A/N:
MDA stands for Meeting de Advance. FYI lang sa mga di alam yung meaning *3* hihi.***
Maxine's PoV
Isang araw nalang bago mag MDA. Hindi ko alam kung kakabahan ako or what. Hindi naman kasi talaga ako cumandidate eh. Si DJ lang talaga ang nag sali sakin. Kahit kailan talaga. Pahamak yung lalaking yon.
Nandito kaming lahat ng Candidates sa Party namin. TUMBLR ang pangalan ng party namin. May meaning yun eh. Trustworthy and Understanding Milenials and Bright leadeRs. Ang pangalan naman ng partt nung kabila ay BLOG. Brave Leaders of today's Generation. Ang haba nung amin. Si Daniel kasi nag isip -_-"
Nandito kami sa EMC room. Yung BLOG party nasa Gym. Galing kaso bumunot ni Daniel eh.
"Guys, ready na ba yung speeches nyo? Memorize nyo na ba?" tanong ng VP naming si Leo.
"Oo." sagot naming lahat.
"Good! We're all set for tomorrow! Good luck sating lahat! Let's hope for the best and Think Possitive!" proud na sinigaw ko sa loob ng EMC room.
"Ay? Masyadong confident?" sabi ni Daniel sakin ng mapangasa na tono. Bwisit to ah. Nang chicheer ul na nga eh. Sipain ko talaga to eh.
"Haha." nag fake laugh nalang ako sa sinabi nya.
"Leo, excuse me. Mag c-cr lang ako." paalam ko kay Leo. Nakakahaggard pag nakakasama ko lagi si DJ! I just hate him! Nakakainis sya! Nakakairita! Lahat na ng bad traits nasakanya nya! Taga saang planeta ba to galing? Taga Neptune? Taga Pluto? Nyeta,ibabalik ko na to kung saan man sya nanggaling.
Nandito na ako sa CR. Nag huhugas ng kamay.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.
"May magkakagusto pa ba sakin?" tanong ko sa sarili ko. Meron pa nga ba? O meron talaga,sadyang manhid lang ako?
"Hahaha! Are you crazy Ms.Davies?" sabi sakin ni Queenie. Nyeta ba't may naligaw na palaka dito?
"Wow! May nag sasalita na palang palaka! Hi Froggie! Kokak Kokak! Hahaha!" pang iinis ko kay Queenie. Mukhang sasabog na sya sa inis eh! Hahaha!
"How dare you to-"
Pasampal na sya pero,
Inambahan ko sya ng isang makas na sampal.
"Infairness ha. Matigas mukha mo. I've warned you, Sanchez. Don't test me. Sabi ko sayo, wag na wag mong susubukan ang isang Davies, LALONG LALO NA AKO." pagtataray kong sinabi sakanya. Umalis na akong CR. Naiwan syang nakahawak sa pisngi sya. Antigas ng mukha nya. I've warned her na eh wala. MATIGAS.
"Hey Max!" bati sakin ni Tyrone.
"Sup, Ty" walang gana kong sagot kay Tyrone. Nakakawalang gana na kasi. Paano kung pati pala sya hindi matino? Hmpf. OA na Max.
"Sige,Sige. Mukhang may problema ka na hindi ko dapat malaman." sabi ni Tyrone. Tss.
***
"Pwede na umalis yung officers except sayo, Davies." sabi ni DJ. Pambihira. Ano bang problema ko dito?!
"O? Bakit mo ako pinaiwan?" inis na tanong ko kay DJ. Like duh?!? Pag pinaiwan nya ako ng walang dahilan. Ipapakain ko na to sa buwaya.
"May sasabihin kasi ako sayo eh.." sabi DJ.
"Itext mo nalang! Gusto ko nang umuwi!" inis na sabi ko kay DJ. Bwiset eh. Gusto ko nang umuwi.
"Arte. Fine." cold na sabi sakin ni DJ.
Niligpit ko na ang gamit ko at umalis na.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko. Binuksan ko ang pinto at pag kapasok ko ay sinarado ko rin.
Umupo muna ako ng ilang sandali para makapag isip isip.
Kinuha ko ang phone ko at mag scroll sa facebook ko.
"Kath Meren
Sabi nila, the more you hate, the more you love. Hahaha! Charr! Alam mo na kung sino ka BES! ;)"Nang aasar ba 'tong si Kath? Magpapalunok talaga ako sakanya ng megaphone.
