Maxine's PoV
Simula nung niligawan ako ni David. Madalas na kaming magkasama. Madalas umuwi ng sabay. Pagkumakain din sabay.
Sa ngayon lunch namin. Kasama ko sya ngayon dito sa canteen.
"Maxine I have to tell you something." seryosong sabi ni David.
"Ano yun?" pagtatanong ko sakanya.
"I know who Dan is..." sabi ni David. Wahhh! Kilala nya si Dan?!?!
"Sino!!" pagtatanong ko sakanya. Wahhhh!!
"Dan is-"
"Yowwww Waddup Brotha!!" paninira ng moment ni DJ -.- Kailangan timing?!
"Hi Kuya!" masayang bati ni David kay DJ.
"Hoy ikaw Ungas ka! Ba't ka nandito!" inis na sabi ko kay DJ. Pambihira! Panira eh!!
"Bakit bawal? Ako naman ang President dito ha? Onga pala. Since secretary kita. Kailangan ako palagi ang kasama mo especially ngayon! Anraming Meetings!" inis na sabi sakin DJ. Arghh!
"Sige na, Max. Sumama ka muna kay Kuya. Oy Kuya! Akin lang si Max! Subukan mong sulutin sakin yan! Baka hindi na kita maturing na kapatid non!" pabirong sinabi ni David. Wahaha! Hangkyuttt talaga ni David!
"Iyo na! Asa naman akong magkagusto dito!" inis na sabi ni DJ. Talaga! Never! N.E.V.E.R
"Ano bang pag mimeetingan naten ha?" pataray kong sinabi kay DJ.
"May practice ng soccer ngayon. Eto suotin mo yan." sabi ni DJ. May inabot sya saking jersey tshirt saka shorts. Hays! Seryoso talaga to sa pag sali sakin sa Soccer team ng girls! Bwisit!
"Leche! Ba't kasi sinali sali mo ako dito!" inis na sabi ko kay DJ. Like duhhh! sinong hindi maiinis sakanya?!
***
Nandito na ako ngayon sa field kasam si Kath. Nasa bench si DJ pinapanood kami. Kinakausap kami ni Coach ngayon. Like sh*t wala akong kaalam alam sa soccer. Hays, Max just go with the flow.
Hinati kami sa 2 groups. Kasama ko si Kath. Tanging si Kath lang ang kilala ko dito.
"Davies, come here." tawag sakin ni Coach.
"Ikaw ang Captain ball ng Team nyo." sabi ni Coach.
"Po?! Wala po akong kaalam alam sa soccer! Si Kath nalang po." pagpipilit ko kay Coach.
"Try lang natin. I think you've got skills sa soccer." pagpapagaan ng loob sakin ni Coach. Hala, paktay na bessy.
Saamin ang bola.
Pumito na si Coach.
Nasakin ang bola!!
Sinipa ko ng malakas ang bola at tumakbo ng mabilis. Tamang tama medyo mahihina yung defender nung kabilang team kaya may chance akong makagoal.
May haharang sana sakin para kunin yung bola pero lumusot sa gitna ng paa nya.
Hala eto na!! Anlapit ko na sa Goal!!
Okay.. Max magogoal mo yan..
1..
2..
3..
SIPAAAA!
Sinipa ko ng malakas ang bola at...
NAG GOAL!!
BINABASA MO ANG
UNTIL THAT DAY
Teen FictionSimple. Astig. Maangas. Matalino. Maganda. Ayan si Maxine Davies. Nasa kanya na lahat ang traits ng hanap ng isang lalaki. Pero dahil bitter at walang alam tungkol sa love. Wala syang crush at mas lalo na ang boyfriend. Pero isang araw nag bago ang...