Chapter 7 ( Training )

1.6K 55 2
                                    

Chapter 7 ( Training )

( In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of Fortune )

Written by: Sab_kitty

= Third Person's Pov =

Tiningnan ni Zyres yung kabuuan ng lugar kung san siya dinala nila ngayon. Para itong Compartment pero tanging mga upuan at mesa lang yung nandun.

" Nasaan tayo? "

" Ito ang Compartment namin Zyres habang wala pang makapagbubukas ng Headquarter ng Xanth at madalas ay dito rin kami nag-iinsayo o nagpupulong. "

Tama nga yung hinala ni Zyres, isa nga itong Compartment pero bakit hindi nalang sila pumunta sa Via Lactia nang sa ganun ay mabuksan nga nila ang Headquarter.

" Anong ginagawa natin dito? Bakit hindi nalang tayo pumunta sa Headquarter na sinasabi niyo total nasakin rin naman yung susi. "

Umiling si Hatered at hinawakan ang magkabilang kamay niya. " Gaya ng sinabi ko sayo Zyres. Hindi magiging madali iyon. Kaya tayo nandito dahil ngayon natin sisimulan  yung pagsasanay mo sa mga bagay na alam nang lahat ng myembro ng Xanth. May mga bagay na tinataglay ang isang tao lalo na kung bahagi ka na ng Xanth. Una, dapat lagi kang ALERTO Zyres. Wag mong hayaan yung sarili mo na isipin na napagiwanan ka na. Pangalawa, ang pagiging MANHID. Minsan kailangan mo ang bagay na yan dahil ang pagiging maawain mo ang magsisilbing kahinaan mo para talonin ka nila at mapatay. Pangatlo.. "

Inikotan ni Hatered si Zyres habang nakacrossed arm ito pero nakatutok lang si Zyres sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Hatered.

" TRUST! TIWALA Zyres, huwag mong ibuhos yung tiwala mo sa isang taong balang araw ay tatraydorin ka kaya lagi mong isipin na huwag kang basta-bastang magtitiwala sa mga taong makakasalubong o makakasama mo dahil hindi mo mapapansin na sinasaksak pa patalikod. " sabi ni Hatered na binulong malapit lang sa teynga niya

" Ibig sabihin, miski ikaw hindi ko dapat pagkakatiwalaan? " seryosong sabi ni Zyres at ngumiti naman si Hatered saka nagkibit-balikat ito.

" Its up to you Zyres. Diyan papasok ang pagiging MAPAGMASID mo. Sa pakikipaglaban sa kaaway mo at ang mga galaw ng mga taong nakapaligid sayo. Don't let your mind covered with doubt, dahil imbis na makapagconcentrate ka sa gagawin mo. Nadidisturbo naman yung utak mo gaya nalang ng nangyari sa magulang mo. They can fight those opponent pero iniisip nila kayo, na baka masaktan kayo't mawala sakanila at yun ang dahilan kung bakit hindi sila masiyadong makapafocus. I'm not blaming you on what happened Zyres dahil simula pa lang inasahan na nilang mangyayari iyon at ginawa ko lang yung halimbawa para lalo mong tatagan yung sarili mo at huwag magpadala sa kompetisyon dahil ang pakikipaglaban Zyres para lang yang Chess kailangan mong pag isipan bago ka gumawa ng hakbang. "

" And why you are saying this to me? "

" Dahil titingnan ko kung hanggan saan kaya ang pagiging mapagmasid mo. " seryosong sabi nito

Naramdaman ni Zyres na mukhang may gagawin si Hatered at tama nga siya dahil napansin niyang tiningnan ni Hatered yung tauhan niya ng makahulugan at tumango naman ito pagkatapos ay tiningnan siya ni Hatered at nagsalita.

" Be ready Zyres dahil nagsisimula pa lang yung insayo mo at sisimulan ko dito. "

Tinanguhan ulit ito ni Hatered at nakita nalang ni Zyres na papalapit sakanya yung tauhan niya kaya naghanda si Zyres. Mukhang alam niya kung anong mangyayari. They want a fight.

Naghanda si Zyres at tiningnan ang paligid nito apat lang sila at hindi niya alam kung makakaya niyang patumbahin ito lalo pa't sa tingin niya ay magagaling ito.

In Behalf Of The Mafia Book 2: The Key Of FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon