Author's Note:
I dedicate this chapter to ItsCloeMiranda. Happiest Birthday! Enjoy this chapter! Mwa!
Maxine's PoV.
10 years later...
Maraming nangyari.. Akala ko noong una.. Siya na talaga... Akala ko siya na ang lalaking kokompleto sa buhay ko.. Pero hindi.. Pagkagraduate niya sa kolehiyo ay umuwi na siya ng Pilipinas.. Di nagtagal ay nakahanap siya ng bago.. Mas maganda.. Mas understanding.. kaysa sa akin.. Nag-away kami ng nag-away then.. we broke up.. Yung akala ko ring magiging si Kath at Isaac sa huli.. Nagkamali ako.. Bumalik ang EX ni Isaac.. at sila ulit ang nagkatuluyan.. Nasaktan ng husto si Kath na nangyari rin sa akin.. Si Ria at Ryan naman ay naghiwalay dahil hindi sila makapagfocus sa studies nila kaya napagdesisyunan ng pamilya ni Ria na maghiwalay muna sila..
Pero sa totoo lang..
JOKE LANG YON! SO ETO TALAGA ANG MGA NANGYARI AFTER 10 YEARS NAMIN DITO SA KOREA.
Kami ni DJ ay going strong pa rin kaso.. mukhang busy siya ngayon sa trabaho niya kaya'y hindi niya ako macontact masyado.. Si Kath at Isaac naman parang mga bata kasi laging nag-aaway sa maliit na bagay! Pero going strong din naman sila! And last but not the least.. Ang matalinong couple! Si Ria at Ryan.. Pareho na silang graduate at ang kulang nalang talaga ang magpakasal sila..
For the past 10 years na pag-aaral ko dito sa Korea ng pag-dodoctor ay naging masaya ako lalo. I started to fulfill my dreams at isa na iyon sa pagiging doctor ko.
Habang nagdedaydream ako ay nagulat ako nang tawagin ako ni Xian. Naging kaklase ko dito sa Korea na Filipino rin.
"Maxine, yo okay?" tanong niya. Tumango nalang ako bilang sagot ko.
Naalala ko kasi yung nangyayari kay DJ. He's acting weird eh.. Prang iniiwasan niya ako for some reasons. Hindi na nga siya madalas tumatawag ganoon pa siya sa akin huhu.
"Is it about your boyfriend ba?" concern na tanong niya sa akin.
Isang caring, gwapo, mabait na kaibigan si Xian kaso.. may lantik ang bawat galaw niya.. In short, iisa ang gusto namin..
"Oo eh.. Mukha kasing napapadalas ang hindi niya pagtawag sa akin.." lumungkot ang mukha naming pareho sa sinabi ko.
"Awww.. Girl, busy lang 'yang boylet mo sa mga "bagay bagay" you know! Engineer eh!" feeling ko alam ni Xian kung bakit siya ganito sa akin eh. Huhuhu! Bakit kaya?
"Siguro.. Sana.." tumungo ako kasi ayokong makita niyang umiiyak ako dahil miss na miss ko na siya.
"Wag kang umiyak, girl! Gusto mo ba yang beautiful face mo ay mukhang ruined paggraduate mo sa college hmmm?" sambit niya. Agad kong pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking mata.
Malapit na rin kasi ang graduation namin at sumabay pa iyon 26th birthday ko. Aish! Ayokong umabot ang pagkacold niya hanggang birthday ko!!
"Iyan, yung phone ko?" sambit ko.
"Eto oh.." abot niya ng phone sa akin.
Nakita ko na mayroong bagong messages dito.
My ♡ sent you a message.
Nang makita ko palang iyon sa notification ko ay napangiti na ako. Agad kong binuksan ang message na iyon at agad binasa ito.
"Everything, I'm sorry if nagiging cold ako these past few days.." basa ko ng malakas.. "I'm just preparing something that is very important. Matagal ko itong plinano kaya ay sana maintindihan mo kung bakit ako nagiging cold. Okay? I love you, Everything. 💙" basa ko sa text message niya. He used to call me "Everything" tuwing magtetext siya sa akin. Last month niya lang sinimulan ang pagtawag niya sa akin ng ganoon. Weird niya diba? Epekto ng pagkamiss! Hahahahaha!
BINABASA MO ANG
UNTIL THAT DAY
Teen FictionSimple. Astig. Maangas. Matalino. Maganda. Ayan si Maxine Davies. Nasa kanya na lahat ang traits ng hanap ng isang lalaki. Pero dahil bitter at walang alam tungkol sa love. Wala syang crush at mas lalo na ang boyfriend. Pero isang araw nag bago ang...