Chapter 13 ( False Alarm )
( In Behalf of the Mafia Book 2: The Key of Fortune )
Written by: Sab_kitty
= Third Person's Pov =
Tiningnan ng mabuti ni Zyres yung lalaking tumutok sa kanya ng baril at sa mukha pa lang ng lalaki ay pamilyar na kay Zyres kung sino iyon. Bigla nalang may naalala sakanya si Zyres.
* Flashback *
" Bukod sa pagiging Gunner ni Cygnus may palatandaan din para malaman mo talaga na isa siyang Gunner... Look at his Gun. "
Nakita ni Zyres na may metal sa bandang shotage ng baril at sa gilid ng baril ay may logo ng Xanth.
" Yan ang lagi niyang dalang baril kaya isa rin yan sa palatandaan mo para makilala mo siya. "
* End of Flashback *
" Sabihin mo sakin kung sino ka kung ayaw mong iputok ko to sayo. " sabi ng lalaki kay Zyres na may pagbabanta na tono.
Tiningnan na muna niya ito at nakita niyang seryoso ito kaya tinapon niya yung baril niya sa lupa pero hindi pa rin ibinaba ng lalaki yung baril niya kaya itinaas ni Zyres yung dalawang kamay niya at nagsalita.
" I'm Zyres.. Ikaw ba si Cygnus? Or let me say the Gunner? "
Ibinaba ng lalaki ang hawak niyang baril saka nilagay sa bulsa nito at tumingin muna sa paligid at lumapit ito kay Zyres pero nagtaka si Zyres nang lalo pa itong lumapit sakanya kaya nagsalita agad si Zyres bago pa ito may magawang hindi maganda sakanya.
" I'm here cuz I need your help. "
Mukhang hindi pa rin ito natinag at lumapit pa kay Zyres na patuloy sa paghakbang paatras hanggang sa malapit nang magkalapit yung mukha nila sa isat isa kaya bago pa magdikit yung mga mukha nila ay agad umiwas si Zyres sa pamamagitan ng pag amba nito ng tulak pero hinawakan siya nito kaya buong pwersang tinulak niya ito at sinipa yung mukha niya at mabilis na kinuha ni Zyres yung baril sa bulsa ng sinasabing Cygnus at saka ito itinutok sakanya kaya napaatras ito habang hawak yung mukha niya pero napataas ng kilay si Zyres nang makita niya lang itong nakangisi.
" You know what? I found you awesome. "
" I have no time for a nonsense topic Mr. Elison. Gusto lang kitang makausap tungkol sa Xanth. "
Kinuha ni Cygnus yung baril na tinapon ni Zyres sa lupa saka inihipan na animoy may dumi rito.
" Wag mong itapon yung bagay na alam mong makatutulong sayo. " inabot nito ang baril ni Zyres kaya kinuha niya ito nang taasan baba siya nito ng dalawang kilay. Ganun rin si Zyres, binigay niya yung baril ni Cygnus na kinuha niya.
" Hindi ko ata nabalitaan na pupunta ka rito? " nakacross arm pang sabi nito at sumandal sa gate ng bahay nito.
" Hatered emailed you. "
" Aah talaga? "
Kinuha nito ang cellphone na nasa bulsa niya at napatango saka tumingin kay Zyres.
" Meron nga. " saka tumawa
" Are you sure that he's the Gunner? " mahinang sabi ni Zyres na kausap si Hatered sa kabilang linya.
" Oo siya nga bakit? "
" He looks stupid. " matabang na sabi ni Zyres pero nagulat siya nang lumapit sakanya si Cygnus na may seryosong mukha.
" I hear it. "
" That's good your not deaf. " at linabanan rin ito ni Zyres ng tingin nang biglang tumawa si Cygnus matapos sabihin yun ni Zyres samantalang napangisi naman si Hatered habang nakikinig sa dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/93931682-288-k445549.jpg)
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune
ActionBook 2 of In Behalf Of the Mafia