Chapter 8: The trio

19 1 0
                                    

Chapter 8: The trio

***

Lunch time. Ako na lang ang nagiisang tao dito sa room. Ayokong lumabas dahil ako na naman ang pagtitinginan nang mga estudyante sa labas. Nakayuko ako at nakadikit ang noo ko sa desk. Napakaraming nangyari sakin dito sa paaralan na ito. I've never been in this kind of situation before.

Kanina nandito si Logan. Natutulog tulad nang dati. Pero umalis na sya para maglunch. Sa tuwing nakikita ko sya I feel danger but its seems that it's changing. Something like... calm ang safe. Wait what?! Ano ba tong nangyayari sakin? Drug addict sya, panong naging safe yun? Gutom lang siguro to.

Inangat ko ang ulo ko at tumingala habang nakapikit. I'm so frustrated. "Fuck" sabi ko habang nakatingala padin.

Biglang may pumasok. Pero hindi ko pinansin. Hindi din ako dumilat para tingnan sya. Pero dahil sa sinabi nya bigla akong nagulat dahilan para mapadilat ako.

"You know how to annoy people." Sabi ni Logan habang may hawak nang dalawang tray nang pagkain. Dumeretcho sya sa desk ko at inilapag ang pagkain.

"What are you doing?" Sagot ko habang nakatingin sa kanya. Napatigil sya sa pagayos nang pagkain at tumingin sakin.

"Naghahain. Hindi ba halata? Kumain kana. Alam kong ayaw mong lumabas dahil ikaw ang balita ngayon. Kaya binilan na kita." Sabi nya at ginulo ang buhok ko.

"I don't need this" sagot ko.

"You need this"

"Leave me alone"

"Eat with me" utos nya. Bigla akong natakot sa tono nang boses nya. Kaya wala akong nagawa.

"Okay" sagot ko at ginalaw ang pagkain na nakahain sa harap ko.

Namayani ang katahimikan samin habang kumakain. Minsan nagsasalita sya pero hindi ko pinapansin. Nakakahiya man pero kailangan kong bilisan sa pagubos nang pagkain ko. Baka makita nila kami na kumakain dito sa loob nang room.

"We must hurry" sabi nya na bumasag sa katahimikan.

"I know" sabi ko at tinapos ang pagkain.

Nang matapos sya kumain ay linigpit nya ang pinagkainan namin. Tumulong ako pero hindi nya pinansin. Siguro inaasahan nya ang gagawin ko.

Lumabas sya na dala ang pinagkainan namin. Tiningnan ko sya habang naglalakad papalabas hanggang mawala na sya sa paningin ko. Naghanap ako nang pwedeng pamunas sa lamesa ko. Pero wala akong makita.

Pero hindi pa ako nakakaupo ay may nakita akong panyo na nasa sahig. Kinuwa ko yon at linagyan nang konting pabango saka pinunas sa lamesa ko.

Masyadong pabaya ang may ari nang panyo nayon pero wala akong pake kung makita nya na marumi ang panyo nya. Pagkatapos ay tinapon ko na ang panyo sa basurahan sa likod nang room.

Dali dali akong pumasok sa room dahil nagsisibalikan na yung mga ibang estudyante sa ibang room. Pero hindi pa ako nakakapasok ay biglang tumunog ang phone ko. I look at the profile of the subscriber. Then I see the name of my mother.

"What's up Mom?" Tanong ko at tinuloy na ang pagpasok ko sa room.

"Hindi kami uuwi mamaya, baka bukas nang tanghale kami makauwi." Sabi nya sa kabilang linya.

"Why? Where are you going?" Tanong ko.

"Uhm, makikipag meeting kami sa mga Ford. Its a business trip my daughter" sabi nya.

"Okay, hanggang dito na lang. Bye" sabi nya sabay patay nang phone nya.

Magisa na naman ako. Lagi na lang. Bakit hindi ka pa masanay Vhea? Laging ganyan ang ikot nang buhay mo. Bakit hindi ka masanay?

Saved by an addictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon