Chapter 17 ( Condition )

1.3K 35 3
                                    

Chapter 17 ( Condition )

( In Behalf of the Mafia Book 2: The Key of Fortune )

Written by: Sab_kitty

= Third Person's Pov =

Bzz. Bzz

Nagvibrate yung cellphone ni Zeal kaya agad niya itong kinuha mula sa bulsa niya lalo pa't inaabangan niya yung pagtawag ni Zyres at hindi nga siya nagkamali, kaya agad niya itong sinagot.

" Where are you? " yan ang bungad na tanong ni Zyres nang masagot na ni Zeal yung tawag.

" N-nasa Park malapit sa building namin. "

" Stay there.. Pupunta ako diyan. " sabi ni Zyres, hindi pa nga nakapagsalita si Zeal ay binabaan niya na ito ng tawag.

* Xanth Organization Main Quarter *

Naglakad si Zyres papunta sa Exit ng Quarter pero napahinto ito nang marinig niyang tinawag siya ni Hatered.

" Saan punta mo? "

" May kailangan lang akong puntahan. Kung lalabas na kayo rito wag niyo na akong hintayin, mukhang matatagalan pa ako. Dun na lang tayo magkita sa Hideout natin."

Gusto pa sanang magtanong ni Hatered pero mukhang hindi rin naman siya sasagutin nito kaya tumango nalang siya at nagpatuloy si Zyres sa paglakad hanggang sa makalabas na nga ito.

Habang nakaupo si Zeal sa isang Bench ay napatingin siya sa dagat na nasa harapan niya at bigla nalang niyang naalala si Zyres nang mga araw na lasing siya at ang unang beses na nagkausap sila ng matagal.

Naglalakad kasi si Zeal nong mga panahon na iyon at nag iisip. Hindi lang si Zyres ang may nakaraan sa Plaza na iyon kundi pati rin si Zeal dahil doon din niya unang nakita si Zyres na umiyak noong bata pa sila, tinanong niya pa nga ito kung bakit ito umiiyak pero agad lang pinahid ni Zyres yung luha niya gamit yung mata ni Zyres saka siya tinalikuran nito at nong makita niya ulit si Zyres sa Plaza na iyon ay ang pangalawang beses na nakita na naman niya itong umiyak.

Patuloy lang sa pagmamasid non si Zeal at hindi man lang siya nagpakita rito at sa nakikita niya mukhang lasing nga ito pero napakunot noo si Zeal nang makita niyang naghubad ito ng sapatos at lumapit sa dalampasigan. Inunahan niya ito kaya patakbong lumapit si Zeal kay Zyres at inaabangan niyang makalapit sa kanya si Zyres. Baka kasi may balak si Zyres na magpakamatay.

Nang maalala iyon ni Zeal ay bigla siyang napangiti. Kahit pala gaano pa ka lakas ng isang tao, may ipapakita rin palang kahinaan.

At isang salita lang ang nasa isip ni Zeal, ang Paligayahin si Zyres dahil naniniwala si Zeal na balang araw matatapos rin itong kalbaryo sa buhay nina Zyres at tanging suporta lang ang malaking bagay na maitutulong niya kay Zyres.

Natigilan sa pag-iisip si Zeal nang may marinig siyang mga yapak ng paa papalapit sa kanya kaya tiningnan niya yung taong papalapit sa kanya at si Zyres pala ito.

Hindi maipaliwanag ni Zeal yung nararamdaman niya na, sa hinaba ng panahon ay nakita na niya ulit ito at aaminin niyang masaya siyang makita itong buhay.

" Z-zyres.. " mahina pero puno ng masayang pagbati ni Zeal sa kanya at agad niyakap si Zyres. " I miss you. " banggit niya sa kalagitnaan ng pagyakap niya kay Zyres at hindi rin nagtagal ay kinalas din naman niya yung yakap niya rito.

" I'll bet, alam mo na siguro yung tungkol sa kapatid mo. Kaya gusto kitang makita dahil gusto kong sabihin sayo na tutulungan kita, namin. " pagtatama pa ni Zeal pero tipid lang na ngumiti si Zyres at tumango saka huminga ng malalim bago nagsalita.

" Can I ask something? " sabi ni Zyres na agad din namang sinagutan ni Zeal.

" Sure, Ano yun? "

In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon