#17: Pretend Girlfriend

64 5 0
                                    

Maxine's PoV

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay DJ. Ngayong araw na 'to ang simula ng pagiging "pretend" girlfriend n'ya. Mahal na mahal pa kasi n'ya yung EX n'ya. Tsk, di pa makamove on. Madami pa namang ibang babae. Hays di bale na.

Kaming tatlo lang nila David, DJ at ako ang nakakaalam nito. Well, pag nalaman 'to ng iba. Especially, pag si Queenie. Boom. Kalat sa buong campus. Madaming magsasabing malandi ako. Well, okay lang naman sakin na masabihan non. Manhid na ako ngayon.

*toot toot*

Daniel
Susunduin na kita. I'll be there in 15 mins.

Maxine
Okay.

Goodluck nalang sakin. As his pretend girlfriend.

***

"Kailan ba ang dating ng "not so called" EX mo?" pagtatanong ko sakanya habang nagdadrive s'ya papuntang school.

"Mamayang 2 PM. Always act normal. Ayokong mahalata n'ya." sagot sakin ni DJ.

"Bakit ba kasi hindi ka pa rin maka-moveon sakanya?" pagtatanong ko kay DJ muli.

"Iba s'ya sa mga babaeng nakilala ko. Halos parehas kayo ng personality ni Sam. Palaban. Astig. Maangas. Matalino. Masayahin kahit sa loob mayproblemang bumubulabog sa feelings." pagpapaliwanag n'ya.

"So anong ibigsabihin mo?" pagtatanong ko muli.

"She's very unique and very special. S'ya yung ideal girlfriend na hinahanap ng isang katulad ko." seryosong paliwanag sakin ni DJ. Pagdating sa love, ganito pala s'ya kaseryoso?

"Ikaw ba, Maxine? Anong traits ng ideal man mo?" pagtatanong n'ya sakin.

"Uhhh yung simple lang pero malakas yung dating. Gentleman. Yung handang ibigay sakin lahat ng time nya. Gusto yung pinag eeffortan ako. At syempre MAHAL AKO." sagot ko kay DJ.

"We're here. Are you ready?" pagtatanong n'ya sakin.

"Ready for what?" curious na tanong ko.

"Na lokohin ang buong Mystic High na we're official." pabirong sabi ni DJ sakin.

"Hahaha! Ungas! Tara na nga!" matawa tawa kong sabi kay DJ.

Naglalakad na kami ngayon sa Gym ni DJ. Holding hands na bwisit kame ngayon. Of course kailangan naming magpanggap na "WE'RE OFFICIAL" kuno.

"Sh*t naiwanan ko yung bag ko sa kotse. D'yan ka lang Max. Kukunin ko lang ha?" sabi ni DJ.

Hays, napaka makakalimutin kasi kaya naiiwanan ang bag.

"Oh! Look who's here girls! It's Maxine Davies na nilandi si Daniel! Ang laswa! How dare you to steal Daniel's Heart!" inis na sabi ni Queenie na kasama ang kampon n'ya. Sinusubakan talaga ako eh noh?

"Tsk. Stupid sh*ts" sabi ko sakanila. Well totoo naman na isa silang MALAKING SH*T! What a mess. Tsk.

"Pakiulit nga ng sinabi mo?" inis na sabi ni Queenie.

"Bingi ka ba o sadyang hindi ka nag lilinis ng tenga? I said you,you and especially YOU are stupid sh*ts! Leche!" pagtataray ko sakanila.

Aambahan sana ako ng sampal ni Queenie nang...

UNTIL THAT DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon