CHAPTER FOUR
ZEIAH
Ugh! Nakakapagod itong araw na ito. Nakakainis kasi si Luxrill! Ang daming pinagawa sa akin nang kung ano-ano. Well, basic lang naman sa akin ang mga pinagawa niya, katulad na lang nang mag-jogging sa buong VA ng limang beses na sobrang nakakapagod dahil nga sobrang laki nga nitong VA 'di ba?
Kahit basic lang yun, nakakapagod pa rin dahil hindi ko naman yun madalas ginagawa kaya naninibago ang katawan ko.
Gabi na at natutulog na ang lahat, hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako para magpaantok. Kaya lang parang wrong move dahil pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Naglakad lang ako ng mabilis patungo sa walang direction. Hindi ako makabalik sa dorm dahil nasa likod ko ang daanan. Mahirap na baka nga may sumusunod sa akin at baka mga—
"Hey."
"Ay bampira!" Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa tainga ko. Sinamaan ko ng tingin kung sino man itong lalaking 'to---Teka! Ito yung sa may elevator, ah!
"Ikaw na naman?!" Inirapan ko siya. Kainis. 'Di ba nga sabi ko, ayoko nang ginugulat ako.
He chuckled kahit wala namang nakakatawa. Baliw na. O di kaya natatawa siya sa reaction ko? Argh! Kainis!
"Why are you still here? You should be in your dorm now," sabi niya. Englishero. Amp.
"Eh sa hindi ako makatulog eh," sagot ko which is totoo naman talaga. Ganito ako kapag bago ang higaan ko eh, hirap ako makatulog.
Hindi siya umimik. Nang maglakad ako ulit, sumunod lang siya sa akin. Huminto ako at humarap sa kaniya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Following you? It's not safe here to be alone." Hinayaan ko na lang siya na sumunod sa akin. May point naman kasi siya.
Naglakad lang ako nang naglakad pero hindi pa rin ako makatulog. Hays. Namimiss ko tuloy si Mama.
"Namimiss ko na si Mama," biglang sabi ko. Naramdaman ko namang huminto siya sa paglalakad saka tumingin sa akin, habang ako nanatiling nakayuko.
"Tuwing hindi ako nakakatulog, palagi niya ako kinakantahan hanggang sa makatulog ako." Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Kamusta na kaya sila? Maayos lang kaya sila? Gusto ko na makita ang pamilya ko.
"Do you want me to sing for you?" Napatingin ako sa kaniya habang nagpupunas ng luha. Ano raw? Kakantahan niya ako? Ay gaga, tinagalog ko lang eh.
"H-Ha? Nakakahiya naman. Hindi mo naman ako kailang---"
"It's nothing. Para makapagpahinga na rin ako."
"Ahm. Okay. Sige, sabi mo eh." Napayuko ako kasi naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Teka? Namumula pisngi ko?!
"So, let's go back to your dorm." Napakunot ang noo ko.
"Akala ko ba kakantahan mo ako? Eh bakit----"
"Just trust me," sabi niya bago tumalikod at naglakad. I pouted bago sumunod sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Vampire Academy
Paranormal[COMPLETED] Former: School Of Vampires: Vhaxeinus Academy "Hi! Im Zeiah. And guess what? I entered this Acadamy. A not ordinary school. Full of secrets. Full of mystery. And a school where I belong..." 💌: First ever story that I wrote so don't expe...