🍃Chapter 23🍃

39 3 0
                                    


⭐Lady Emerald's POV⭐

"Lady Jewel, may tatlong bagong transferries na mag-aaral dito. Dalawa ay nagmula sa Thundra Kingdom at ang isa ay galing kay Master Krey!" Report sakin ni Nica. Nakakapagtaka na ipinadala na ni Krey ang kanyang alaga dito. Alam kong nalalapit na ang digmaan. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi parin namin nakikita ang kapatid ni Princess Amber. Pati narin sya, ni isa walang makakapagsabi sa amin kung ano at nasan ang Prinsesa. Siya at ang kapatid nyang itinakda na uubos sa lahi ng mga Danúa na hanggang ngayon ay wala parin sa kaharian nila. Sa bawat pag lipas ng panahon, unti-unti na kaming nawawalan ng pag-asa para manalo. Kaya simula nung nawala ang dalawang alas namin ay tuwing taon idinadaos ang Annual Battle Exam ng mga Arendellians, para matukoy kung paano na sila kabihasa sa mga itinuturo namin. Eklabush lang yung tataas ang ranggo nila sa paaralan. Paraan lang namin yun upang mamotivate sila sa paghasa ng kanilang kapangyarihan.

"Sige, papasukin mo sila." Utos ko kay Nica. Inihanda ko ang sarili ko para sa kung ano mang mangyari dahil alam kong isang Guardian at kalahating Oracle ang alaga ni Master Krey.

Bumukas na ang pinto at nakita ko sa likuran ni Nica ang tatlong studyante. Dalawa ang nakasuot ng Itim at pinaghalong dilaw na cloak. Ito siguro ang mga studyanteng nagmula sa Thundra Kingdom. Habang yung isa naman ay naka Maroon ang cloak nito. Ito na nga siguro ang alaga ni Krey.

"Heto napo sila. Students this is your headmaster, Lady Emerald Jewel. Maiwan ko muna kayo dito." Yumuko si Nica matapos nyang sasabihin yun. Sinuri ko naman ng mabuti ang tatlong studyanteng ito. Base sa nakikita ko, itong dalawang studyante na galing sa Thundra Kingdom ay may malalakas na kapangyarihang taglay at mataas ang posisyon nito sa kanilang paaralan.

"Good morning students. I will formally introduce to you myself. I'am Lady Emerald Jewel. The Headmaster of this Acadamey. You chose to transfer in this academy that's why whether you like it or not, you must follow each protocol in this school. You are all accepted. Welcome to Arendelle academy." Mahaba kong bati sakanila. Yumukod naman sila at bumalik sa pagtayo. Isa isa naman silang nagpakilala sakin at ang bawat kapasidad ng kanilang kapangyarihan.

Pinapunta ko ang dalawa sa Cylinder at nakakuha sila ng Black ID. Natuwa naman silang dalawa at agad na umalis. Ang alaga nalang ni Krey at ako ang naiwan dito.

"Inaasahan ko na ito. Gusto mong malaman?" Diretsa nyang sabi sa akin. Hindi na nakapagtataka. Umupo siya sa upuan, kaya magkaharap na kami ngayon.

"Sabihin mo sa akin kung san matatagpuan ang dalawang Prinsesa." Prangka kong tanong sakanya. Tumawa sya ng bahagya kaya napakunot ang noo ko sa tinuran nya sa akin.

"Anong nakakatawa sa tanong ko?" Inis kong tiningnan sya bago nya ako binigyan ng isang makahulugang ngiti.

"Nandito na sya." Panimula nya at bigla syang tumayo. Nagpalakad lakad sya sa buong opisina ko na tila ba pinag-iisipan nya ang kanyang sasabihin sakin. Nahinto sya saglit at biglang umilaw ng puti ang kanyang mata saka tumingin ng diretso saking mga mata.

"She's here, so run fast while you can still have her .
She may be your greatest friend but she's your worst foe.
Enemies are in here long ago. Other's are lurks around to catch her.
She's here, so run fast while you can still save her.
Trust will be broken. Destruction will come again."

Arendelle Academy: The Lost Sister Of Amber (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon