Chapter 4: Bitter feud
***
Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ko. Napakunot ang noo ko. Sino yun? Tiningnan ko ang alarm clock ko. 10:37 pm. Umalis ako sa pagkakahiga sa kama ko. Naglakad ako papunta sa pinto habang kinukusot ang mata ko. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Dad. Mukang kauuwi nya palang.
"At detention." Madiin na sabi Dad. Parang galit. So parang alam ko na. Sesermunan na naman ako.
Bumaba sya nang hagdan at sumunod ako. Nakita kong pati si Mom ay nasa sala at nakaupo. Parang naghihintay. Pagkababa namin ay umupo sa Dad sa tabi ni Mom. Ako? Naiwang nakatayo sa harap nila.
"Ano yung sinasabi ng adviser mo na nakikipagusap ka daw sa isang drug addict at may hawak ka daw na drugs? Totoo ba?" Madiin na pagkakatanong ni Dad.
"Yes Dad but- "are you insane?!" Hindi nako pinatapos ni Dad. Nakakainis! Lagi silang ganyan.
"Naturing kapang taga Special section" sabi ni Dad sa disapoint na tono. Tumayo sya nang sabihin nya yon.
"Ganyan naman kayo e. Nagagalit kayo ni hindi nyo alam ang tunay na nangyari. At hindi nyo ko pinapatapos, pano nyo malalaman ang totoo? Alam nyo Dad nagtatampo ako sa inyo. Lagi kayong nagtatrabaho. Puro kayo pera wala kayong inatupag kundi pera. Kinalimutan nyo na may responsibilidad kayo bilang magu-
Isang malakas na sampal ang natanggap ko. Napahawak ako sa pisngi ko. Si Mom hinawakan si Dad sa braso at sinusuyo.
"Wala kang galang. Ganyan ba ang pagre-rebelde mo samin?!" sabi ni Dad.
"Hindi ako nagre-rebelde!" Napataas ang boses ko. "Kahit kailan hindi ko inisip na magrebelde sa inyo. Kahit anong gawin nyo, kahit puro pera ang nasa isip nyo na halos makalimutan nyo na may anak kayo hindi ko naisip na magrebelde! Dahil mahal ko kayo. Eh kayo ba? Kailan nyo huling pinaramdam na importante ako?"
Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ko. Kahit paano nailabas ko ang saluubin ko.
"Suwail na anak! Nagta-trabaho kami para sa iyo! Para sa-
"Para saan?! Ni hindi nga kayo makapunta pag orientation ko sa school. Pag sasabitan ako nang medal lagi na lang ang tita Carol ang pumupunta. Tuwing birth day ko nagpapa-party kayo perp ang totoo mga bisita mo ang importante. Buong buhay ko lagi na lang si Senior ang kasama ko. Ano ba yung kahit isang beses maiparamdam nyo na mahal nyo ako? Ano ba yung isang hiling ko na magkasama sama tayo sa isang araw? Alam mo Dad nagkakausap lang tayo ng mahaba pag ganito ang sitwasyon! Minsan na nga lang hindi pa maganda! Kung magrerebelde ako edi sana nuon ko pa yon ginawa." Sabi ko habang humihikbi sa kaiiyak.
umalis ako sa harap nila. Dumeretcho ako sa kwarto ko. Pag kapasok ko ay sinara ko nang malakas at nilock amg pinto. Umupo ako sa edge ng kama. Pinunasan ko ang luhang halos binasa ang buo kong muka. Huminga ako nang malalim at tumingin sa taas. Bakit? Bakit kayo pa ang naging magulang ko? Wala kayong kwenta. Magsamasama kayo!
Tiningnan ko ang orasan. 12:15 am. Madaling araw na pala. Humiga ako sa kama ko at nagkumot. Binuksan ko ang lamp shade ko. Pumikit ako at hinayaang makataulog ang sarili.
---
Gising na ako. Pero ayokong bumangon. Hihintayin ko na lang na tumunog ang alarm clock ko. Tutal pag tumunog yun ibig sabihin wala na sila Dad and Mom. Nakatingin lang ako sa kisame. 7:15 am. Mamaya nako babangon pag 7:30 na. Habang nakahiga ako may kumatok. Hindi ako sumagot. Tinakpan ko ang muka ko at nagpanggap na tulog baka sila Mom lang yan. Hindi parin tumigil ang pagkatok. "Vhea, si manang Tess ito." Sabi nang nasa labas nang pinto ko. Kumuwa ako ng libro sa tabi ng kama at binalibag sa pinto. Ganon ako pag tinatamad tumayo. Ibig nun sabihin ay pwede na syang pumasok. Bumukas ang pinto at nakita kong may hawak si Manang Tess ng panglinis.
BINABASA MO ANG
Saved by an addict
Short StorySa mundong ginagalawan nya lahat ng tao lulong sa pera. Wala nang mas hihigit pa sa kanila ang halaga nang pera. Kaya't ganyan ang ugali nya. Maldita, masungit, maarte, pero iyakin. Sabik sa pagmamahal ng isang magulang. She is Vhea Kingsley. A girl...