Chapter 2: Logan Ford
***
Lunch na. Umalis na ang mga kaklase ko. Ako na lang ang tao dito. Tumayo ako at inayos ang sarili ko bago lumabas.
Maganda naman sa school nato. Kaso masyadong mapili ang mga guro. Sila ang mamimili kumg sino ang gusto nilang advisory class. Bukas na nga pala magsisimula ang paglibot ko sa school at malaman ang lahat tungkol sa bawat sulok ng school nato. Kahit rules ay bukas ko na malalaman. May magti-trip daw sakin. Pero di ko alam kung sino. At kung sino man sya sana matagalan nya ang ugali ko.
Lumabas ako ng room. Paglabas ko may nakabangga sakin na lalake. Halos matumba ako pero iniwan nya lang ako na para bang walang nangyare. Damn him.
"Are you blind? Or dumb?" Naiirita kong tanong.
Huminto ang lalake na nakapamulsa. Kala naman nya matatakot ako sa kanya. Tumingin sya sa akin. Sinamaan nya ako tingin. pero sorry hindi tatalab sakin yan.
"Sorry ah? Pasensya na kasi NABANGGA kita. Stupid" sarcastic kong sabi.
Medyo napanganga sya sa sinabi ko. Anong pake ko. Kahit anak ka pa ng presidente ng Pilipinas hindi kita uurungan. Inirapan ko sya at tinalikudan ko. Hindi ko alam kung nakatingin padin sya pero wala akong pake. Then it hit me. May nanunuod samin. Ang mga mata nyang parang bored na bored sa buhay, ang magulo nyang buhok, ang kamay nyang nakapamulsa ang isa at ang isa ay inaayos ang butones ng kanyang polo. Logan Ford.
Nakatingin sya sa akin. Deretcho. Ni wala man lang balak itago ang tingin nya. God. This place is full of bunch of fucked up people. Linagpasan ko lang sya at hindi pinansin. Pero pagkalagpas na pagkalagpas ko sa kanya may sinabi sya. "Nice. Good luck." Sabi nya sa mahinang boses. It was just like a whisper in the other way.
Pero hindi ko pinansin ang sinabi nya. I dont care. Good luck? Saan? Psh. Kala naman nila maguguluhan ako sa mga taong gaya nila. Kung hard-to-get sila pwes hindi ako magsasayang ng oras para lamang alamin kung anong ibig sabihin nila. No way.
Pumunta ako sa miniresto ng school nato. Masasarap ang pagkain nila dito. Pagpasok ko biglang may tumawag sakin mula sa labas.
"Miss Vhea?" tanong ng isang lalake.
"What's your problem?" Iritable kong sagot.
Medyo natigilan sya at nahiya dahil sa sinabi ko.
"May nagpa-pasabe p-po sa inyo na m-magiingat ka daw mamayang u-uwia-an." Sya sabay takbo.
May toyo ba sya? Mga baliw ata mga tao dito. Pero kung baliw sila, Im better.
Hindi ko pinansin kung ano yung sinasabi nya. Sino nagpapasabi?-tss. mukang alam ko na ata. Hindi ako ganong kabobo para hindi malaman kung sino nagpapasabi nun. Si Logan.Bakit naman? Kase ba dahil sa ginawa ko dun sa jerk na nakabungo sakin. Psh. Who care.
Umupo ako malapit sa glass window. Maya maya pa may lumapit sakin. Waiter. "Miss here's a menu" sabi ng babae sabay bigay sakin ng menu.
Nang makapili ako ay binigay ko yung swipe card ko. Umalis sya at nakita kong medyo kakaunti lang ang pumupunta dito. Karamihan ay mga teachers o taga Special section. Nakita ko din na pumasok yung jerk kanina pero this time may kasamahan sya. I just rolled my eyes. Hinintay ko yung order ko. Pagkabigay ay kumain na ako.
Binilisan ko ang pagkain kahit mahaba pa ang bacant time namin. Naaalibadbaran na kase ako sa mga tingin ng jerk nayun at mga alipores nya. Siguro pinaguusapan nila ako pero I dont care.
BINABASA MO ANG
Saved by an addict
Short StorySa mundong ginagalawan nya lahat ng tao lulong sa pera. Wala nang mas hihigit pa sa kanila ang halaga nang pera. Kaya't ganyan ang ugali nya. Maldita, masungit, maarte, pero iyakin. Sabik sa pagmamahal ng isang magulang. She is Vhea Kingsley. A girl...