🍃Chapter 19🍃

33 0 0
                                    

♠Sofia's POV♠

Takbo ...

Liko...

Takbo...

Hinto..

Liko...

Takbo...

*hinga*

*hinga*

Natigil ako sa kakatakbo. Nabalik ako sa aking isipan na wala pala ako sa aking kinagisnang mundo at hindi ko ito kabisado. I'm here now in a crazy world. Damn!

Di ko alam kung nasan ako. Puro puno ang aking nakikita. Mga ibon na lumilipad, mga dahong sumasayaw sa saliw ng hangin. Mga huning kakakiba na ni minsan di ko pa naririnig. Totally NAWAWALA AKO!!!!

Isa itong kagubatang may matatarik na mga bato. May batis na umaagos rito.

Maya-maya may nakita akong isang usa. Medyo may kalakihan sya at maganda ang pagtubo ng kanyang sungay na tila ba isang tuyong sanga ng kahoy. Sa leeg naman nito ay makikita mo ang puting malalago at mahabang buhok na nagbibigay ng ganda sakanyang panlabas na anyo. Dahan-dahan akong pumunta dun. Pero sa kasamaang palad, bigla itong tumakbo. Sinundan ko ito kasabay ang pagtapak ko sa mga matatalim na mga bato. Di ko alam kung bakit ko ito hinahabol basta ang alam ko nakakita ako ng Usa. PERSTYM eh! Pagbegyen na.

Patuloy lang ako sa kakatakbo na kahit isang segundo ay hindi ako huminto baka kasi makawala ito sa paningin ko. Shit! Ang bilis tumakbo nitong Usa. Pumaliko sya sa dalawang malaking kahoy na naka tayo. Matatayog ito at malalaki pero may katandaan na. Malalago ang mga dahon nito na tila ba isang bubung ng bahay ang pagkatubo.

Pumasok din ako dun. Dahan-dahan naman akong naglakad para di marinig ng Usa. Nakita ko naman na huminto ang Usa sa may malalagong halaman na parang nakatabon. Ang ibabaw nito ay parang pinasadyang ikorte na mala bahaghari. Natutubuan din ito ng mga bulaklak na lila, pula, puti at dilaw. Ang ganda nitong pagmasdan, sa sobra kong aliw sa pagtitig ng mga bulaklak na yon ay kamuntikan na akong lumabas. Mabuti nalang at nausli ang damit ko sa sanga ng natumbang kahoy kaya nabalik ako sa aking diwa.

Naglakad-lakad ang muna ang Usa sa harapan nito at kumain muna ng damo. Dahan-dahan naman akong gumalaw para makalapit ng tuluyan sa Usa.

*creek*

Naapakan ko ang isang tuyong kahoy na sya namang ikinalingon ng Usa. Bigla akong kinabahan kaya unti-unti naman akong yumukod. Bumalik naman ang Usa sa pagkain kaya its sa relief for me.

Pinagmasdan ko ang Usa at kinilatis ang bawat detalye ng anyo nito. Masasabi kong hindi ito karaniwang Usa na namumuhay sa kagubatang ito. Kakaiba ito kung maglakad at gumalaw. Ang mga titig nito animoy isang titig ng isang taong makapangyarihan. Napansin ko rin kanina habang sinusundan ko ito sa pagtakbo, ang bawat hayop na mdadaraanan nito ay tila natatakot at yumuyukod sakanya. Pinagmasdan ko talaga ito ng maigi lalong-lalo na ang sungay nito na kung saan pwedi kang isabit dito sa sobrang tayog at maraming mga sanga.

Bigla namang tumitig sa kinaroroon ko ang Usa. Unti-unti namang bumalot sa aking diwa ang kaba. Nakita nya ba ako? Napansin kaya nya na may nakamasid sakanya? Nagtama ang aming mga mata na sya namang ikinagulat ko. Hindi itim ang kulay ng kanyang mata, kundi isang ginto. Kulay ginto ang kanyang mata. Pero imbes na mahintakutan ako lalo ay mas pumaibabaw ang saya. Sa kauna-unahang pagkakataon sa tanang buhay ko ay nakakita ako ng Usa na kulay ginto ang mata. Gusto kong tumalon at humiyaw at ipagsigawan sa buong kagubatan. Pero pinigilan ko ang emosyong ito.

Arendelle Academy: The Lost Sister Of Amber (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon