CHAPTER THIRTY ONE

251 10 0
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

SAPPHIRE

Gosh. Bakit sa dinami-dami naming mga leaders bakit ito pang lalaking 'to ang naka-partner ko?


"Pinapatawag tayo ni pinuno," sabi niya sa akin. Hindi ko siya sinagot at nauna nang maglakad papasok sa loob ng mansyon ng mga werewolves.

Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Ano naman ngayon kung magkasama kaming dalawa? I shouldn't be affected with him! Tutal parang wala rin naman sa kaniya. He moved on and I am too! I should calm my heart, it shouldn't beat for him. No.


"Halikayo, kumain na muna kayo," paanyaya sa amin ng pinuno ng mga werewolves si Gilron.


Actually, vampire and werewolves are not enemies. Magkaibigan ang mga angkan namin bago magsimula ang nangyari noon at pinili nilang lumayo. Hindi namin alam ang dahilan kung bakit sila nagpakalayo sa amin pero inisip na lang namin na ayaw nilang madamay ulit sa gulo. Marami rin kasi ang namatay sa kanila dahil sa mga hunters.


Umupo ako sa sa upuan, pabilog ang mesa nila at may mga pagkain na nakahanda. I scowled nang umupo sa tabi ko si Rant. Pwede naman siya umupo sa tabi ni Kilros bakit sa akin pa talaga?


"Send my gratitude to Vhax. Alam ko namang sa simula na hindi kayo ang mga sumugod, hindi iyon magagawa ni Vhax sa amin. Ito lang talaga si Sillon," ani ni Gilron at tiningnan ang kapatid na parang wala lang.


Ngumiti lang ako at si Rant na ang nakipag-usap sa kanila. Magaling naman siyang makipag-usap kahit kanino. Pagkatapos ko kumain at nagpaalam na ako sa kanila. Pumunta ako sa kusina para maghugas nang kamaty nang may napansin akong babae na dali-daling lumabas. May pintuan rin kasi dito palabas sa likod. Napakunot ang noo ko kaya susundan ko sana nang humarang si Kilros.


I rolled my eyes at him at pumunta nang lababo para maghugas nang kamay.

"Grabe, Sap. Ilang taon na ang lumipas mataray ka pa rin. Buti napagtya-tyagaan ka ni Rant," sabi niya sabay tawa.

Biglang sumama ang loob ko at sinamaan siya ng tingin. Anong ibig niyang sabihin doon?

"Wala na kami," simpleng sabi ko. "Matagal na."


Napatigil siya sa pagtawa at nagtatalang tingnan ako. Naging boyfriend ko si Rant noon. Si Kilros lang ang nakakaalam tungkol sa relasyon namin noon.

"I didn't know about that. I'm sorry," he said, still hindi pa rin makapaniwala.


Ganoon ba talaga kami ka-inlove dati at hindi kapani-paniwalang possible kaming maghiwalay? Siguro nga. Dahil sa pagmagmamahal na iyon, naging duwag ako. Natatakot ako dahil sa pagmagmamahal na mayroon ako para sa kaniya.

"Hoy! Ano na naman sinisilip mo riyan? Si King na naman 'no?"


Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon