Chapter 19: The ball

16 1 0
                                    

Chapter 19: The ball

***

Here I am again. Wearing a dress like a goddess. A somewhat look like doesn't feel a pain. Never been broke. A brave girl that was enough to persuade all problem. But again, I wish I could be that girl.

Sa huling pagkakataon. Tinignan ko ang buong ako sa isang mahabang salamin. Dahil alam ko na sa gabing ito, matatapos ang lahat. Desidido na ako. Sisiguraduhin kong walang makakapigil sa panahon na ito. Sawa na ako. Sawang sawa na ako sa mga taong dadating sa buhay ko at paparamdam na importante ako sa huli ay iiwanan din nila ako. Ayoko na, pagod na ako maging laruan. Masyadong nangingibabaw kaya pinagkakaintiresan pero sa totoo lang walang may pakialam.

Tinignan ko ang orasan sa loob ng kwarto ko. 3:10 pm. tumayo ako para maghanda na sa pagalis. Pero muli ay nahagip ang paningin ko ang papel na tuluyang nagpatigas ng puso ko.

Kinuha ko ang marriage contract. Inangat ko at pinilas. Walang emosyon na makikita sa muka ko habang tinatapon ang papel sa basurahan.

Lumabas ako sa kwarto ko at dumeretcho pababa. Hindi na akong nagabala pang tignan manlang ang mga magulang ko. Naglakad ako palabas ng pasilyo hanggang sa makapunta ako loob ng van.

Tahimik lamang ang naging byahe namin. Iniisip ko ang mga maaring mangyari sa oras na nawala ako sa mundo na ito.

AKO. Ako ang dahilan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sakin hindi mangyayari ang lahat nang ito. The feud between Matt and Logan. The arrange marriage. About my dad. The tension of my life. Everything was shattered because of me. And if there's one option I can chose, is to end everything.

Natauhan ako nang tumigil ang sasakyan. Sumilip ako sa bintana at halos manghina dahil nandito na naman ako sa eskwelahan na naging parte ng buhay ko. Lugar kung saan ko natutunan ang tunay na kasiyahan. The school who taught me that there is always good thing in every seconds of life.

Bumaba ako sa sasakyan. Inayos ko ang damit ko at tumingala. Ngunit nang tumingala ako ay nakita ko sya. Ang buhok nyang mukang ngayon palang ata naayos sa buong buhay nya. Ang mga mata nyang matamang nakatitig sakin. Ang matikas nyang pagtindig sapat para makuha ang atensyon ng nakararami. Ang natangos nyang ilong. Ang pangahin nyang muka.

"Logan..."  halos mangilid ang luha ko dahil sa napagtanto ko. Na sa oras na ito, higit sa paghanga na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Tumingala ako para mawala ang luhang nagbabantang kumawala sa mga mata ko. Muli akong napatingin kay Logan nang pumailanlang ang sigaw ng emcee.

"Welcome Seniors! The moment we wait is over! Lets start the ball we have!..." hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi ng emcee. Napatingin ako kay Logan ng magsalita sya.

"Ms. Kingsley, can I be your first dance?" Tanong nya at inilahad ang kanyang kamay sa harap ko.

Hinawakan ko ang kamay nya at sa huling pagkakataon na gagawin ko, nginitian ko sya. A smile full of pride, joy and fear.

Inalalayan nya ako papunta sa table kung saan kami nakaassign. I even saw Alfie and Aubrey smiling at me. Aubrey mouthed like 'You are beautiful' nginitian ko lang sya bilang kapalit sa papuri nya.

Nagsimula ang ball. Nagpakilala ang mga nakakataas na opisyal at member ng Jefferson high. Nang natapos ay unti unting napuno ang great hall ng mga nagsasayawang estudyante. Pinanood ko sila. Inaalala ang mga panahon ko kasama sila. Lumipas ang ilang minuto ay may kamay na lumahad sa harap ko. Tiningnan ko ang kamay nya. Tinanggap ko yon at nagsimula kaming sumabay sa marahang saliw ng musika.

"Logan" tawag ko.

"Hmm" sagot nya. Kaya ko ba? Magagalit ba sya?

"Thank you. Thank you for all. Sana sa susunod na oras ay wag kang magagalit." sambit ko.

Saved by an addictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon