Saved by an Addict: Epilogue

22 1 0
                                    

Saved by an Addict: Epilogue

***

Lahat ng tao may karapatang magbago. Lahat tayo may karapatang sumaya. Lahat tayo may karapatan na humusga at husgahan. Lahat ng bagay nagbabago. Walang forever daw sabi nila. Minsan nga natatawa na lang ako. Kay daming problema na nadaanan ko at tingnan mo, eto ako ngayon. Matapos ng lahat ng pagsubok ay nandito parin ako. The stupid first meting with Logan and Matt. The drug given by Matt. The feud between me and my family. The deal with Frost group. The time I almost lost Logan. And so on. Hindi ko inakala na malalagpasan ko lahat ng yon. Sadyang kailangan lang talaga ng tapang at pagasa.

Napitlag ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko ang tatlong babae na kahit paano ay nanjan sa tabi ko noong oras ng dilim. Sina Mia, Aubrey, at Rain.

They look so well. Mga nakaayos din tulad ko. Nakasuot ng mga mamahaling gown. At nakangiti sakin. A smile that I always wanted to see.

"Oh my goodness! We are Goddess" halos sigaw ni Aubrey. Napangiti ako at sila ay pumasok sa kwarto ko.

Yinakap ako ni Rain. Tila gusto nyang umiyak dahil sa mahabang panahon, muli kaming nagkita. Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako.

"We miss you so much" aniya.

Sumunod ay si Mia. Marahan nya akong yinakap at agad ding humiwalay. She smiled at me and rub her hand onto my shoulder like a mother.

"Feel free Vhea. You are free already" muli ay narinig ko ang mala anghel nyang boses. Sa tuwing iniisip ko ang mga diwata o mga fairy, sya agad ang una kong naiisip. Siguro talagang perpekto sya.

Ang huli ay si Aubrey. She smiled. How I miss her smile. Yinakap nya ako ng mahigpit. Mga kalahating minuto ata kaming magkayakap. I felt happy whenever I saw them smiling. Lumuwag sya sa pagkakahapit sakin. She stared at me so solemnly.

"Subukan mo pa ulit na gawin yun" banta nya tsaka bigla syang tumawa. Halos takpan ko ang tenga ko dahil sa tinis ng tawa nya. Napatawa din sila Mia at Rain kaya natawa nadin ako. Napatigil kaming lahat nang bumukas ang pinto. Nakita ko si Mom. Maging sya ay nakaayos sa gabing ito. Pinagmasdan nya ang tatlo na para bang humihingi ng paumanhin at kailangan nya akong kausapin

"Okay Vhea. Labas muna kami ah. By the way, Happy 18th birthday!" Sambit nila.

Lumabas sila at pumasok naman si Mom. Isinara ni Mom ang pinto at lumapit sakin.

Tinignan namin ang isa't isa sa mahabang salamin habang sya ay nakatayo sa likod ko at ako ay nakaupo.

"Isang malaking biyaya na bumalik ka samin anak. Maraming salamat at binigyan mo kami ng pangalawang pagkakataon" sabi nya sa pinong boses.

Ilang saglit pa ay may manipis at malamig na metal ang dumikit sa balat ko. Isinuot ni Mom ang kwintas mula sa likuran. Matapos ay hinawakan nya ang braso ko saka marahang ngumiti.

"Feel free Vhea" aniya saka naglakad papunta sa pinto at umalis.

Ilang minuto ang lumipas ay naging tahimik uli ang kwarto. Oras na. Oras na at magsisimula na ang kasiyahan. Its my 18th birthday after all. It my debut so maybe I need to enjoy sometimes.

Lumabas ako at mabagal na naglakad hanggang sa makarating sa malaking pasilyo. Rinig ko na ang mga yabag at tawanan ng mga tao. Mga champagne na tumutunog. At nang makarating ako sa malaking pinto. Huminga ako ng malalim at dahandahang binuksan ang higanteng pinto.

Nasilaw ako sa liwanag kaya kailangan kong dumilat ng ilang beses para maiadjust ang paningin ko. Natahimik ang paligid. Ilang sandali pa ay biglang may yumakap sa akin si dad. Yinakap nya ako ng matagal na para bang matagal silang nawalay sakin.

Saved by an addictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon