Chapter 20: Last Chapter
***
Third person point of view
AFTER 7 MONTHS...
Pitong buwan na ang nakalipas at hindi parin nagbabago ang lagay ni Vhea. Pitong buwan narin syang nakaratay sa pribadong silid ng ospital. Lahat ay nagbago. Maraming nagbago.
Noong araw ng promenade ay sa hindi inaasahang pangyayari, si Vhea ay nagtangkang magpakamatay kaya magmula ng ipasok sya sa hospital na ito ang lahat ay nagbago.
Ang magulang nya na dating walang oras sa kanya, ngayo'y araw araw na binabantayan ang walang malay na si Vhea. Hindi na nila itinuloy ang kasal. Si Logan, araw araw syang dumadalaw kay Vhea para tignan kung kamusta na ang lagay nya.
Si Matt. Tatlong beses syang pumupunta sa ospital upang dalawin si Vhea. Ang dating basagulero at addict, ngayon ay nangunguna na sa klase.
Madaming nagbago. ngayon ay nakakasigurado na sa muling paggising nya ay matutuwa dahil kahit papano, may magandang naidulot ang pagpapakamatay nya.
Hindi nawawalan ng tiwala ang pamilya Kingsley at mga kaibigan nya na muling babangon si Vhea. Kahit ang doktor na mismo ang nagsabing, kaunti ang tyansa na mabuhay syang muli dahil sa lakas ng pagbagsak nya sa bato at pagkalunod.
Pumasok sa tahimik na silid si Logan at ang kaibigan nyang si Matthew. Oo nga pala, dati silang magkaaway pero napagtanto nila na isa sila sa mga dahilan kung bakit nangyari ito kay Vhea.
"Vheabiya, hindi ka pa ba gigising?" Masayang sabi ni Matt. Ngumiti na lang sya dahil alam nya na sa araw araw na pagtanong nya ay maaring hindi na sya sagutin nito.
---
Gabi. Halos madaling araw na ng maalimpungatan si Logan na nakayukyuk sa tabi ni Vhea. Maging ang mga magulang ni Vhea ay nagising din dahil sa kakaibang tunog nang makinang nakakabit sa katawan ni Vhea.
Lumiwanag ang salid. Napatingin sila sa katawan ni Vhea. Naiba ang pwesto. Sa una ay nagtaka sila. Maging si Logan ay nagtataka dahil hindi naman nya hinawakan si Vhea.
Ilang sandali nang pagtitig nila kay Vhea ay unti unting dumilat ang mata nya. Gumalaw ang kamay nya at inilipat ng pwesto.
Hindi makapaniwala ang tatlo. Pumikit muna sila nang sandali at nang makumpirna ay biglang yumakap sa kanya ang ama nya. Yinakap sya nito habang umiiyak.
"I... Im alive?" Tanong nya sa di makapaniwalang tono.
Halos mabasa ang damit ni Vhea dahil sa luha ng magulang nya. Maging si Logan ay hindi napigilang maging emosyonal dahil dumating na ang pinakahihintay nya.
Kumalat ang balita at agad na napuno ang silid ng mga kamaganak, kaibigan, kaklase, at guro ni Vhea. Labis ang kanilang tuwa dahil sa muling pagbangon. Ang buong akala ni Vhea ay wala na sya sa mundo.
Because every one deserves a second chance.
***
Authors note: So in these chapter has a short content. Im sorry, ito lang kasi nakayanan ko. pero may epilogue pa. Doon na lang ako babawe. And also thank you for all of your support. And last, After this story, Ill make a new story. About Bermuda Triangle ang Megalith Stones. If you were familiar in that historical places well im sure that you will adore these two.
So after all, thank you!
BINABASA MO ANG
Saved by an addict
Cerita PendekSa mundong ginagalawan nya lahat ng tao lulong sa pera. Wala nang mas hihigit pa sa kanila ang halaga nang pera. Kaya't ganyan ang ugali nya. Maldita, masungit, maarte, pero iyakin. Sabik sa pagmamahal ng isang magulang. She is Vhea Kingsley. A girl...