🍃Chapter 20🍃

26 1 0
                                    

♠Rayden's POV♠

Matapos kong makaalis mula dun sa mga Whooper ay tinungo ko agad ang dinaraanan ng babaeng yun. Kung nagtataka kayo kung ano ang ginawa ko mula dun sa mga whooper? Wag nyo nang alamin, tatawanan nyo lang ako and it really made me sick whenever I think about that scene.

Huminto ako bigla nang may nakita ako ng dalawang lagusan.
Isa mula sa kanan na may mabatong daraanan at isa sa kaliwa naman ang  medyo maraming baging at may konting stalagmites. Pumikit ako ng marahan at pinakiramdaman ng maigi ang saliw ng kalikasan. May kutob ako na sa kaliwa ang tinahak na daanan ng babaeng yun. Unti-unti kong inihakbang ang aking paa at nag lakad patungo sa kagubatan.

Ang lagusang ito ay matatagpuan ang pinaka tagong lugar ng Arendelle na kung saan dun naka sentro ang isang dome ng Erithieya o ang Heavenly Goddess. Ipinatayo ito ni King Theo at Queen Miranda nung panahong ipinagbubuntis pa ng Reyna ang pangalawa nilang anak, ang itinadhanang uubos sa lahi ng mga Danúa. Subalit naudlot ito nung sinalakay ng mga taga Danùa ang Arendelle Kingdom, hindi lang ang Arendelle kingdom kundi pati ang mga Kaharaing saklaw pa nito. Pero sa kabilang banda naman, nabigo silang paslangin si Queen Miranda para maagapan nila ang pagkaubos ng lahing Danúa. Natalo ang mga taga Danúa kaya umatras sila kasama ang kanilang hari.

Makalipas ang apat na taon, tamang-tama apat na taon narin ang bunsong anak nila.
Kasagsagan noon ng Majicus Eztoerzon Arriouna  o ang selebrasyon ng pasasalamat ng mga Strenous, tawag sa mga nilalang sa Majestic World. Lahat ng kaharian sa Majestic ay kasali at imbetado. Masaya,maingay,magalak at nagpapasalamat ang emosyon ng bawat nilalang. Kampante ang buong Strenous nang biglang pumasok ang grupo ni Daem sa kasiyahan. Subalit nabigla ang lahat sapagkat hindi na ito grupo lamang kundi isang buong kampon ng samot-saring mga Danúa. Si Daemyoon o mas kilala sa tawag na Daem ay ang hari ng Danúa Palace. At ngayon ay gumawa sya ng grupo ng mga Assasins na binansagang Radeonts. Ang mga Radeonts ay walang awa kung pumaslang sa mga taong pumipigil sa kanilang hangaring sakupin ang buong dimensyon ng Majestic World pati narin ang mga karatig nito.

*creek*

Natigil ako sa paglalakad nang naapakan ko ang isang sangang nakausli. Napahinto ako nang mahagilap ko ang isa sa mga Radeonts na bumabaybay din patungo sa Dome ng Eirithieya.

Inalerto ko ang lahat ng aking sistema kaya mabilis pa sa alas kwatro akong tinungo ang lugar na yun. Maraming mga makakapal na dahon ang nakaharang pero binalewa ko lang ito dahil nagmamadali ako.

"Ahhhhhhhh"

Isang sigaw mula sa dome ang narinig ko. Wala na akong magagawa kaya inilabas ko ang fire wings ko at pinabilis ko ang paglipad.

"Lu-lumayo k-ka sakin ku-kundi ba-batuhin kita na-ng.. Piano." Malayo palang narinig ko na ang nagtatapang-tapangang boses ng tangang babaeng yun. Agad naman akong nakarating dun pero nagtago muna ako sa ibabaw ng lumang chandelier ng Dome. Pinagmasdan kong maigi kung ano ang kayang gawin ng babaeng to. Tsaka isa pa, mahirap ang kalaban ngayon. Isang Alpha Werewolf na gutom na gutom ang nasa harapan nito.

Nilibot ko ang aking paningin para hanapin ang Radeonts subalit wala ito dito. Nilakasan ko ang pakiramdam ko para mahagilap ko sya, pero wala talaga. Nakakapagtatakang sumugod ang Radeonts na yon dito.

"Si-sinabi nang lu-lumay-yo k-ka sa-kin ibabato ko talaga t-tong p-p-pian-no sayo." Muli nyang sinabi nung humakbang ulit ang werewolf.

"HAHAHA. Pangalawa mo nang sabi iyan iha. Sige nga subukan mong ibato sa akin yan. Bwahahaha!" Isang nakakakilabot na tawa ang ibinigay ng werewolf matapos nyang sabihin ang mga katagang yon.
Naiinis man ako pero pinigilan ko ang nararamdaman  ko. Kating-kati na akong umatake pero nag hahanap ako ng tamang tyempo para gawin yun.

Mas lalo pang lumalapit ang werewolf sa babaeng yun , kaya naman panay din ang atras nya hanggang sa mahawakan nya ang mga tiles ng piano.

"Oh! Ngayon babae, nahawakan mo na ang piano. Ibato mo na sakin. Bwahaha." Sabi ulit ng werewolf habang naglalaway ang mga bibig nito.

"Tsk! Bobo mo talaga, lam mo na ngang di ko kaya yon. Nanghamon kapa. Nasan utak?." Mariin nyang sinabi iyon na sya namang ikinagalit ng werewolf. Kaya mas lalong lumapit sa kanya ito. Mga limang metro nalang ang distansya nila sa isa't-isa.

"He-he. 'To naman joke lang y-yun!" Pagkonswelo nya sa werewolf. Biglang napindot nya ang isang tiles ng piano na lumikha ng magandang himig. Kaya halos mabaliw sa pagwawala at umalulong ang werewolf na para bang nasasaktan ito.

Agad namang tumakbo ang bobong babae patungo sa bintang sira. Bobo nga talaga! -_-7
Tatalon sya jan na walang kapangyarihan?

Walang anu-ano'y sinugod ng lobo ang bobong babae kaya mabilis kong hiniwa ang kanyang dibdib nagbigay ng itim na nakakasilaw.

Hindi pa mamamatay ang werewolf pero sapat na ito para manghina sya. Mariin naman syang napapikit at umatras.

"Hindi, h'waaag!" Sigaw ko nang mahulog sya bigla sa bintanang sira.

"Ahhhhh....tulooong!"

Mabilis ko uling ibinuklat ang fire wings ko at nag tungo sa bintanang yun at sinagip sya.

"Don't worry, you're safe now!" Bulong ko sakanya nang agad kong nasalo ito. Kasabay ng pagpagaspas ng aking pakpak ay nahimatay sya.

⭐⭐⭐⭐⭐♥♥♥♥♥⭐⭐⭐⭐⭐

Arendelle Academy: The Lost Sister Of Amber (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon