Chapter 18: Clutches
***
Nakatingin lang ako sa ceiling ng kwarto ko habang nakahiga sa kama ko. Halos madaling araw na pero hindi parin ako makatulog. Masyadong madami akong iniisip ngayon.
Some people come and go but memories stay forever.
Hindi ako mapakali dahil kay Matt. Ako ang dahilan kung bakit sya nagbago pero ako din ang dahilan kung bakit sya bumalik sa dati at mas malala pa. Kainis
Kanina nalaman ko na si Senior Marga muna ang papalit dahil ang kapatid nyang si Senior Delia ay nasa Bicol. Kaya pansamantala ay dito muna sya.
Nalala ko din yung papeles na nakita ko sa kwarto nila Mom. Nakabukas kasi yung pinto kaya sinilip ko kung nanduon na sila. At nakita ko yung papeles ng marriage contract. Nalito ako dahil hindi ko alam kung para saan yun. Pero may hinala ako na masama. At sana naman ay hindi mangyari ang kinatatakutan ko.
Sumagi sa isipan koang Frost Group. Sabi nila Aubrey at Jade ay nakulong na daw sila kaya wala na kami dapat pang ipagalala.
Umupo ako sa gitna ng bed ko at nahilamos ang kamay ko sa muka ko. Gulong gulo na ako. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa punto na ito. Maayos ang lahat bago ko makilala ang dalawang lalaki na nagbago ng pananaw ko. Kung matatawag mo na maayos ang ugali ko noong una.
But I feel happy because they proved that all people deserve a second chance. That there is always a greatest pleasure in every moment we take. That there is alway happiness. Sometimes you just need to find it with someone can help you.
Nalala ko yung oras na hiniwalayan ako ni Jovi. Sa gitna nang ulan at madilim na paligid. Hawak hawak nya ang itim na payong at nakatayo ako sa harap nya.
"Why do you need to do this to me?" Halos singhal ko sa harap nya. Masakit isipin na halos magdadalawang taon na kaming magkasintahan pero bigla na lang nyang naisip na makipaghiwalay sakin. Akala ko mahal nya ko.
"Sometimes there are question that are meant to be left unknown. Because it will kill you emotionally, so please Vhea. Stop crying." Sabi nya.
"Please... dont leave me..." pagmamakawa ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso nya para pigilan ang pagalis nya. Pero wala na akong nagawa. I did my best but its not still enough?
"Im sorry" huling salita nya bago nya ako iwan sa gitna ng kawalan habang madilim at umuulan. Hindi ako sigurado kung luha ba o patak ng ulan ang tumutulo sa muka ko.
Lumuhod ako at yumuko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong manakit dahil sa galit at sakit. Kinuyom ko ang palad ko at tahimik na umiyak. Nakita ko ang bracelet na binigay nya sakin kasama ang kwintas na binili nya sa anniversary namin. Nasa kanya ang kwintas ay sakin tong bracelet. Hindi ko alam kung pano matagal to pero pilit kong inalis. Hanggang sa nasanay na ako na habang buhay na ito sa kamay ko.
Pinunasan ko ang luhang di ko akalain na umagos sa pisngi ko. Pilit kong kinalimutan ang mga alalang iyon. Humiga ako at pumikit. Hinyaan kong makatulog ang sarili ko. At sa muling paggising ko ay di ko akalain na pwedeng magkatotoo ang hinala na matagal ko nang gustong layuan.
---
Napabalikwas ako sa pagtulog nang marinig kong may kumakatok sa pinto ko. Tinignan ko ang orasan ko at mabilis na bumangon para pagbuksan ang kumakatok.
Bumangon ako sa kama ko at binuksan ang pinto. Nakita ko si Mom sa harap ko, nakatayo at tinitingnan ako na para bang naaawa sya. Whats wrong?
"Mom?" I said under my yawn.
"Dear, wag ka sanang magagalit. We're doing these for you. Come with me" sabi nya sa mahinahon na tono.
Kumunot ang noo ko pero hindi na ako muling nagsalita. Sinunod ko na lang ang sinabi nya at tahimik na bumaba sa hagdan kasunod nya. Nakarating kami sa sala. Nandoon si Dad at nakaupo sa sofa at tahimik na naghihintay.
Umupo si Mom sa tabi ni Dad. Ako naman ay umupo sa tapat nila. Walang emosyon kong hinintay ang sasabihin nila.
Tinignan ko sila ng deretcho sa mata. Walang emosyong makikita.
May inilabas si Mom mula sa kanyang attaché case. Mga papeles— papeles na nakita ko sa loob ng kwarto nila. What the fuck?
Linapag nya sa mesa ang papeles. Marriage contract. Yon ang basa ko sa isang papel na nakapatong. Tinignan ko ang bawat nakasulat sa manipis na papel. Hindi na ako nagulat. Matagal ko nang naisip na maari itong mangyari.
"A single sheet of paper can't decide my future" sabi ko sa harap nila. Nanaig ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Tiningnan ko muli sila ng deretcho.
"Weather you like or not. You will marry the boy of my choice" matigas na sambit ng Dad ko. Walang mababakas na reaksyon sa kanyang muka. Matamang nakatitig sa akin. Habang si Mom ay malungkot na nakatitig sakin na para bang sinasabi na 'Im so sorry'
Pilit kong hindi pinansin ang reaksyon ni Mom. At hinyaan na bigkasin ang matagal ko nang gustong sabihin.
"Daddy, I'm tired of being toy, being decorator. I really want to apart my life once. Please Dad, dont do this."
Sa hindi inaasahan na segundo, tumulo ng sunod sunod ang aking luha. Tila ba naguunahang makapunta sa ilalim ng aking baba. Tahimik akong tumangis habang dahan dahan na tumatayo ang magulang ko at tinignan ko ang papel kung saan nakasulat ng tuluyan ang magiging daan ng aking buhay.
How can they do these to me? How can I get what I want if they fucking clutches my life?
Napayuko ako at tahimik na humikbi. Kay daming nangyari nitong nakaraan na hindi kanaisnais. Bawat problema ay hindi ko naisipan na patayin ang sarili ko. But now? Now that my life was almost not mine. Halos hindi na sakin tong buhay ko. Ngayon ko pa ba uurungan ang kamatayan? Ngayon pa ba ako matatakot?
---
Maaga akong umalis ng bahay namin. Sinadya ko talagang agahan ang pagpasok ko. Bumaba ako ng sasakyan namin at ng makaalis na ang sasakyan namin ay naglakad ako sa hallway ng Jefferson high. Halos ako palang ang nandito. Mayroon din na mga janitor at mga teacher na maagang nagahahanda sa araw na ito. Mayroon ding maagang estudyante dito.
Linagpasan ko ang room namin. Dumeretcho ako sa Mapeh garden. Alam ko na bawal ang gagawin ko pero gusto ko ng tahimik na lugar dahil kung hindi ay mababaliw ako sa mundong ginagalawan ko.
I want to escape this fucking world.
Nakarating ako sa hardin na puno ng bulaklak at puno na magaganda. Umupo ako sa isa sa mga bench at tahimik na pinanood ang mga ibon na natutulog.
Napansin ko na may mga papel na nakadikit sa bawat sulok.
Royal ball for grade 12. On friday night. Bukas na pala. Hindi pala ako updated, nakakatawa.
Every move I take needs to be known by my parents. Lahat kailangan alam nila. They are was so manipulative and Im fucking tired because of that.
They clutches my life. Now suck it.
***
BINABASA MO ANG
Saved by an addict
Short StorySa mundong ginagalawan nya lahat ng tao lulong sa pera. Wala nang mas hihigit pa sa kanila ang halaga nang pera. Kaya't ganyan ang ugali nya. Maldita, masungit, maarte, pero iyakin. Sabik sa pagmamahal ng isang magulang. She is Vhea Kingsley. A girl...