Ituloy ko na nga ang pag sscroll ko.
"Ria Santos
From Strangers to Friends? Friends lang ba? Hahaha!"Bwisit! Mga nang aasar to ah!
Pinaandar ko na ang kotse ko. Hindi pa ako umuwi. Pumunta ako sa favorite place ko.
Sa burol.
Nagdrive akong mabilis papunta doon.
Nandito na ako. Lumabas ako ng kotse at umupo sa damuhan.
Umakyat ako dun sa burol na yon.
Dito kami ni Mark huling nag date. Bago kame magbreak. Ang tanga tanga ko. Minamahal ko parin yung taong hindi ako kayang mahalin pa. Hindi ko rin alam. Pero s'ya parin ang laman ng puso't isipan ko. Kahit gaano pa karaming lalaki sa buong Pilipinas o mapabuong mundo pa or should I say buong universe na. S'ya at s'ya parin ang nilalaman ng puso ko. Ang daling sabihin nung "BREAK NA TAYO" pero pag meant talagang sabihin nung tao. Masakit. MASAKIT SA PAKIRAMDAM.
"MARK! ALAM KONG HINDI MO AKO NA RIRINIG PERO BAKIT! BAKIT MO NAGAWA SAKIN YON! MAHAL NA MAHAL PA KITA MARK LEE! Mahal na mahal pa kita...and ... I mean it.. Pero bakit nawala nalang yon sa tatlong salitang BREAK NA TAYO? Mark, ansakit.. ansakit sakit.." sigaw ko sa taas ng burol habang di ko namamalayan na naiyak na ako.
"August 28,2015.. Araw na kumawala ka saakin.. Sa mismong anniversary pa natin.. I need your explanation Mark.. BAKIT?!"
F L A S H B A C K
"Pagod na pagod na ako Maxine! I'm sorry pero Break na tayo."
Halos madurog ang buong pagkatao ko nung sinabi sakin ni Mark yun.
"Mark Bakit?! Anong nagawa ko!" pag tatanong ko kay Mark.
"4 words. 1 meaning. DI NA KITA MAHAL. WE ARE DAMN OVER." pagkatapos sabihin yun ni Mark. Naiwan nalang ako sa kinatatayuan ko. Parang hindi ko na alam yung gagawin ko. Ansakit na pakinggan na sinasabi nya yung "DI NA KITA MAHAL."
.E N D O F F L A S H B A C K.
Oo nga pala Max. Hindi ka na nya mahal.
Ang tanga tanga ko. It's almost 2 years na. Pero may sakit parin.
Siya lang ang taong minahal ko ng sobra. Pero siya rin pala ang dudurog ng buong puso at pag katao ko.
"Here. Have this." abot sakin ng panyo nung nasa likod kong lalaki.
Wait what?! Ba't nandito si DJ?!
"I don't need that kung ikaw lang din ang mag bibigay!" pag tanggi sa pag alok ni DJ. I don't want! Mamaya may ipaamoy pa sakin yan.
"Arte. Tss. Bakit ka nandito?" pagtatanong ni DJ.
"Wala!" pagkukunwari ko kay DJ. Ayokong maging dahilan 'to ng pagiging maging friends namin.
"Meron. May problema ka. I heard you a while ago screaming something." sabi ni DJ.
"Alam mo naman pala eh! Itatanong mo pa!" inis na sabi ko sakanya. Forever bwisit talaga sya sa buhay ko!
"Tapatin mo nga ako Max." seryosong sabi ni DJ.
"Ano?!"
"Are you still missing a piece of you? 'Cause if you do, I'll be always by your side." sabi ni DJ. Iniwanan nya akong tulala sa kinauupuan ko.
Hindi ko pa maabsorb yung sinabi nya.
Am I really still missing a piece of me?
I think I do.
Pero..
Bakit ganon ang sinabi ni Daniel?
Is he crazy?
I need to rest.
Tomorrow will be another day.
BINABASA MO ANG
UNTIL THAT DAY
Teen FictionSimple. Astig. Maangas. Matalino. Maganda. Ayan si Maxine Davies. Nasa kanya na lahat ang traits ng hanap ng isang lalaki. Pero dahil bitter at walang alam tungkol sa love. Wala syang crush at mas lalo na ang boyfriend. Pero isang araw nag bago ang...