko ang tingin at pumunta sa ibang direksyon.

"Maxine, wait!" tumigil ako sa paglalakad nang tinawag niya ako.

"Bakit?" tanong ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tumingin siya sa akin.

"Maxine, I'm sorry sa lahat ng nagawa ko.." nagbuntong-hininga ako. Sa tono kong narinig sa pagsasalita niya ay mukhang nagsisisi na siya sa mga ginawa niya sa akin.

"I'm sorry din.." sambit ko sa kalmadong boses. Nginitian ko siya ng malaki at ganoon rin ang ginawa niya sa akin.

"Maxine, babawi ako sayo.. Promise.. Babawi ako sayo.. m-mamaya.." niyakap niya ako at umalis na siya. A-anong ibigsabihin niyang babawi siya mamaya? Strange.

"It's nice to see you both are okay." ani DJ na nanggaling sa likod ko.

"You know.. Alam naman nating at the end of the day.. Papatawarin namin ang isa't isa at magkakaayos rin.. And yeah! Ayon ang nangyari." ngumiti siya sa akin.

"Kahit saang anggulo talaga, Maxine... ang ganda ganda mo.." hinawakan niya ako sa pisngi. Hinawakan ko ang kamay na nakahawak sa pisngi ko.

"Ungas, hindi ako maganda..." nagkatinginan kami at napatawa nalang. Hinampas ko siya sa balikat niya na ikinabitaw ng pagkakahawak niya sa pisngi ko.

"Hays.. Amazona talaga! Hahahahaha!" napatawa nalang rin ako noong sinabi niya iyon.

Malapit nang magsimula ang kasal. Kaya't naghiwalay na muna kami ni DJ dahil I'm sure baka makita kami ni Dad.

Napatingin ako kay Dad at napabuntong-hininga.

Dad, I'm sorry.. Hindi niyo na po kami mapipigilan..

Nang magsisimula na ang kasal ay kinkabahan ako. Napatingin ako kay DJ na nasa kabilang side. Hawak niya ang phone niya at busy siyang nagtatype.

Nagulat ako nang nag vibrate ang phone ko. Patago kong tiningnan ito.

DJ:

We'll run away kapag magpapalitan na ng rings na.. Clear?

Kinakabahan ako sa sinabi niya pero bahala na! Para sa amin din naman ito eh!

Nagreply na ako sa kanya.

Me:

Okay.

UNTIL THAT DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon