CHAPTER NINE

611 36 7
                                    

CHAPTER NINE

THIRD PERSON

Napaupo si Zeiah sa gilid nang swimming pool. Hinayaan niya ang paa niyang nakatampisaw sa tubig. Heto lang ang alam niyang lugar kung saan magiging tahimik siya. Malaya siyang makapag-isip. Kahit saang parte kasi siya pumunta sa academy na ito, lahat na lang ay umiiwas sa kaniya. Pagkatapos, kapag nakalayo sa kaniya saka siya huhusgahan. Pwe. Hintayin lang talaga nila na mapatunayan kong inusente ako, who you sila sa akin.


Minsan iniisip niya na dapat nagpalit na lang sila nang pwesto ni Macey, buti pa ito pa chill-chill lang sa langit hababg siya ay naghihirap. Pero syempre, ayaw niya namang mamatay na hindi man lang nagkakajots.


Habang nag-eemote siya sa pool, hindi niya alam na pinagpaplanuhan na nang kaniyang mga kaibigan ang pag-iimbistiga sa mga nangyari. Naniniwala rin kasi ang mga ito na walang kasalanan si Zeiah.


"So, ano nang gagawin natin?" tanong ni Lucifer. Napairap na lang si Heylil. Ba't 'di na lang kaya siya mag-isip ng paraan para matulungan si Zei.


"Babalikan natin ang nakaraan," sagot ni Luxrill na seryoso ngayon. Naiinis siya sa kuya niya dahil parang padalos-dalos ito nang desisyon. Alam naman niyang dapat talagang hulihin ang may sala pero hindi talaga siya naniniwala na si Zeiah iyon. Gagawin niya ang lahat para mapatunayan yon.



"Ay, may ganoon? Akala ko ba hindi na dapat balikan ang nakaraan?" sabat ni Lucifer kaya sinamaan siya nang tingin ni Heyl.


"Hoy, pangit! Manahimik ka nga riyan, ah!" sigaw ni Heyl. Basta talaga pagdating kay Luci ay nawawala ang pose niya. Nagiging madaldal siya at parang lahat nang pakiramdam nararamdaman niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Luci. "Oh, bakit? Wala naman akong sinabi na ikaw, ah?" sabat niya ulit.


"Tumigil nga kayong dalawa!" Magsasalita pa sana si Heyl nang sumigaw si Luxrill. Naiinis na ito dahil nasa seryosong usapan sila pero yung dalawa bangayan lang nang bangayan.


Tumahimik naman yung dalawa pero masama pa rin ang tingin sa isa't isa.


"So, paano natin gagawin iyon?" tanong ni Archelle. Sa tabi niya ay si Arthur na tahimik lang.


"Hihingi tayo ng tulong sa Clairsepires," sagot ni Rant.

"Papayag ba sila?" tanong ulit ni Archelle.


Ang Clairsepires, isang uri ng mga bampira na kayang alamin ang nakaraan ng bagay o tao. Pero isa sila sa mga mahihirap hingan nang pabor. Hindi sila sumusunod basta-basta maliban na lang kung sa nakakataas nanggaling.



"Ako na ang bahala roon," sabat ni Luxrill. "Kayong apat muna ang bahala kay Zei, mahirap para sa kaniya ang sitwasyon na ito." Bumuntong hininga siya saka umalis para hanapin si Clair, ang pinuno nang mga Clairsepires.



"Clair!" tawag ni Luxrill kay Clair. Hininto ni Clair ang kaniyang ginagawa saka humarap sa dalawa. Napakaganda nito ngunit walang emosyon ang mukha. Mahirap basahin kung ano ba ang iniisip nila.



Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon