Chapter 18 ( The Decision )

1.4K 39 11
                                    


Chapter 18 ( The Decision )

( In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune )

Written by: Sab_kitty

= Third Person's Pov =

" Kumusta yung pag-uusap niyo Zyres? " tanong ni Zeal sa kalagitnaan ng biyahe.

Ilang minuto na siguro yung lumipas at hindi pa rin sumasagot si Zyres kaya tiningnan niya ito at gaya pa rin kanina, tulala ito't malalim ang iniisip.

" Zyres? "

" ..... "

" Zyres.. "

" ..... "

" Zyres. " hinawakan ni Zeal ang balikat ni Zyres kaya natauhan ito.

" A-ano yun? "

" Kagabi ka pang ganyan. Bakit? May nangyari ba sayong masama? " nag-alalang tanong ni Zeal pero umiling si Zyres.

" Ah-- W-wala.. May iniisip lang ako. "

" Tungkol pa rin ba sa Auction mamaya? Wag kang mag-alala pag nasabi na nila, gagawin talaga nila kaya wag kang mabahala. "

" T-tama ka nga. " yan na lang yung lumabas sa bibig ni Zyres.

Yung totoo ay iniisip ni Zyres yung pinag usapan nila ni Gracia kagabi.

= Flashback =

" Ms. Xanth. Alam mo bang sa ginagawa mo, nagmumukha kang tanga? "

Inaamin ni Zyres na katangahan nga ang ginagawa niya ngayon pero ano bang magagawa niya. " I know.. "

" Pero bilib ako sa katatagan mo at yun ang nagustuhan ko sayo. Gagawin ko yung gusto mo Zyres ngunit sa isang kondisyon. "

Kahit anong kondisyon pa iyon ay ipinapangako ni Zyres sa sarili niya na gagawin niya iyon.

" Ms. Xanth.. I want you.. "

Binaba ni Gracia yung damit na hawak niya at nagpatuloy sa pagsasalita.

" ..to stay away to my Grandson. "

Parang natigilan si Zyres sa narinig niya at hindi makapaniwala sa sinabi nito.

" A-ano po? "

" You hear it right Zyres. Please hija, para sa ikabubuti ng apo namin, kung maaari lang layuan mo muna siya. " may halong pakikiusap na sabi ni Gracia pero gustong malaman ni Zyres kung bakit gusto nilang paglayuin sila ni Zeal.

" P-pwede ko bang malaman kung bakit? "

" Ayaw naming masaktan yung Apo namin dahil lang sa pakikipagrelasyon niya sayo na nasa ibang grupo at si Van, alam kong tutol iyon sainyo. Matigas ang ulo ng Apo namin at paniguradong mas pipiliin ka niya at babaliwalain niya yung pag-aari ng Zeus na sana sa kanya. Kaya sa halip na si Zeal yung gumawa, kung pwede sana ikaw na lang. "

Napababa ng tingin si Zyres. May parte sa sarili niya na gusto niyang umayaw pero nanaig pa rin sa kanya ang tungkulin niya at kung bakit siya narito.

Ayaw niyang magpakaselfish dahil buhay ng kapatid niya at nang Organization na binuo ng magulang niya ang nakataya rito at iyon ang dapat niyang unahin.

" Pag iniwasan ko na po ba si Zeal tutuparin niyo yung pangako niyo? "

Tumango si Gracia. " Tinutupad namin yung pangako namin Zyres dahil isang salita lang kami at hindi lang iyon. Plano naming panatilihin yung Organization na binuo ng magulang mo Zyres pero yung Zeus ang papalit sa Rank niyo, ayokong magtaka yung ibang Organization pag pinatili kong manguna pa rin yung Xanth at wala rin kaming balak alisin yung Organization niyo at ligtas na mapapabalik yung kapatid mo sainyo pero Zyres huwag kang pakampante. Mailap yung mga mata ng ibang tao at pag nakita nila yung kapatid mo na hawak niyo ay madadamay kami kaya mag ingat kayo. "

In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon