⭐Zendy's POV⭐
Nang may narinig kami ng isang malakas na pagsabog na nanggaling sa may canteen ay agad na pumunta kami dun ni Ellaine at iba pang mga kasamahan naming Highly Mages.
Habang paparating kami dun ay papalakas ng papalakas ang isang matinding aura na sumakop sa buong katawan namin. Kinabahan kami konti pero hindi ito ang oras. Inihanda namin ang mga sarili namin sa mga mangyayari ngayon. Di na ako nag-alala masyado kay Clera dahil alam kong kaya na nya iyon. Ang mas inaalala ko sina Danica at Sofie dahil nasa lower level palang sila. Si Danica isang articus samantalang si Sofie naman ay unidentified pa lang.
Nang makarating na kami dun ay pinatamaan ko agad ng kidlat ang ulo ng isang Radeonts na muntikan nang sumaksak kay Clera. Lumingon sya sakin at nag pasalamat.
Patuloy kaming nakikipag laban. Suntok dito, sipan doon. Hagis dito, hagis doon. Bigla namang dumating si Rayden at agad na nagpakawala ng kapangyarihan nya. Kaya one fourth na ng kalaban ang nawala. Somehow a relief!
"Ellaine sa likod mo!" Sigaw ko rito at tumalima naman sya na agad namang nagpakawala ng kanyang kapangyarihan.
Nagpatuloy lang kami sa kakalaban sa kanila pero parang nadadagdagan pa ata sila. Gaano ba ito karami?
Pagod na pagod na kami sa kakalaban pati narin ang ibang nasa medium at high level. Kasabay rin naming nakipaglaban ang ibang professors pati na si Headmistress Emerald!
"Yaaaahoooo! May laban na naman!" Biglang sigaw ni Jaeydon na agad namang nag pakawala ng matinding Earth element. Nakarating na pala sila mula sa misyon? Panigurado mas gugulo na naman tong buhay namin.
Sumuntok sya sa lupa at nagsilabasan ang matatarik na mga bato at agad na tumama sa mga kawal ng radeonts.
"Yehheeey! Ansaya nito!" Bigla namang sigunda ni Aaron! Nagpalabas agad sya ng kanyang ipo-ipo at sinintro ang mga kalaban. Agaran naman ito tinangay pataas.
"Here comes the princeeeees!" Malakas na sigaw ni Ariane at agad na nagpalabas ng isang malaking bomb metal at itinapon sa kawal na papunta sakanya.
Srsly?! Gugulo na talaga ang buhay ko. >,<;
"Hi Zendy! Hehe" awkward nilang bati sa akin. Pinaulanan ko lang sila ng lightnings ko at nagtatakbo sila patungo sa mga gardons.
⭐Ellaine's POV⭐
"Bwesit kang Radeonts ka. Mapapatay talaga kita!!" Sigaw ko rito habang pilit na pinatatamaan ng mga tipak na yelo at ice spikes.
Nahinto sya saglit at sumugod ulit sa akin. Nagliliyab ang itim na apoy sa kanyang dalawang kamay. Inilingkis ko ang dalawa kong kamay sa likuran at gumawa ng isang invisible bomb at ipinosisyon ko ito para magagamit mamaya.
Habang papalapit na sya ng papalapit sa akin ay inihanda ko rin sa kailaliman ng lupa ang mga stalagmites. Inatras ko patalikod ang kaliwa kong paa at gumawa din ako ng ice spikes sa magkabilang kamay ko.
"Die!" Mariin nyang sambit habang nagsilabasan rin ang matatalim na mga sandata sa likuran nya na animo'y buntot.
"Hoy amaw! Sating dalawa ikaw ang unang mamamatay!' Sigaw ko pabalik. Nang malapit na syang makarating sa kinaroroonan ko ay bigla ko nang pinabulusok paitaas ang mga stalagmites na ginawa ko. Umiwas sya ng umiwas, pero may mga oras rin na natatamaan sya kaya nawawala sya sa balanse nya. Nag back flip sya at nakangiting nag landing sa kinaroroonan ko.
"Gotcha!" Nakangiti kong saad sakanya habang kumunot ang noo nya. Naglagay kasi ako ng isang deep freez sa kinatatayuan nya. Habang gumawa kasi ako ng invisible ice bomb ay pasimple ko ring ginawa ang deep freez. Alam kong alam nya na gumawa ako ng invisible ice bomb. Ginawa ko lang ang invisible ice bomb upang hindi nya mapansin ang paggawa ko ng deep freez.
Ang galeeeng ko talaga!
*flips hair*
Unti-unti na syang binabalot ng yelo at pilit na inaabot ang aking katawan. Yung mga ice spike ay pinatulis ko ito ng sampung beses sa orihinal na pagkatulis nito. Agad kong itinusok ito sa kanyang noo dahil nag sisimula na rin syang gumawa ng counter attack gamit ang bibig nya.
"Diba sabi ko sayo ikaw muna saka na ako. Bleeh!" Saad ko rito nang agad syang naglaho sa hangin.
"Hi Ellaine!" Biglang pagsigaw ng lalaki sa may kalayuan. Maya-maya ang ramdam ko na ang presensya nya sa aking likuran.
"Oh? Buhay ka pa pala?" Wala sa sarili kong tanong kay Aaron habang nakikipag one-hand fight kami sa kawal ng mga radeonts o tinatawag na Gardons.
"Grabi ka naman Ellaine. Parang sinasabi mo na atang sana namatay nalang ako!" Madramang nyang sabi sa akin habang tinwist nya ang ulo ng gardons.
"Di kaya?" Maagap kong sagot sakanya at nilatigo ng nababagang mga tinik ng yelo ang limang gardons na sabay-sabay umatake sakin. Nag laho naman sila bigla.
"Ganun narin yun!" He insisted with a sound of upset! Then he kick those six gardons.
"Okey! Sabi mo eh!" Wika ko sakanya at nag flying kick sa isang gardons. Gumawa naman sya ng maliit na ipo-ipo at inihagis sa paanan ko kaya ang labas naka split ako.
"Pffft~HAHAHAHA. Ang galing ng reflexes mo Elyanin! Hahaha!" Nanunudyo nyang sabi sakin at pasimple namn akong gumawa ng latigo at ipinilipit ito sa kanang paa nya tsaka ko hinila sya. Natumba sya at tumayo na ako.
"Kwits na tayo!" Aniko sakanya at tinira ng yelo sa mukha nya.
"Grrrr! Bwesit ka sa buhay ko Elyaniiin!" And with that tumakbo na ako pero ang loko may sinigaw pa.
"Elyanin polka dot!" Arrrrrghh! Gago sya. Ang kapal nyang sabihan ako ng ganun! Nagpupuyos ako sa galit nang binalikan ko sya. Bigla naman syang tumayo at lumipad.
"Bleee!" Sabi nya pa habang nasa ere nag palutang-lutang.
Gumawa ako ng yelong latigo at itinira sa kanya. Umiwas naman sya at tumawa.
"HAHAHA. Hulihun mo ako. Bleee!" Pang-aasar nya sakin. Nagpaswing-swing pa sya sa hangin habang naka de-kwatro.
Hinila ko pabalik ang latigo.
"Gotcha!" Nakangiti kong sabi sakanya. Hinila ko sya ayon sa kagustuhan ko at sumisigaw sya sa kalawakan.
"Yan bagay sayo." Sigaw ko sakanya. May nakita akong paparating na mga Gardons at itinapon ko sya roon saka tumakbo ng matulin.
⭐⭐⭐⭐⭐♥♥♥♥♥⭐⭐⭐⭐⭐
BINABASA MO ANG
Arendelle Academy: The Lost Sister Of Amber (ON-HOLD)
Fantasy"For love will conquers everything but for thyself shall be strong." -Rayden- "Music is the soul of mine, but you we're my world, my air and my heart." -Sofia- 'pogingPa...