🍃Chapter21🍃

37 2 0
                                    


⭐Sofia's POV

"Sofie..."

"Si-sino yan?!" Tanong ko sa isang tinig. Hindi ko alam kung san ako? Wala akong natatandaan sa mga nangyari sakin. Kung pano ako napunta dito? Kung patay na ba ang nag-iisang dyosa sa balat ng sang kalupaan?
Puro puti at parang usok lang kasi ang nakikita ko. Siguro dito naninirahan ang mga puting kapre. Ano kayang klaseng sigarilyo ang gamit nila, mighty kaya o marlboro. Di pang mayaman yun eh, baka jackpot o champion long. Pero siguro tabaco lang o kaya yung SSS na tabaco. Kayo? Ano sa tingin nyo?

"Sofia..." Anang tinig uli.

"Sino nga kasi yan?" Buong puso kong sigaw sa isang tinig. Maya-maya ay biglang nag bago ang ihip ng pananaw ko.

Napunta ako sa isang kagubatang malawak. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Pero baka illusyon na naman 'to ng TTSB na yun. Alam mo naman yun hindi papatalo. Daig pa yung inagawan ng lollipop.

"Hoy! Ikaw na Timawang timang na supot at bansot, kung pinaglalaruan mo nanaman ako, pwes di na 'to nakakatuwa ha! Tigilan mo na 'to!" Buong puso kong sigaw sa kalawakan ng kagubatan. Nagbabasakali lang kasi ako.

"Sofie.." Muling tawag sa aking ng misteryosong tinig.
Tumakbo ako kung san nanggaling yung tinig na 'yon. Nakarating ako sa isang lawang may nakahiga na wooden deer. Sa likod nito ay dun makikita ang maliit lawa. Sa ibabaw naman ng lawa ay makikita ang parang nyebe na pader, pero hindi ito masyadong malaki.

Sa mga nakikita ko ngayon ay hindi ko na talaga alam kung ano ang nga nangyayari. Bigla kong nakita ang isang mukha ng babaeng naka dipa at may mahabang buhok. Malabo ito kaya ko masyadong maaninag ang kanyang mukha. Pero isa lang ang nasisiguro, hirap na hirap na ito sa kalagayan nya. Napapaligiran kasi ito ng mga maraming dambuhalang hayop. Di ko maintindihan kung ano ito. May matatalim na mga ngipin na pabilog at malalaki ang mga bibig ngunit walang mata. Ang kamay na animo'y isang kamay ng demonyo kasama ang mga binti ang paa nito na kayang umapak ng isang milyong katao sa isang iglap lang.

Parang biglang naantig ang puso ko sa sobrang hirap nya. Hinang-hina na sya at halos wala nang lakas kung huminga.
Biglang nawala ang imahe ng babae at napalitan ito ng isang nag lalabang mga tao. Ngunit hindi normal na barilan at putukan lamang, kundi isang napakadelikadong kapangyarihan ang gamit nila. Ayon kasi sa nakikita ko, gumagamit sila ng isang itim na kapangyarihan na may halong kidlat na naka palibot nito. Ang ibang mga kalaban nakasakay sa isang broomstick, di ko alam na totoo pala ang mga witch, at marami pang iba. Sira-sirang mga kastilyo, mga batang walang awang pinapatay kasabay ang pagpatay sa kanila ang pag dakip ng mga tauhan ng isang kastilyo at pinupugutan ng ulo. May mangilan-ngilan ring nakakapatay ng mga kalaban nila ngunit halos malakas ang pwersa ng kalaban. Umulit muli sa pag palit ng ibang imahe ang pader na yelo, dito naman nakikita ko ang dalawang mag asawang pilit lumalaban. Hindi lang sila mga ordinaryong mag-asawa kundi mga Hari at Reyna. Nakuha ng isang kampon ng kalaban ang maliit na bata subalit nag pakawala ng isang malakas na pwersa ang isa pang bata, ngunit mas nakakatanda ito sa nauna. Napatakip ako sa sumunod na nangyayari, isinakripisyo ng nakakatandang batang babae ang kanyang sarili upang iligtas ang kanyang bunsong kapatid. Tinusok ng dagger ng demonyong kalaban ang nakakatandang bata at dinala sa kung saan man. Habang ang mag-asawa naman ay halos mawalan na ng pag-asa sa mga nakikita nila. Ngunit ang batang babae naman ay biglang napasok sa isang portal at tinangay ito sa kung saan man. Kaya naman, halos pinagsakluban ng langit at lupa ang Hari at Reyna matapos mawala ang dalawa nilang anak.

Arendelle Academy: The Lost Sister Of Amber (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon