Maxine's PoV
Matapos ang byahe sa EK lang pala ako dadalhin ni DJ "-.- Di bale na. Basta may pagkain.
"So gusto ko unang puntahan ay..."
"KAINAN!!!" masaya kong wika kay DJ. Tumakbo ako sa pinaka-malapit na kainan at 'yon ay sa tindahan ng Ice cream.
"Cookies and cream po sakin! Sa'yo DJ?" ngiting ngiti kong tanong sakanya. Bakit nga ba ako masaya? Nakatingin si DJ sa pinag pipilian habang yung kahera ay parang...
Kinikilig ba? Hala anyare kay ate?
"Ate, may mali po ba sa amin ng kasama ko?" pagtatanong ko kay ateng kahera.
"Ang cute n'yo po kasi.. Bagay na bagay po kayo hihi. Swerte n'yo Ma'am... Ang gwapo ng boyfriend n'yo." halos mapatalon ako sa sinabi ng kahera. BOYFRIEND?!
"BO-"
"Thank you, Ate. Strawberry po sa akin. Baby, ako na mag babayad hmm?" medyo seryosong wika ni DJ habang nakahawak sa bewang. Is he crazy? BABY?! Baliw ba 'to?
Binayaran na ni DJ ang mga Ice cream na binili namin at naka hawak parin s'ya sa bewang ko.
Nung nakaalis na kami dun sa nagtitinda ng ice cream ay inalis ko kaagad ang hawak n'ya sa bewang ko at tiningnan s'ya ng masama.
"Birthday ko naman eh.. Pagbigyan mo na ako, Baby?" pabirong wika ni DJ na kinainis ko naman. Sinapok ko s'ya sa braso n'ya sa sobrang pag kainis ko.
"Alam mo! Kahit kailan napaka amazona mo talaga!" inis na wika ni DJ habang hinihimas ang parte ng braso n'yang hinampas ko.
"Eh kung hindi ka ungas! Hindi ako magiging amazona!" inis na wika ko.
Hindi na s'ya muling sumagot pagkatapos non.
Naglalakad lang kami dito sa EK.
"Sakay tayong rides?" pangaalok n'ya saakin.
"Owkay?" patanong kong sagot kay DJ kasi alam kong may masamang plano s'ya.
"C'mon! Masaya 'to!" pagpipilit n'ya sa akin sa Rollercoaster.
Sumakay na kami at nilagay nayung mga kung anong... Ewan!
Sh*t kinakabahan ako! Bat ako umoo! Huhu, goodluck,Max!
"Afraid? Just hold my hand?" pangaalok ni DJ.
"Ako? Afraid? Tss! Hindi noh!" pagsisinungaling ko sakanya.
"Okay. If you're afraid feel free to hold it my friend." masaya n'yang sinabi. Ouch </3 MY FRIEND?
Nagsimula nang umandar ang rollercoaster.
Nagsimula ito sa mabagal at..
"OMYGHADDDDD DEEEJJJJJEYYYYYY POWTAAAAA WAHHHHHHHHHH TAENA DEEEJEEEEYYYYYY WAHHHHHHH UNGASSSSSSS PADSYUUUUUUUUU MAMATAY KANA MAMATAY KANA HUHU" patuloy kong pag sigaw sa rollercoaster.
Hinawakan ni DJ ang kamay ko upang hindi na ako mag iirit dito.
"Well, I think that made you feel better. Haha!" pabirong wika ni DJ.
Feeling ko namumula na ako ngayon. Kainin na sana ako ng lupa as in ngayon na! Huhu.
Agad agad akong bumaba sa pagkatigil palang ng rollercoaster. Napakaungas talaga ng lalaking yan kahit kailan!
"Bakit mo ba kailan gawin 'yon ha?" inis na wika ko kay DJ sa pag ka baba ng rollercoaster.
"To make you calm kasi nakakarindi ka? Ba't ka ganyan? Affected ka masyado eh. Tss." sagot pabalik sa akin ni DJ.
"D'yan ka na nga! Happy birthday, Sayo! Aalis na ako! Salamat sa treat! Leche. Hmpf!" irita kong wika kay DJ at lumabas na ako ng EK.
Hindi na n'ya ako pinigilan. Well, sino nga naman s'ya para pigilan ako?
Sumakay na ako ng jeep at nag bayad.
Tumigil si Manong sa kanto at nag sakay ng tatlong pasahero.
Yung lalaki parang naka drugs na ewan. Tss. Di bale na.
Nagulat ako sa ginawa ng lalaki dahil tinutukan n'ya ako ng baril at hinawakan n'ya ako sa bewang.
"Wag kayong kikilos ng masama kundi malilintikan sa akin 'tong babaeng ito?!" pananakot sa amin.
Sa tingin n'ya takot ako sakanya. Bwiset, makaluma na yan kuya.
"Kuya sa tingin mo ba? May mangyayaring maganda sa ginagawa mo?" pataray kong sinabi sa kanya.
"Manahimik ka! Kundi puputukan kita!"
Aba nag mamatigas to ah.
Nag simula akong mag adjust ng kaunti at inambahan na ng suntok ang holduper na 'to. Binayagan ko at sinipa ito sa tiyan. Kinuha ko ang baril sa kanya at tinutok ito sakanya.
"Ngayon, ibabalik mo yang mga kinuha mo o ipuputok ko to sayo?" akmang sabi ko sa lalaki. Hinagis nito ang mga gamit na kinuha at bababa na sana s'ya ng jeep ngunit may pulis na nakarating bago ang lahat.
"Job well done, Hija." sabi ng pu- DAD?!
"Oh Dad! Hihi uhhh Thanks... Ginawa ko lang ang tama." proud kong sinabi kay Dad.
"Manang-mana ka talaga sa akin anak. Sige ingat sa pag-uwi." nakangiting wika sa akin ni Dad.
Umandar na muli ang jeep at pinatuloy na ang byahe.
It wasn't a very good day at all. Maraming nangyari.
But still..
My life is so so unique that anyone can't regret that it is full of
Mysteries...
Happiness...
Madness...
AWESOMENESS..
And also..
SADNESS...
BINABASA MO ANG
UNTIL THAT DAY
Teen FictionSimple. Astig. Maangas. Matalino. Maganda. Ayan si Maxine Davies. Nasa kanya na lahat ang traits ng hanap ng isang lalaki. Pero dahil bitter at walang alam tungkol sa love. Wala syang crush at mas lalo na ang boyfriend. Pero isang araw nag bago ang...