Chapter 9: Deal
***
M I A B E N N E T T
Nagising ako dahil sa pagakatok sa pinto ko. Umagang umaga nambubulabog. Tinakpan ko ang muka ko na nasisinagan nang araw. Pero hindi parin tumigil sa pagkatok ang nasa labas nang kwarto ko. lumakas nang lumakas ang pagkatok na para bang nangiinis.
"KUYA!" sigaw ko sa kumakatok.
"Wala kayong pasok ngayon sabi ni Daddy. May sakit daw ang teacher nyo" sabi nya na para bang natutuwa na naiinis ako sa gawa nya.
"Umaga na Mia. Bumangon ka na dyan. Marami pa akong tatanungin sayo." Sabi nya at pilit binubuksan ang pinto nang kwarto ko.
"Oo na. Oo na. Sigi na alis na." Sagot ko.
Bumangon ako sa kama ko at tiningnan ang orasan. 8:11 am. Buti na lang walang pasok ngayon. Sumakit ang ulo ko kahapon. Speaking of kahapon bigla kong naalala ang mga nangyari kahapon. Wala akong kaalamalam na mag-EX pala sila Kuya Jovi at si Vhea. Ang liit nga naman nang mundo ngayon no?
Sa totoo lang ang nagiisang dahilan kung bakit iniwan ni Kuya si Vhea ay dahil nalaman nya na may ka-arrange marriage sya. Doon nya nalaman na kung sino ang papakasalan nya balang araw. Kahit ayaw nya na hiwalayan si Vhea ay ginawa nyang dahilan ang droga para hiwalayan sya ni Vhea. Alam kong mahal ni Kuya si Vhea pero ayaw nyang saktan si Vhea kaya mas minabuti nyang hiwalayan ito nang mas maaga. Sinabi nya lahat yon sakin kahapon pagakaalis ni Vhea
Bumangon ako sa kama ko at dumeretcho sa banyo para gawin ang morning routines ko.
Pagkalabas ko sa banyo ay inayos ko ang higaan ko at lumabas na sa kwarto. Pagkalabas ko sa kwarto ko ay dumeretcho ako sa sala. Nakita ko si Mom na nagluluto at si Dad ay nagbabasa nang dyaryo. Si kuya naman ay nanunuod nang tv.
"Good morning!" Sabi ko sabay ngiti. tumingin sakin si Mom at kumaway. Si Kuya naman ay hindi ako pinansin. Alam na alam nya kung pano manginis nang tao.
"Here's my girl" sabi ni Dad at sabat yakap sakin. Umupo ako sa dining table at binuksan ang phone ko.
May text pala si Matt sakin. Hindi ko man lang napansin. Ni-tap ko ang bar ng text.
'Mia magkita tayo mamayang 10:00. Bye.'
'Okay' reply ko at saka pinatay na ang phone ko.
"Mom nagugutom na ako." Reklamo ko sabay pout.
"Kelan ka ba nabusog" sabi ni kuya. Actually hindi yun tanong kundi pambubuska.
"Epal mo kuya. Palibhasa kasi payatot ka" sabi ko sabay tawa. Napansin ko din na nangiti si Dad.
"O tama na yan. Jovi tara na dito. Kain na kayo." Sabi ni Mom.
"Bakit ako hindi mo inaya?" Sabi ni Dad sabay sibangot.
"Ayiee! Nagseselos si Daddy" tukso ko.
"kuamain na tayo at bawal ang pinaghihintay ang pagkain" sabi ni Mom. Kaya umupo na sila Dad at kuya.
Nagdasal kami bago kumain at nagsimula nang kumain. Naalala ko tuloy si Vhea. Pag tinitingnan ko sya sa mata ay nakikita ko ang kabaligtaran nang ugali ko.
Masungit. Maldita. Suplada. Iyakin. Loner. Strikto. Matapang. At mapagmahal.
Yan yung mga naiimagine ko kapag tinitingnan ko Sya sa mata. Minsan naawa ako sa kanya. Hindi nya kayang iwan at kalimutan ang mga dahilan nang pagtigas nang puso nya.
BINABASA MO ANG
Saved by an addict
Short StorySa mundong ginagalawan nya lahat ng tao lulong sa pera. Wala nang mas hihigit pa sa kanila ang halaga nang pera. Kaya't ganyan ang ugali nya. Maldita, masungit, maarte, pero iyakin. Sabik sa pagmamahal ng isang magulang. She is Vhea Kingsley. A girl...