Chapter 20 ( Farewell Date )
( In Behalf of the Mafia Book 2: The Key of Fortune )
Written by: Sab_kitty
= Third Person's Pov =
" Zyres? Bakit ang aga mong gumising? " Inaantok pang tanong ni Phire sa kanya. Kakagising lang din ni Phire
nang maalimpungatan siya't nakita niyang nakabukas pala yung beranda ng kwarto niya. Madaling araw pa kasi at sinasabayan pa ng lamig sa paligid.
Kasalukuyan kasing nakikituloy muna si Zyres sa bahay nina Phire dahil alam niyang mainit pa yung dugo sa kanya ni Hatered. Pareho silang nasa beranda at napansin ni Phire ang layo ng tingin nito sa kawalan.
" I can't sleep. " yun lang ang sagot ni Zyres kay Phire na ngayo'y naghihikab
" Hay! Ang lamig! " tumingin ito kay Zyres. " You want coffee? Ipagtitimpla kita. "
Nakita niya itong tipid na ngumiti sa kanya saka tumango pero hindi pa rin siya tinitingnan nito.
Tumungo si Phire sa kusina nila at nagtimpla ng kape para sa kanilang dalawa. Alam ni Phire na maraming iniisip ngayon si Zyres kaya hahayaan niya muna itong makapag isip ng mabuti. Alam din kasi niyang hindi siya yung klase ng tao na bumabahagi ng saloobin niya at hindi open sa iba, kaya ang tangi sigurong maitutulong ni Phire kay Zyres ay ang maging sandalan niya muna sa ngayon.
Masakit mang-iwan pero mas masakit ang iwanan.
She don't want Zeal get hurt but that is the only thing that she could do para hindi maging mahirap sa kanila ang lahat.
Saksi si Zyres kung gaano nga siya kamahal ni Zeal at kahit ilang beses pa niya itong ipinagtatabuyan ay nandiyan pa rin ito sa tabi niya at handang tumulong mapasaya lang ito pero kung ang kabaliktaran naman ng kaligayahan nang dalawa ay ang pagtutol ng iba, siguro dapat ngang itigil ni Zyres kung anomang namamagitan sa kanila ni Zeal, pero iniisip pa lang niya ang magiging reaksyon nito ay nanghihina na siya. She don't want to hurt him or either leave him.
" Zyres.. "
Natigilan ito sa pag iisip nang marinig ni Zyres yung pagtawag sa kanya ni Phire na may hawak na baso ng mainit na kape.
" Buo na ba yung desisyon mo? "
" Y-yes.. " sagot ni Zyres saka humigop sa kape nito.
Phire rolled her eyes at binaling yung tingin sa kawalan.
" Liar! Inaamin kong mahirap basahin yung nasa utak mo Zyres pero ngayon sa nakikita ko kahit hindi ka pa magsasalita damang dama at kitang kita ko sa mga mata mo na hindi ka pa handa. "
" But I have to. I don't want to be selfis- "
" You're wrong Zyres. Because both of your decisions you choose to be selfish. Dahil sa both sides na iyon pareho silang nasasaktan. Bakit ba gusto mong sarilihin yung problema mo Zyres? Wala ka bang tiwala sa amin o.. "
" Ayaw mo lang kami maging sanhi ng problema mo. "
" No... you know how I valued those people around me Phire and yes I will accept it. Na selfish nga ako and I'd rather do the things that wouldn't harm you, with them. De bale nang ako yung maksakripisyo Phire dahil ako yung pumili ng daan na tatahakin ko at ayokong isa sa inyo ang mawala sakin. "
" Sa gagawin mo, wala bang mawawala sayo? How about Zeal Zyres. "
Natahimik si Zyres, hindi niya kayang makipagsagutan pa rito dahil totoo nga naman ang sinasabi ni Phire.
Zeal would no longer be a part of her life.
" Kaya Zyres-- "
" Please.. Just let me. " pagmamakaawa ni Zyres, ayaw pa niyang marinig ang hinain mula rito na lalong makapagdagdag ng konsensiya niya.
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune
AksiBook 2 of In Behalf Of the Mafia