#46: Forgiveness

26 3 0
                                    

Maxine's PoV

Kinabukasan pagkatapos ng kasal ay naggala-gala kami dito.

Parang resort kasi 'tong pinuntahan namin ni DJ.

Pumunta kami sa kakainan namin. Sabi ni Tita kapag daw bisita libre so ayon! Wala kaming kailangang gastusin!

"Grabeee! Ansarap ng pagkain dito!!!~" sambit ko habang nanguya-nguya pa. Napatawa nalang si DJ noong tumingin siya sa akin.

"Ba't ka natawa? Ha?!" nag-pout ako dahil punong-puno ang bibig ko noon. Lumapit sa tenga ko si DJ at mayroong binulong.

"Napaghahalataang amazona ka. Pffft..." hinampas ko siya sa balikat noong sinabi ko iyon.

"Joke lang.. Di ka mabiro eh..." sinabi niya iyon sa kalmadong tono at hinihimas himas niya pa ang balikat niya kung saan ko siya hinampas.

Loko kasi masyado eh..

Pagkatapos namin kumain ay naggala-gala muna kami sa resort. Maraming pools dito. May mainit, malamig ang tubig. May maliit at malaki.

"Max, si Andrea ba yon?" nakatingin siya sa pool na maraming tao at oo, si Andrea 'yong nakita niya.

"Napansin ko kasi kanina nakatingin siya sa direksyon natin." tumingin ako kay Andrea at oo, nakatingin nga siya sa amin. Creepy.

"Tara na, DJ." hinila ko papalayo sa lugar na iyon si DJ. Palayo na sana kami nang tawagin kami ng isang pamilyar na boses.

"Wait, Max!" napatigil kami pareho sa paglalakad sa pagkakatawag ni Andrea sa akin.

"A-andrea naman.. Matagal na iyong nangyari-"

"No. Max," hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tumingin sa mga mata ko. Anlaki ng pinagbago niya.. Yung mga mata niya ganoon na ulit yung itsura tuwing tumitingin sa akin.

"I'm sorry.. sa lahat nang nagawa ko sayo.. Sa mga mararahas kong ginawa sayo.. Sa pananakit sayo.. SORRY." nagulat ko noong diniin niya ang pagsasalita niya sa huling " sorry "

"M-matagal na kitang pinatawad, Andrea.." ngumiti ako ng malaki at ganoon rin siya.

"Thank you. Sige! Salamat, Max! Stay strong kayo, DJ ah!" napatawa nalang kami ni Andrea sa sinabi niya. I feel relieved dahil napatawad ko ang isa sa mga umaway sa akin. We need to move on to whatever happened to us. Natapos na eh, dapat hindi na iyon inaalala. Kinakalimutan na daoat ang mga bagay na dapat kalimutan. Katulad ng mga pag-aaway namin dati na nadaan pa sa patayan.

"Ambait mo talaga noh?" sambit ni DJ.

"Hindi ako mabait.. Understanding lang ako!"

"Pshhh? Paano mo nasabi?"

"Simple lang. Naintindihan ko sila kung bakit nila nagawa iyon tapos pinatawad ko kasi hindi nanaman kailangan alalahanin ang mga bagay sa nakaraan." umismid si DJ na ikinatawa ko.

"Hays, girlfriend ko talaga toh!" ginulo-gulo niya ang buhok ko at saka ako inakbayan.

Habang naglalakad-lakad kami ay biglang nagvibrate ang cellphone ko.

"Sino nanaman 'yang nagtext?" Nakatingin si DJ sa phone ko kahit hindi ko pa ito naoopen.

"Malay. Tingnan nalang natin." nagkibit-balikat ako.

Pagbukas ko ng phone ko ay si Queenie ang nag text.

Queenie:

Max.

Me:

Yea?

Queenie:

Papunta sila diyan ngayon... Pero wag na kayo magtago.

Nagkatinginan kami ni DJ dahil ayaw ni Queenie magtago kami.

Me:

Bakit?

Queenie:

"We" will come there to ask your forgiveness.

"Sila? Hihingin ang tawad natin?" Tanong ni DJ.

"Yup. Anong gagawin natin?" Sambit ko.

"Hays, I think... Oras nang patawarin natin sila.."

"Yeah.. Tsaka kailangan din nating ayusin ang families natin."

Medyo kinakabahan ako dahil anytime ay dadating na ang families namin.

It's time na rin na we'll give our forgiveness at ayusin ang dapat ayusin.

UNTIL THAT DAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon