Chapter 5: Asthma
***
nakaupo lang ako ngayon sa loob nang room habang hinihintay ang oras nang PE. Naalala ko kahapon. Yung lesson namin tungkol sa family. Hindi na nila ako tinanong tungkol sa family ko kung bakit ganun ang sagot ko. Dahil halata naman. Bitter feud. Hindi yun ang gusto kong isagot. Gusto ko yung 'Nonsense' dahil yun naman talaga eh. Walang kwenta ang pamilya namin especially my parents.
kakatapos ko lang kumain sa resto. Nakita ko si Matt na tiningnan ako buong oras nang pagkain ko. Byernes na. Last day. Ibig sabihin PE namin ngayon. Nakalimutan kong dalhin yung inhaler ko. May hika kasi ako. Hindi alam nang magulang ko na may hika ako kasi puro pera ang inaatupag nila. Nakuha ko yung hika sa pagka-exposed sa usok dito sa highway.
Ilang sandali pa ay pumasok na yung mga ka-klase ko. Siguro malapit na ang klase. Nakita ko si Alfie na naka-akbay kay Rain. Ang sweet nila. Sarap siguro magkaroon nang taong handang magmahal sayo nang tunay ano? Kahit kailan hindi ko maranasan ang ganyan. Nakita kong nakatingin sakin si Alfie na nakangiti. Tinabig nya si Rain na para bang inuutusan na tumingin din sakin. Kinawayan nila ako at nginitian pero inirapan ko lang sila. Feeling close ang putek. Hindi ko sila pinansin at inirapan ko lang. Tumawa si Rain sa ginawa ko sa kanila. Ano bang nakakatawa? Psh.
Pumasok sa room si Logan. Bored na mata, magulong buhok, kamay na nakapamulsa, kung maglakad ay parang sya lang ang taong dadaan. Siguro seryoso at wagas magmahal si Logan dahil hindi sya magkakaganyan kung hindi nya mahal si Mia.
Nakita kong nagsipasukan na lahat nang classmates ko at pumunta sa kani-kanilang proper seat. Pumasok na si Ma'am Sacdalan. Isa syang Mapeh teacher at guidance councilor. May shoulder length na buhok na medyo kulay brown at black eyes. Natural na mapula ang labi nya at medyo chubby at maliit ang height.
Linagay nya ang ilang dala nya tulad nang notebook, record, libro, wallet at lapel. Masayahin si Mrs Sacdalan pero istrikto. Pinapahiya nya ang tao kung karapatdapat.
Ngumiti muna sya at tinignan kung nasa proper seat kami. Agad na tumabi sakin si Alfie. Nanduon kasi sya sa isa nyang katropa malapit sa upuan ni Logan. Tumingin sakin si Alfie at ngumiti.
"Hi, Ms. Kingsley" bati nya. I just rolled my eyes at tumingin kay Mrs. Sacdalan.
Nang matapos nang magcheck si Mrs. Sacdalan ay kinabit nya ang lapel sa bewang nya at ang micromike ay sa tenga nya.
"Good afternoon Special section" bati nya sa napakalakas na boses na dulot nang lapel.
"Good afternoon Mrs. Sacdalan" sambit namin nang sabay sabay.
"Okay siguro alam nyo na may PE tayo ngayon ano? Ihanda nyo ang inumin nyo at panyo saka lumabas nang tahimik duon tayo sa court magpi-PE." Maliwanag na sabi ni Ma'am.
Kinuwa ko ang pera ko at panyo. Bibili na lang ako kapag nauhaw ako.
Lumabas ako nang room kasabay ang ibang classmate ko. Si Logan naman ay nakita ko na nasa hulihan. why am I so aggresive when it comes to Logan?
naka labas kami nang room at si Ma'am ay nasa hulihan. Si alfie naman ay nasa tabi nang kanyang ka-tropa. Si Logan ay nasa huli parin. Medyo kinakabahan ako sa ipapagawa samin ni Ma'am siguro physical activity. Pano na lang pag sinumpong ako nang hika? Sino ang tutulong sakin? hindi ko pinahalata sa mga katabi ko ang kabang nararamdaman ko.
Nang makarating kami sa court ay may line ito na parang pangrace. May mga meassure line sa sementadong sahig. At may mga nakasabit na plug mula sa puno. hinati kami sa apat na grupo. Since 32 lang kami sa klase kaya tag-walo ang bawat grupo. Kagrupo ko si Logan. Taga group 2 kami. Si Alfie ay sa 4.
BINABASA MO ANG
Saved by an addict
Short StorySa mundong ginagalawan nya lahat ng tao lulong sa pera. Wala nang mas hihigit pa sa kanila ang halaga nang pera. Kaya't ganyan ang ugali nya. Maldita, masungit, maarte, pero iyakin. Sabik sa pagmamahal ng isang magulang. She is Vhea Kingsley. A girl...